CHAPTER 16

2079 Words
Someone's POV "Kamusta at mukhang abala ka sa pagmamasid sa ating kalaban, pinuno?" sabi na'ng alagad ko. "Hindi ako abala, sila ang abala sa paghahanda para sa paparating na takdang panahon upang sila'y lipulin at paslangin," sabi ko. "Talagang natatakot na sila sa ating pananakop at pagpupuksa pinuno," sabi nito sa akin. "Talagang matatakot sila dahil hawak natin ang kapalaran nila at wala silang magagawa upang baguhin iyon," sabi ko. "Kung hawak na natin ang kapalaran at hindi na nila mababago, bakit kailangan pa nila maghanda? Hindi ba't nagsasayang lamang iyon sa panahon?" pagtatanong nito. "Tama, nagsasayang lang sila sa kahahanap sa walang silbing Soul and Living soul Crown. Mamamatay lang din naman sila lahat HAHAHAHAH," __________________ VALDERAMA'S POV "Nabalitaan ko na pinag-eensayo na ang mga living crowns?" sabi ni Prof. Fenelope. "Oo, at sa ngayon ay mananatili muna sila sa silid na iyon hanggang sa itinakdang oras dahil alam natin na malapit na ang panahon na itinakda ng oracle," sabi ko. Narito kami sa aking silid at nag-uusap tungkol sa mga batang living soul crowns at sa Living soul crown. "Mabuti, mas pagtuunan sana na'ng pansin ang living soul crown dahil siya ang pinakamalaki ang papel sa Aether at siya ang may taglay ng pinakamalakas na kapangyarihan," sabi ni Fenelope. "Sure ba kayo na si Elianna talaga ang living soul crown?" pagtatanong ni Prof. Agustin. Napalingon ako sa kaniya at tinignan lang siya gamit ang walang emosyon na mukha. "Bakit Agustin? Nagdududa ka ba?" pagtatanong ko. "Wala siyang alam, hindi niya kayang ipakita ang kakayahan niya.. Wala siyang kalidad ng isang mahusay na living soul crown at pakiramdam ko, masisira ang ating kinabukasan sa kaniya," sabi nito. Samu't-saring galit ang napuno sa kaniyang tinig at mga mata habang sinasabi niya ito. "Magtiwala ka lang at magagawa niya ang dapat niyang gawin. Magaling yo'ng bata at nagmana ito sa kaniyang ama kaya pagdating ng takdang oras ay matutuklasan niya ito," sabi ko. "Kaparehas ng kaniyang ama na taksil? irresponsable at hambog? Kaya naman pala walang kinabukasan ang Aether," sabi nito. Sobrang laki na'ng galit ni Agustin sa pamilya ni Elianna pero hindi marapat na maging dahilan ito upang masira ang buong Aether. Naniniwala pa rin ako sa kabutihan ni Agustin. Matapos ang usapan at pag-alis nila ay agad akong sumilip sa piraso ng salamin na nagmula sa sinaunang oracle.  Nagulat ako dahil nagsimula na itong maging puting may bahid ng dumi na kulay. Isa na itong pangitain na kailangan na talagang mas maghanda na'ng lahat. Hindi lang ako, lahat kami lalo na si Elianna.  Sana magtagumpay si Fenelope sa pinagagawa ko. ______________________________________________________________________________________ ELI'S POV Panibagong araw at maaga kaming gumising para mag-ensayo.  "Eli, paabot naman ng tuwalya ko," sabi ni Reign habang nakayuko at basa ang buhok. Kinuha ko ang tuwalya niya sa gawi kung saan niya tinuturo ito. "Oh, teka nasaan na ba si Gwen?" pagtatanong ko. "Nandito na at patapos na, ang babagal niyo kasi kumilos," sabi ni Gwen. Kung nagtataka kayo sa nangyari sa pagtakbo ni Gwen kahapon, grabe yo'n. (FLASHBACK) "Gweeeeen! Sandali!" sigaw ni Reign. Patuloy pa rin siya sa pagtakbo. "Gwennnn!" sigaw ko. Potek, hingal na hingal na kami. Nakita namin si Gwen na yumuko at umupo sa may swing. "Gwen, ano ba nangyari?" pagtatanong ko no'ng naabutan ko na siya sa swing. Hinawakan ko ang braso niya at umupo. Umiiyak siya. "Ano bang-- wait- ano bang ginawa sayo ni Otep?" pagtatanong ni Reign habang hingal na hingal. Umiyak lang siya lalo. "Putragis, kung hindi ka magsasalita, walang mangyayari," sabi ni Reign. "Babangasan na ba namin iyon?" pagtatanong ko. "POTANGINA NIYA!" sigaw ni Gwen. "BAKIT?" pagtatanong ko. "BAKITTTTTTTTTTT!" sigaw ni Reign. Umiyak lang siya ulit. "Putchaaa nauubos na pasensya ko GWEN!" sigaw ni Reign. "Sige na sabihin mo na para tapos na itong usapan na ito," sabi ko. "ANO," pabitin niya. "ANOO?" pagtitimpi kong tanong. "PUTRAGIS GWEN ANO!" sigaw ni Reign. "HE STOLE MY FIRST KISS!" bulong niya. "He stole ano daw?" pagtatanong ni Reign. Na shock na lang ako. Ganito pala ni Gwen pahalagahan ang mga first kiss na iyan? Ako kasi wala pang first kiss pero wala lang kung mawala basta huwag lang sa kaaway ko. Sabagay si Otep yo'n, talagang iiyak din ako. "HOYYYYYYYYY PUTRAGIS ANO NGA STOLE ANOOOO?!" sigaw ni Reign. Nasira tuloy momentum ko sa pag-iisip. "AKCKKK HE STOLE MY FIRST KISS DUMBITCH!" sigaw ni Gwen. "OHHH! CONGRATS!" nanlaki mata ko sa sinabi ni Reign. Tumayo na si Gwen at feeling ko sasapakin niya na si Reign. Pinigilan ko siya. "Putangina, anong congrats doon?" pagtatanong ni Gwen. "Wala, sorrrrrryy love you sis, ako bahala, babangasan ko iyon, hindi ba Eli?" pagtatanong ni Reign. "Oo, sige na iyak ka lang," sabi ko. Tinarayan ko si Reign. Natatawang nag peace sign na lang si Reign. "Kumalma ka muna tapos mamaya babangasan natin iyang Otep na iyan," sabi ko sabay hawi sa buhok ni Gwen. "Gagu, paano ba ? I mean, paano ka niya nachukchak?" pagtatanong ni Reign. "Chukchak?" pagtatanong ko dahilan para mapalingon din si Gwen kay Reign. "Yo'ng mwwwwuaaah," sabi ni Reign habang ngumunguso. "TANGINA, SINADYA NIYA KASI NA MATUMBA AKO DAHIL NAGKAKAPIKUNAN NA KAMI TAPOS BIGLANG NATUMBA AKO AT NASALO NIYA AKO SABAY HALIK SA LABI KO ARRRRRRRRRRRRG!" iritang sabi ni Gwen sabay balik sa pag-iyak. "MANYAK AMPUTA!" sigaw ko. "Ang pangit naman no'n, akala ko mas romantic, like magslow- motion titigan muna tapos - arrraaaaaaay Eli!" sigaw ni Reign matapos ko siyang sabunutan. "Gago ka, nang-aasar ka ba? Lalo mo lang pinaiiyak itong si Gwen," sabi ko. "Sorry, I'm just stating my hypothesis," sabi ni Reign. "Hypothesis your ass," sabi ko. "Balik na tayo sa dorm at magpahinga dahil maya-maya, baka hanapin na tayo doon," sabi ko. "Ehhhh," sabi ni Gwen. "Ayusin mo sarili mo sa dorm, huwag kang ganiyan ang itsura na pupunta mamaya sa training room at baka isipin ni Otep na sobrang affected ka," sabi ko. "Oh, ano naman kapag nalaman niyang affected si Gwen?" pagtatanong sa akin ni Reign. "Tanga, mag-aassume iyon na nakuha niya na ang kahinaan ni Gwen tapos ano? Hahayaan niyo na papatalo si Gwen?" sabi ko. "Akala ko ba okay na tayo lahat? Bakit parang may wars pa rin?" pagtatanong  ni Reign. "Dahil alam kong hindi totoo ang pakikitungo nila sa atin," sabi ko. "Oo, halatado sila. Masyadong plastic," sabi ni Gwen. "Oh, sige na, tara na sa dorm para makapag-ayos na tayo," pag-aaya ko. "Gwen, chin up, don't let those boys make you feel na mahina ka na dahil nakuha nila yo'ng isa sa weakness natin at pinahahalagahan ah?" sabi ko kay Gwen. "Oo, I will, thank you Eli," sabi ni Gwen. Tumango lang ako at pumaroon na kami sa dorm. _____________________________________________________________________________________________-- Eli's POV Nakapagpahinga na rin kami sa wakas. Mga walang imik ang kasama ko at ako rin wala dahil wala naman talaga akong sa mood makipag-usap ngayon. Bakit naman kasi sa dinami-dami na'ng soul keneme bakit 'yang ugok na putanginang mga lalaki pa na iyan?  Ano ba ito? w*****d? So ineexpect ng kapalaran na magkakadevelopan and everything? Puta, no way. Ibahin kami. Tsaka, nababaliw na talaga ako sa mundong ito, iniisip ko pa kung paano ko palalabasin powers ko tapos dadagdag pa itong mga kupal na ito. Hindi ko alam kasi pero ewaaaaaaan. "Maaaaaaaaaaaaaaaa, nasaan na ba kasi kayo nila Papa? namimiss ko na kayo," sabi ko sa hangin. namimiss ko na sila pero hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Alam ko ang magiging kapalaran ko kapag pinanghinaan ako na'ng loob at padadaig sa kapilyuhan ko at katigasan ng ulo. "Oh, tara na daw, nagmamadali si Prof. Fenelope, may issue ata," sabi ni Reign. "Okay, hayss ano na naman kayang issues na iyan," sabi ni Gwen. Napalingon kami kay Gwen. "Kaya mo na harapin si Ken?" pagtatanong ko. "Oo, gagu tama ka Eli, bakit ako papaapekto puta ba siya?" sabi ni Gwen. "That's my girl!" bati ko. "Rawr," dagdag ni Reign. Naglalakad na kami papuntang training room. "Oh, ano na naman ba daw issue?" pagtatanong ko na'ng makita namin sa daan patungo rin sa training room sila Xander. "Ewan," sabi ni Ken. Tumingin lang si Xander gamit ang walang emosyon na mukha. Sabay umalis na. "f**k? Ano itoooo! Akala ko ba okay na tayooooo lahaaatt huhuhuhuh!" pagtatantrums ni Reign. "Sabi s aiyo e, lumalabas ang tunay na ugali na'ng Xander na iyan, plastic!" sigaw ko. "Sinabi mo pa," sabi ni Gwen. Nagkatinginan lang kami ni Gwen at naglakad na kami papasok. Natagpuan namin sa dulo na'ng silid si Prof. Fenelope. Nakatayo lang ang mga kumag sa gilid. "Mabuti at nariyan na kayo, wala na tayong panahon para magharutan o magkamustahan, diretso training na pero isa-isa ko kayong tatawagin at papasok kayo sa silid na ito, maliwanag?" sabi ni Prof. Fenelope. "Okie," "Ye," "Opo," "Gege," "Hays," "Uhuh," "Una ka na, Xander," sabi ni Prof. Fenelope. Yes! Magtitraining ako mag-isa. Whooooooooooooooooooohhhh! Goraaaaa _______________________________________________________________________________________ Actually... Ang hirap naman pala na'ng buhay kung saan ako belong. Anyway, sobrang boring na talaga, isipan ko kaya ng tricks si Xander para maprank ko siya?  Bakit ko naman gagawin iyon? Ano siya gold? Bakit kailangan ko pa mag-effort para iprank siya? Ackkk pota. ________________________________________________________ GWEN'S POV let's go potek. Ack like walang nangyari okay? Tsaka hindi niya ako masisindak. Pumasok na ako sa room kung saan kami nakaassign dalawa. Ramdam ko yo'ng init ng room dahil siguro kampon ni satanas itong makakasama ko. "How's the taste of my kiss?" pagtatanong nung gago. Hindi ko lang siya pinansin, inilihis ko lang ang tingin ko. "Your lips taste like hell though," dagdag niya. "Ahh, you know the tste of hell kasi nga galing ka pala doon noh?" sabat ko. "What?" nainis niyang sabi. "I said, you're a jerk," sabi ko sa kaniya sabay bato na'ng sword. Nakailag siya agad. "Mabuti at nakailag ka, dapat hindi na para naman makapagpahinga ka sa kabilang buhay, sa hell," sabi ko. "You're so tough huh? You tomboy," sabi niya sabay bato sa akin na'ng hawak niyang fedan. Fedan is like arnis with a blazing fire sa dulo. Agad ko itong sinalo at pinatay ang apoy. "English ka na'ng english hindi mo naman alam english ng Tomboy BANO!" sabi ko sabay irap. "What the hell is your f*****g problem?" napipikon na ata. Ang babaw naman pala nitong taong ito kung dahil doon napipikon na siya agad. "Huh? Sino ba nauna bonak," sabi ko sa kaniya. "You want fight?" napipikong batang lalaki na tono niya. "You want fight?" pag-uulit ko sa nakakaasar na tono at expression. "f**k YOU! I'm so tired of you!" sigaw nito sabat dabog paalis. Nag make face lang ako. Gago, ganoon lang pala kadaling pikunin yo'ng gagong iyon?  Napakababaw ampota! Siguro bagsak sa english iyan simula no'ng nag-aral siya tapos ngayon lang ginalingan. BONAK AMPOTA! Napangisi lang ako sabay kuha na na'ng aking Fedan upang magsimula na sa pag-eensayo. _________________________________________________________________________ REIGN'S POV "Next na daw gago!" sigaw ni Xander. "Ang bilis mo naman?" pagtatanong ni Ken. "Tanga, master na master ko ang aking kalakasan at kapangyarihan," sabi ni Xander sabay ayos ng kaniyang kwelyo. "I'll be the next one," sabi ni Otep na nakakunot ang ulo at dire-diretso sa pagpunta sa room kung nasaan si Prof. Fenelope. "Nag-away na naman siguro iyong dalawa," bulong ko. "Siguro and I think nakabawi na ang kaibigan mo, pikon na pikon si Otep e," sabi nmi Ken. "Kailan kaya magkakaayos ang lahat?" pagtatanong ko. "We don't know, mabuti na alng tayo, nagkapalagayan na," sabi ni Ken sabay hawak sa bewang ko. Nagulat ako kaya dahan-dahan ko siyang itinulak palayo. "Ano ba hhahahaah," sabi ko. "See you around 10 pm at 4th floor, my loves," sabi ni Ken. "My loves?" pagtatanong ko. "Ayaw mo ba? Sayang naman, ako na nga nag-initiate na magtawag sa iyo non, ayaw mo pa," pagtatampo ni Ken. "Halaaa, hindi ah, nagtatanong lang tsaka nagulat din ako kasi bigla-bigla kang nagiging sweet," sabi ko sa kaniya. "Bakit , ayaw mo ba sa poging mukha ko na ito?" pagtatanong nito sabay hawi na'mng buhok. "Ha? Ano ba tayo?" pagtatanong ko. Nakakagulat kasi mga galaw ni Ken simula no'ng nagkaayos kami. Kahit gusto ko siya, hindi naman pwede na mag-assume ako. "Secret, see me by 10 pm later, mah loves," sabi niya sabay halik sa noo ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam kung kaba ba ito na'ng kilig, pangamba or takot e. "Please, huwag ka magkukwento kila Eli na'ng tungkol sa atin ha?" sabi nito. "Bakit?" pagtatanong ko ulit. "Bastaaaaa," sabi nito. "Sige," sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD