Pilit itinatago ni Samir ang kaba nang sumakay siya sa kotse. Si Gia ay nakatingin lang sa labas ng bintana at tahimik lang. "What's my son favorite food?" tanong niya kay Gia. "Spaghetti at chickenjoy. Alam mo naman siguro kung saan nabibili 'yun?" Tumango siya bago pinaandar ang makina ng kotse. Ang huling natatandaan niyang itsura ng anak ay noong wala pa itong dalawang taon. Noong mga panahon na 'yun ay bulag pa siya sa mga pagbibintang niya kay Gia at sa Papa niya. Tahimik lang siyang nagmamaneho habang si Gia ay nakatingin pa rin sa labas. Masaya ang puso niya dahil pumayag na ang asawa niya na sumama sa kanya. Pero kinakain siya ngayon ng takot sa kung paano ang magiging pagganggap sa kanya ng anak. He was a total jerk and douchebag. Kung binata na ang anak niya'y tiya

