YSTO - Chapter FOUR

1808 Words
Hindi pa din ako makapaniwala na napanaginipan ko si Franco Aguillanes noong nakaraang pasko. January na ngayon. Simula noong napanaginipan ko siya ay nagfocus na lang ako sa trabaho ko. Nasabi ko sa sarili ko na, Prinsipe siya at may-ari ng University na papasukan ko. Ako ay hindi hamak na isang pipitsuging babae lang. Tinignan ko ang mga kaibigan kong natutulog sa tabi ko. Buti malaki higaan ko at kasya kami. Nagsleep over sila dito dahil nasa Australia sila Mommy. Pinagtour nila Tito Albert doon at baka magwork din sila doon para makaipon. "Napakaswerte ko sainyo, Sydney at Arisha. Hindi ko na alam gagawin ko kapag nawala kayo sakin. Tinuring ko na kayong kapatid. At ako ang ate niyo. Mahal na mahal ko kayo." Hinaplos ko buhok nila at nagsimula na sa pagtratrabaho ko. Malapit na ang pasukan kaya kailangan ko mag-ipon. Nakakapagod ito pag nagpasukan na. Ako na magaasikaso samin, nagaaral pa ko at nagtratrabaho. Bibitawan ko na ang pagiging call center agent at magfofocus na ako sa studies ko. Syempre ipagpapatuloy ko ang pagtututor. Kumikita ako ng 40,000PHP per month doon. Habang sa call center ay 19,000 to 20,000 per month. Nagising na lang ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Tulog pa din sila Arisha. Sabado ngayon at walang pasok ang mga bata. Kinuha ko cellphone ko para tignan yung oras. 9AM na pala. Tumayo ako at naghilamos. Naisipan ko na baka gutom na mga kapatid ko. Pagbaba ko nakaamoy ako ng masarap na pagkain. "Sarap naman ng almusal!" Sabi ko kay Ana. "Gumagaling ka na magluto ha." Tinapik ko balikat niya at naghain. Nakasunod na din pala sakin si Travis at Adel. Pinagising ko na din yung dalawang babae na tulog na tulog para makakakain na. "Ate. Kumuha na lang kaya tayo ng kasambahay? Para hindi na tayo mahirapan?" Suggestion ni Travis. "Mas madali ang may kasambahay. Tsaka may kasambahay naman tayo dati." "Saan ka kukuha ng ipapasweldo?" Sagot ko sakanya. Napatango naman yung apat na nakikinig samin. "Ate naman. May buwanang sweldo sila Mommy. May work ka. May work sila don. O hindi kaya kakausapin ko sila Tito Albert na siya magbayad." Sabi ni Travis. Napaisip ako sa huling sinabi niya. Dahilan para makaltukan ko siy. "Nag-iisip ka ba? Nandon na sila Mommy tapos si Tito pa yung pagbabayarin mo ng kasambahay? Gwapo ka lang talaga eh! Oo na. Kukuha na tayo. Pero gusto ko yung dati nating kasambay na si Ate Luning!" Sabi ko sakanila at pumalakpak sila sa tuwa. Napag-isip isip ko din iyon para hindi na ko mahirapan pa. "Mahal. Salamat sa pagkain! Uuwi na kami. Babalik na lang kami mamaya para tumulong sa paglilinis ng bahay niyo." Sabi ni Arisha habang nakipagbeso beso siya sakin. "Sige. Mag-iingat kayo. Ipapahatid ko na kayo kay Travis. Para hindi na kayo magcommute." Tinawag ko si Travis at sumunod siya ng may sama ng loob. Naistorbo kasi yung paglalaro niya ng Mobile Legends. Lintek na Mobile Legends na yan! Nagulat ako ng magvibrate ang phone ko na nasa bulsa ko lang pala na kanina ko pa hinahanap. May nagtext at number lang. From: 09221234567 Good day, Students! This is the Administrator of University of Sta. Elena. We are inviting you to attend the orientation on January 17, 2018 at the gymnasium. Thank you. Dumaan ang mga araw at linggo.. Pasukan na! First day of school and I'm so excited to meet ny new classmates and to gain new friends! Maaga ako para sa first class namin. Which is Communication Arts II. 30 minutes early ako at nandon na din ang mga kaklase ko. Tinitignan nila ako at dirediretso na lang ako sa loob at pumwesto sa last row na pinakasulok. May umupo sa tabi ko. Nakita ko at naramdaman ko. "Hi." Lalaki siya.. Nilingon ko siya at hindi ko nagustuhan yung nakita ko. Si Zane.. "Hi Maria." Ngumiti siya ng malapad. Napangiti na lang din ako. "Hey Zane. Why are you here?" Lumingon ulit ako sa may bintana. Pinagmamasdan ko mga naglalakad na estudyante. "Tinetake ko tong Comm Arts II kasi bumagsak ako noon. Ngayon lang nagkaslot." Hinawakan niya balikat ko para kunin atensyon ko. "Masaya akong kaklase kita." Ako hindi masaya na nakita ko siya at kaklase ko siya. Feeling close naman to. Hahayaan ko na lang. "Wag ka lumapit sakin. Baka naman bigla na lang sumu-" Hindi ko na natapos sinabi ko. "Break na kami. Matagal na." Ah okay. Kaya pala lumalandi. Tumango na lang ako at tinignan ang oras. May 20 minutes pa. Yumuko na muna ako para iwasan akong kausapin netong impaktong to. "Good morning, Class! It's nice to see you again. Well, I guess your vacation is kinda nice. Nakapag pahinga kayo ng matagal tagal. May new classmates nga pala kayo. Please go here infront." Sabi ni Ma'am. Tinignan ko muna Certificate of Registration ko para malaman pangalan niya. Marjorie Miguel. Nauna akong tumayo at pumunta sa harap. "Good morning, Classmates. I'm Ma. Sophia S. Alvarez, 21 years old. I'm a full scholar here in our University. I'm expecting that you're all approachable. Thank you!" Ngumiti na lang. "Okay. Thank you, Ms. Sophia. I'm Ms. Marjorie." Ngumiti na lang ako at pumunta na lang sa pwesto ko. "Next please." Tumayo na si Vren at nag-introduce sa harap. Lima kaming bago sa section na to. Nakakaexcite. After 3 hours natapos na din ang klase. Full blast agad. First day of class tapos lesson agad. Pero ayos lang naman. Lumabas na ako ng room para mag-break. Mag-isa lang ako ngayon. Maybe sooner or later magkakaron din ako ng friends. Naglalakad ako pabalik sa building namin at pumunta sa first class namin sa 5th day ng class. Naghintay ako sa labas ng room dahil nakalock pa ito. Sumandal ko sa may pader habang naghihintay kami ng mga kaklase ko. By the way, may mga friends na din ako. Apat kami. Si Paris, Cindere, at Siena. Close na kagad kami dahil kami yung new sa section at kami yung nagrant ng scholarship ng University na ito. Napatingin ako sa right side ko ng may paparating. Isang lalaki na matangkad, nakasalamin, backbag at may hawak na susi. Ang kanyang suot ay nakapolo at pantalon. Binuksan niya ang pinto ng room namin at pumasok. Pinapasok niya kami. Nakakamangha ang room na to. Ang design ng room ay puro mga nota. At ang upuan ag may design na nota at piano. Naghanap na kami ng pwesto ng mga kaibigan ko at umupo kami. Sa bandang unahan kami. Nagulat kami ng naupo siya sa harapan namin. PROFESSOR SIYA? Napakabata naman niya. Nasa 20s pa lang siguro to. Hindi kami makapaniwala at nagsimula ang bulong-bulongan namin. "Good morning, Class. I'm your instructor for Music subject. I'm Luis Mariae Dempsey. So, I guess you are all aware that everytime that before the class begin all of you should introduce yourselves. Tell me your name, age, why did you take this course and talent. Are we clear, BSED 1A?" Umupo siya sa harapan namin. "Yes, Sir." Sagot naming lahat. "Let's start. Please start." Tinuro niya si Cindere. Like wtf? Sa line talaga namin nagumpisa. Pang apat ako. Hala. Lakas ng t***k ng puso ko. Bakeeeet? Kinakabahan ba ako? Hala. Tumayo na si Ingrid at pumunta na sa harapan. Nagpakilala na silang apat at ako na lang yung hindi pa. Pumunta ako sa harap ng nanginginig ang kamay. Grabe. Ang bango niya at ang lakas ng dating sakin. "Hi. I'm Ma. Sophia Schaudt Alvarez. I'm 21 years old. I take this course because I want to share my knowledge to our next generation. And my talent is singing." Tumingin ako sa instructor namin at nakatingin din siya sakin. " I heard, that you're settled down That you found a girl and you're, married now I heard, that your dreams came true I guess she gave you things I didn't give to you Old friend, why are you so shy Ain't like you to hold back Or hide from the light I hate to turn up out of the blue uninvited but I Couldn't stay away I couldn't fight it I had hoped you'd see my face And that you be reminded that for me it isn't over Never mind I'll find someone like you I wish nothing but the best For you too, don't forget me I beg, I'll remember you said Sometimes it lasts in love But sometimes it hurts instead Sometimes it lasts in love But sometimes it hurts instead yeah" "Okay. Thank you, Ms. Alvarez." Bumalik na ako sa upuan at tinitigan siya. Ang boses na tila hinehele ka. Nakakalakas t***k ng puso. "Sir! Sample naman po kayo!" Sabi ng isa kong kaklase at sinabayan na din namin. "Okay. Medyo malat ako so please bare with me." Nag-Yes Sir na lang kaming lahat. "It's your smile, Your face, your lips, That I missed. Those sweet little eyes, That stares at me And make me stay I'm with you through all the way" Napatulala ako. Malat pa siya non? Seryoso? Parang hindi eh. Sarap niya. Este sarap sa tenga ng boses niya. Natapos na ang klase namin at lahat kami ay kilig na kilig. Halos lahat sa klase namin ay babae. So halos lahat ay kinikilig. "Bakla. Daks!" Bulong samin ni Paris. NAKAKALOKAAAAA! Tama nga ako ng sinamahan. May pagkaluka luka talaga. "Ay, shrue bading! Daks nga! Ugh!" Sabi ko. Napatili kaming apat at rumampa. Mahaharot! Hanggang sa matapos ang buong araw namin ay puro si Sir Luis ang pinaguusapan namin. Siya at siya lang talaga. Wala ng iba. Feeling ko crush ko na siya. Shemay! Crush at first sight. Pero sabi nila parang paminta daw si Sir. Hindi naman ako naniniwala doon. Ayaw ko kasing manghusga kaagad ng tao lalo na at kakakilala ko pa lang at kakakita pa lang. Umuwi na agad ako at nagpahinga. Nakakapagod ang araw na ito. Dumapa ako sa sofa at nagcellphone. Ikwinento ko na kaagad kila Arisha na may instructor akong yummy! Arisha: Mahal. Sinasabi ko sayo! Tigilan mo pantasya mo diyan sa instructor mo ha. Baka ikaw kaltukan ko! Sydney: Oo nga naman! Umayos ka, Mahal! Akala ko ba mahal mo pa si Aaron?! Sofie: Walangya kayo!! Crush ko lang namaj yung instructor namin. Hindi ko naman sinabi na mahal ko na o kaya nafafall na ako! OA kayo eh. OA! Alam niyo yon!!!! Hmp! Arisha: Doon na din naman punta non. Ah basta! Balikan mo na si Aaron! Nakikipagbalikan sayo hindi ba? Sofie: Oo. Pero pag-iisipan ko pa. Wag nga kayo magulo. Alam niyo naman na he cheated on me. Sydney: Oo naman. We all know that. Nawalan ka ng konting trust pero hindi ba't mahal mo? Bakit hindi mo subukan ulit? Sofie: Fine. Binaba ko phone ko sa center table at umayos ng higa. Tinakpan ko mata ko gamit braso ko at nakatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD