Nagising si Samir sa masarap na amoy ng adobo. Wala na siyang katabi paggising niya. Bumangon siya at nagsuot ang boxer brief at shorts saka lumabas patungong kusina. "G-gising ka na pala, magtitimpla ako ng kape. Gusto mo na rin bang kumain?" tanong ni Gia na iniiwas ang tingin sa kanya. "I'll take a shower first," sagot niya saka tumuloy sa banyo. Kung bakit nawalan siya ng sasabihin ay hindi niya alam. Mula nang tumuntong siya sa edad na bente singko ay napag-aralan niya na ang confidence niya sa mga babae. Women come and go. Kung mayroon mang magtagal ay inaabot lang ng limang buwan pagkatapos ay nawawala na ang excitement o ang tinatawag nilang 'spark'. Kay Katlin lang niya naisipang magseryoso pero nauwi rin sa wala. Ngayon ay isinusuong na naman niya ang sarili sa isang

