Chapter 35

2101 Words

"Masaya ka na ba na nakukuha mo ang gusto mo nang walang kahirap-hirap?" mahinang pero puno ng galit na wika ni Gia nang sumakay ito at ang anak sa kotse niya.  Naikarga na nito ang dalawang maletang gamit sa compartment.  Hindi siya bumaba sa sasakyan kanina dahil gahibla na lang ang pagpipigil niya sa galit kay Art.  "Ipinaglalaban ko lang ang karapatan ko sa inyo, Gia." "Hindi mo na ako asawa.  Ayaw ko lang paabutin sa korte ang pakikipaglaban mo sa custody ni Jaime.  Pero anuman ang tungkol sa ating dalawa ay matagal nang natapos, Samir." Nang kuhanin ni Gia ang telepono sa bag at may kinakausap sa text ay gusto niyang manlumo.  Kahit anong gawin niyang paglalayo kay Gia at kay Art ay magkakaroon pa rin ng komunikasyon ang dalawa kung gugustuhin ni Gia.  Hindi niya puwedeng diktahan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD