"Nabalitaan ko na pinag-eensayo na ang mga living crowns?" sabi ni Prof. Fenelope.
"Oo, at sa ngayon ay mananatili muna sila sa silid na iyon hanggang sa itinakdang oras dahil alam natin na malapit na ang panahon na itinakda ng oracle," sabi ni Prof. Valderama.
"Mabuti, mas pagtuunan sana na'ng pansin ang living soul crown dahil siya ang pinakamalaki ang papel sa Aether at siya ang may taglay ng pinakamalakas na kapangyarihan," sabi ni Fenelope.
"Sure ba kayo na si Elianna talaga ang living soul crown?" pagtatanong ko.
"Bakit Agustin? Nagdududa ka ba?" pagtatanong ni Prof. Valderama.
"Wala siyang alam, hindi niya kayang ipakita ang kakayahan niya.. Wala siyang kalidad ng isang mahusay na living soul crown at pakiramdam ko, masisira ang ating kinabukasan sa kaniya," sabi ko.
"Magtiwala ka lang at magagawa niya ang dapat niyang gawin. Magaling yo'ng bata at nagmana ito sa kaniyang ama kaya pagdating ng takdang oras ay matutuklasan niya ito," sabi ni Prof. Valderama.
"Kaparehas ng kaniyang ama na taksil? irresponsable at hambog? Kaya naman pala walang kinabukasan ang Aether," sabi ko.
"Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa ama ni Elianna, kay Edua---,"
Pinutol ko ang sasabihin ni Prof. Valderama.
"Ayokong marinig ang kasumpa-sumpang ngalan na iyan," sabi ko sabay alis sa harapan nila.
Masyadong malalim ang tinamong sugat na binigay sa akin ng ama ni Elianna.
Hindi ko kayang sikmurahin ang mga mata nito na kahalintulad sa kaniyang amang walang kwenta.
Sana'y hindi na lang siya nabuhay eh 'di sana, kami ang nagkatuluyan ni Alice.
Fenelope's POV
Grabe pala ang galit ni Agustin sa bata at sa pamilya nito.
Wala akong alam kung bakit pero isa lang masisiguro ko, hanggang ngayon ay kaya hindi makita ni Agustin ang potensya kay Eli dahil sa emosyon nito at inipon na galit.
"Prof, ano na maaari kong gawin para sa oag-eensayo na'ng mga bata?" pagtatanong ko kay Prof. Valderama..
"Pumaroon ka para pag-awayin sila," sabi ni Prof Valderama.
"Bakit? Nais mo bang gamitin nila ang emosyon para maglabas ng enerhiya?" pagtatanong ko.
"Oo, lalo na kay Elianna," sabi ni Prof. Valderama.
"Pero bakit kailangan ko sila pag-awayin kung maaari ko naman gamitin ang kanilang nakaraan na nagpagalit sa buhay nila para magalit?" pagtatanong ko.
"Maaari ang iyong suhestyon, ikaw ang bahala,"
"Sige po, masusunod po," sabi ko.
_______________________________________________________________________________________
Eli's POV
"By pairs tayo mag-ensayo, bumunot kayo sa ginawa kong papel na gawa sa lupa at kung sino ang magkaparehas na kulay ay siyang magiging kapareho sa bawat pag-eensayo," sabi ni Xander.
"Gege,"
"Oki,"
"Ok,"
Tumango lang ako.
"Fine,"
"Pshh,"
Nagsimula na kaming bumunot.
"Ken and Reign,"
"POTANGINA,"
"f**k!"
So alam niyo na kung sino iyon AHHAHAHAHAHA
"Ohhh, the will of the wind, Gwen and Otep," sabi ni Xander.
Tapos tumingin siya sa akin.
"You and I," sabi nito sa akin.
Ang awkward ah.
"Ah,, hehe, tara na po simulan na mag-ensayo,"
So kaniya-kaniyang pwesto na kami sa pageensayo.
Kaniya - kaniyang portal ang ginawa nila parang mga cubes para hindi marinig ang kahit anong ingay na'ng bawat isa.
"So, ano na ang mga alam mong mga pandigma Eli?" pagtatanong ni Xander.
"Bakit ka ba ganyan?" pamamrangka ko sa kaniya.
"What? I'm sorry?" sabi nito para ipalinaw sa akin ang mga sinabi ko na alam ko naman na naunawaan niya na.
"Bakit ka nagpapanggap na mabait, na maayos at na okay tayo?" pagtatanong ko.
"Nagpapanggap?" naguguluhan nitong tanong na alam ko naman na nagpapanggap lang.
"Oo, tama na pagpapanggap Xander," sabi ko.
"No, hindi ako nagpapanggap. I was being nice to everyone because I want to change and this is what we need, we need each other's companion to save Aether. I don't want to destroy the future because of this childish acts Eli," sabi nito habang nakatitig sakin. Nangungusap ang mata. Akala niya madadaan niya ako sa kagaganyan niya.
"Hindi ako naniniwala," sabi ko sabay abot ng arnis at hampas iyon sa kaniya pero agad siyang nakailag.
"Eh di' huwag ka maniwala," sabi nito sa akin sabay dampot din ng arnis.
"Alam mo, kabisado ko na hilatcha na'ng mga mukha na'ng mga manloloko at nagpapanggap noh kaya alam kong hindi totoo ang pakikipag-ayos mo sa amin," sabi ko sabay hampas sa kaniya na'ng arnis dire-diretcho.
Ilag siya na'ng ilag.
"Ano ba," sabi nito habang umiilag.
"Ang tagal ko na gusto saktan ka hayop ka! akala mo mauuto mo kami sa mga pabait- bait moment mo? Gago hindi," sabi ko sabay hambalos ng arnis sa kaniya.
"Aray ano ba, masakit na!" sigaw nito..
"Kulang pa yan tangina mo!" sabi ko sabay hampas ng malakas at natamaan talaga siya sa ilong.
Tinigil ko ito at nakitang dumugo ang ilong niya.
Hinawakan niya ang ilong niya sabay walang emosyon na tumingin sa akin.
"Sinasagad mo talaga pasensya ko," sabi nito.
"Seeeee, lumabas din tunay na kulo mo. Tama na pagpapanggap," sabi ko.
"Tangina!" lumakad siya na'ng mabilis at hinagis ang kaniyang arnis kaya nagulat ako at nanigas sa kinatatayuan ko.
Lumapit siya sa akin at kinuha ang arnis ko sabay hagis papalayo.
umatras ako habang pasulong siya sa akin.
Patay, pader na ang nasa likod ko.
"Hoy, papatayin kita kapag ginalaw mo ako, kaya ko ano--palabasin ano kapangyarihan ko," pagkukunwari ko.
"As if you can," sabi nito.
SOBRANG LAPIT NG MUKHA NAMIN AT KINORNER NIYA AKO.
HINAWAKAN NIYA KAMAY KO AT DINIKIT SA PADER.
"POTA! LET ME GO!" SABI KO.
Tumingin siya sa akin.
Soft look.
"Seryoso at hindi ako nagpapanggap, iaapproach ba kita kung pagpapanggap iyon? Dadalhin ba kita sa clinic no'ng napahamak ka kung pagpapanggap iyon? Sana naisip mo iyon bago ka magsalita about sa akin Elianna," sabi ni Xander sa akin.
Umalis na siya at tinanggal na ang shield namin. Nagpunas siya at lumabas na na'ng room.
"Tama ba?"
Kanino magaling yo'ng malanding boses na iyon?
Napalingon ako sa kanan at nakitang naghaharutan si Ken at si Reign.
"Oo, ganiyan nga sige lang ah," sabi ni Ken.
Napalaki ang aking mga mata dahil sa tono na'ng mga boses nila. Putangina!
"Ah, HAHAHA, isa pa?" sabi ni Reign sa tono na -- ackk.
Ano bang ginagawa nila??
"HOY GAGO ANONG GINAGAWA MO SA KAIBIGAN KO?!" sigaw ko sabay kalampag ng shield nila.
"Bakit ka sumisigaw? Tsaka bakit nawala ang sound protection ng shields namin?" pagtatanong ni Reign.
"ABA MALAY KO AT ANONG GINAGAWA NIYONG KABASTUSAN???!!" sigaw ko.
"Ahh, tinanggalan ni Xander ng sound shields and atin , peste tsaka ano ba sa tingin mo ang ginagawa namin Eli?" pagtatanong ni Ken.
Nanigas at nauutal ako na nagsalita.
"Eh, ano kadiri 'yong mga tono na'ng boses niyo e," sabi ko.
Nakahandusay si Reign sa sahig at nakatutok sa ulo nito ang sword ni Ken.
Hindi ganoon ang inexpect kong -- ano-- ano position nila.
Iniba ko na lang usapan dahil nakatingin pa rin sila sa akin.
"Mag ensayo lang kayo pero huwag kayong magpatayan," sabi ko sabay alis.
Gago ni Xander, bakit naman niya tinanggal ang mga sound proofs ng bawat shields?
"TANGINA MO BOBOOO!"
"f**k YOU OVER YOUR TOMBOY BODY YOU DUMB b***h WITH BITCHIN!"
Sigawan pa lang alam na kung kanino galing.
Hays, ayoko na panoorin o silipin kung paano magbangayan yo'ng dalawa.
Umupo na lang ako sa gilid at uminom ng tubig.
Napalingon ako sa pintuan at bumalik si Xander.
Tinignan niya ako na'ng mukhang walang emosyon sabay iwas.
Anong problema non? Toyo?
Bahala siya diyan.
Naisip ko lang noh, magiging prepared kaya kami sa digmaan kung ganito kami magbangayan? Maliban kila Reign at Ken na nag ughh ewaaaaaaaan.
Reign's POV
"Bakit naman biglang sumusulpot si Eli dito? Tapos na ba sila mag-ensayo ni Xander?" pagtatanong ni Ken sa akin.
"Hindi ko nga alam kung nakapag-ensayo sila e. Mainit pa rin ata dugo ni Eli kay Xander. Teka, anong ginagawa mo?" pagtatanong ko no'ng napansin kong nagsusummon si Ken ng kung ano sa paligid.
"Ah, pababalikin ko sound proof para hindi tayo pagkamalan na nag-aanuhan dito," sabi ni Ken.
"Pero pwede din naman tayo mag-anuhan dito, just let me know," sabi ni Ken.
Napalunok ako sa sinabi niya.
"GAGO KA?" sabi ko.
"Bakit? Hindi ba gusto mo rin ako?" sabi nito sa tonong nang-aakit.
Papalapit siya sa pwesto ko.
Wala akong ginawa kundi tumingin lang sa mga mata niya na nang aakit.
"Hoy, hindi ah, I mean, hindi na," sabi ko sabay talikod.
Hinawakan niya ang balikat ko at iniharap sa kaniya.
"Bakit ayaw mo na sa akin? Sayang naman," sabi nito.
"Sayang?" pagtatanong ko.
"Ang sarap mo pa naman," sabi nito sabay kagat sa labi.
"TANGINA KA!" sinapak ko siya sa tiyan.
"WTF IS YOUR PROBLEM!" sabi nito.
"I'm sorry, nakakatakot kasi yo'ng mga sinabi mo," sabi ko sabay lapit sa kaniya na nakahandusay sa sahig.
"I won't accept your sorry unless," sabi nito.
"Unless?" pagtatanong ko.
"Unless, makikipagkita ka sakin mamaya sa fourth floor ng ikaw lang," sabi nito.
"At bakit?" pagtatanong ko.
"Malalaman mo and don't worry, wala akong gagawing masama sa iyo," sabi nito.
"Eh, paano kung hindi ako pumunta?" pagtatanong ko.
"Eh 'di hindi mo na talaga ako gusto at hindi na kita papatawarin sa pananapak mo sa akin ngayon," sabi ni Ken.
"Titignan ko, anong oras ba?" pagtatanong ko ulit.
"12 midnight," sabi nito.
"Susubukan ko ewan ko bahala ka," sabi ko sabay alis sa harapan niya at lumabas na ng room.
Nakita kong nasa isang gilid si Eli habang umiinom ng tubig at pinagmamasdan ang gawi ni Xander.
Ahh, mukhang nag-away nga.
Lalapit na ako sana sa kaniya na'ng biglang sumigaw si Gwen. at nasira ang shield nila.
"f**k YOU!" umalis si Gwen at tumakbo papalabas.
"Tangina mo anong ginawa mo?" pagtatanong ni Xander kay Otep na nakatulala.
"Gago men, anong nangyari?" pagtatanong ni Ken.
Tumingin lang ako sabay sinundan na si Eli na humabol kay Gwen.
Ano kayang nangyari doon?
"GWEEEEEEEEEEN" sigaw namin habang hinahabol siya.