Eli's POV
Umaga na, naamoy ko yo'ng fried rice.
Naglalaway ako.
Hindi kasi ako nakakain ng dinner kagabi.
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at lumabas para kumain.
Si Reign pala ang nagluluto.
Lalapit sana ako sa kaniya pero narealized ko, hindi pala kami okay.
Sa labas na lang ako kakain.
Tumalikod na ako.
"Kumain ka na dito, marami akong niluto," biglang sabi ni Reign.
Napalingon ako sa kaniya.
"Tititigan mo lang ba ako o kakain ka na Eli?" sabi nito.
Naluluha ako.
Naluluha din siya.
"Reign sorrryyy naaaaaa," sabi ko sabay lapit at yakap sa kaniya.
"Sorry din," yumakap din siya sa akin.
"Marami akong rason, pwede ko namang ikwento sa iyo iyon, sorry at late ko na narealized na sobrang halaga pala na'ng pagkakaibigan natin para sa akin," sabi ko habang umiiyak.
"Sorry din dahil naging immature ako," sabi niya habang umiyak.
Kumalas ako sa pagkakayakap.
"Friends tayo ulit ah? I will try to build my trust slowly," sabi ko.
"Best friends tayong tatlo, we don't pressure you," sabi niya.
"I miss youuuuu,"
"I miss you tooo,"
Nagyakapan ulit kami.
"Parang mga sira tayo, tara na kain na tayo, Living Soul Crown," sabi ni Reign.
Akmang uupo na ako pero napatigil ako dahil sa sinabi niya.
"Alam mo na rin?" pagtatanong ko.
"Oo, tsaka matagal na kitang hinahanap," sabi ni Reign.
"B-bbakit? bakit mo ako hinahanap?" nagtatakang tanong ko.
"Dahil kailangan na nating makompleto ang bawat isa sa lalong madaling panahon. Napapalapit na ang itinakdang propesiya tungkol sa tuluyang pagkatalo na'ng buong Aether," sabi ni Reign.
"Natin? Soul Crown ka din?" pagtatanong ko.
"Oo pero hindi ako ang pinaka malakas kung hindi ikaw na living soul crown dahil simula pagkasilang sa iyo ay ikaw ang napili ng soul crown na makapangyarihan upang basbasan," sabi ni Reign.
"Pero bakit ako? Hindi ako magaling, hindi ako galing sa mundong ito. Hindi-- basta," gustong-gusto ko mag-ungkat ng mga kakulangan ko. Gusto ko maintindihan bakit ako?
"Iyon ang kapalaran mo minsan, kahit alam mong maraming kulang sa iyo, kapag iyon ang kapalaran mo, iyon ang kapalaran mo talaga," sabi ni Reign.
"Kaya ko kaya?" pagtatanong ko.
"Kaya natin, basta magtiwala ka sa akin na makakasama mo at hahanapin natin 'yo'ng isa. Sabay-sabay tayong kikilos at maghahanda. Hindi mo kailangan gawin ito mag-isa," sabi ni Reign sabay harap saakin at tingin sa mga mata ko.
"Sige na kumain na tayo dahil pupunta pa tayo kay Prof. Valderama," sabi ni Reign.
"Sige," sagot ko.
Kumain lang kami na'ng tahimik.
Hindi ko alam iisipin ko e.
Matapos ang ilang oras ng pagkilos ay pumunta na kami kay Prof. Valderama.
"Ehem, prof?" sambit ni Reign.
"Pasok," narinig naming sabi ni Prof. Valderama.
Bigla kaminng nagulat dahil nadoon na pala si Gwen at mukhang okay na siya sa loob, kasama niya ang mga kaibigan ni Xander na si Otep at Ken. As usual, kasama si Xander. Pero bakit parang may kakaiba sa kaniya?
"GWEEEEEEEEEEEEEEEEEENN!" sigaw ni Reign.
Tumakbo kami papalapit kay Gwen at niyakap siya.
"Okay ka na ba?" pagtatanong ko.
"Okay na ba lahat?" pagtatanong ni Reign.
"Sila ba may kagagawan?" paninisi ko.
"Sabi na e! gusto niyo talaga mamatay ng maaga!" galit na simbit ni Reign.
"Pwede ba? Ang sakit mo sa tenga, manahimik ka nga!" iritableng sabi ni Ken.
"You don't have any evidence to show that we are the one who's behind her accident," kalmadong sabi ni Ken.
Tinignan ko si Xander kasi alam ko na susunod na siya magsalita e.
"Hindi kami, nandito kami dahil pinatawag kami sa isang misyon. Pasensya na kung nakasakit man kami sa inyo noon," malumanay na sabi ni Xander.
Tinitigan ko lang siya dahil sa gulat at pagtataka kung anong nakain niya at biglang siyang naging ganyan.
"Ayan din ang reason bakit nandito kayo lahat, its because I want to introduce you to one another and to say kung ano ang mission niyo," sabi ni Prof. Valderama.
"OMAAAAAAAAYGHADDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD, please ayoko na maglinis. Hindi ko na nga sila aawayin eeeeeeeeee," nagtatantrums na sabi ni Ken.
"Tsk, parang bata," sambit ni Reign.
"Akala mo naman naglilinis talaga siya e tamang hawak lang sa walis or upuan," dagdag ni Reign.
"Wow ha?!" sabi ni Ken.
"Pwede ba? Kahit minsa, huwag kayong magtalo?" sabat ni Gwen.
"Ehem, Ahm, Prof. Valderama, kilala naman na po namin ang isa't-isa, bakit po kailangan makilala ulit at anong misyon po ang gagawin?" pagtatanong ni Xander.
Napalingon ako ulit sa kaniya.
"Dahil nakumpleto na ang mga Aether soul crowns at kayong anim iyon, kailangan niyo na magsanay kung paano kayo magiging handa bilang tagapagligtas ng buong Querancia, na'ng buong Aether," sabi ni Prof. Valderama.
Napatigil kami lahat at nagkatinginan sa isa't-isa.
"Si-sino ang Living soul crown?" pagtatanong ni Otep.
"Si Eli," sabi ni Reign.
Nanlaki ang mga mata nila. Lumingon sila sa akin at naaawkwardan ako na'ng sobra.
Sinusubukan kong igilid ang aking mga mata para mapansin kung nakatingin pa rin sila.
"Sige na, pumunta na kayo sa training room," sabi ni Prof. Valderama.
"Sige po," sabay-sabay naming sabi.
Dahan-dahan akong lumakad papuntang pinto dahil tinitignan pa rin ako nila Xander.
"Elianna, I mean Eli, paano mo nalaman na ikaw ang living soul crown?" pagtatanong ni Gwen.
"Mahabang storya saka na ichika, ichika mo muna ang kalagayan mo at ang nangyari sa iyo," sabi ni Reign.
"Basta bigla na lang akong naging okay, that's it," mabilis at nakangiting sabi ni Gwen.
"Weh? napakaimposible naman noon, sabi kasi sa clinic hindi ka daw makausap ng matino and natatakot ka pa rin daw," sabi ni Reign.
"ANG KULIT MO OKAY NA NGA AKO 'DI BA!" biglang sigaw ni Gwen.
Gulat na gulat kami sa ginawa niya.
"CHARRRRRRRROOT HAHAHHAHAHAH, natatakot naman kayo bigla. Kainis, balak ko pa naman kayong iprank ngayon. Miss na miss ko na kayo e," sabi ni Gwen.
"Ahh, ehh, hehe, ahm syempre namiss ka namin," sabi ni Reign.
"Tara group hug!" sigaw ko para maputol ang tensyon.
Nag group hug kami.
"Aray," sabi ko.
"Bakit?" sabi ni Gwen.
"Anong nangyari Eli??" pagtatanong ni Reign.
"Wala parang may biglang spark lang akong naramdaman dito sa may braso ko," sabi ko.
"Ahh, tara na nga," sabi ni Gwen.
___________________________________________________________________________________________
"Hello po, Prof Agustin," pagbati na'ng lahat maliban sa akin.
"Magandang umaga," sambit nito habang may binabasa sa aklat.
Hays.
Alam niyo na guys.
Napalingon sa akin si Prof. Agustin. Napakunot ang kaniyang noo at iniwas bigla ang mga tingin.
"Ngayon kailangan niyong malaman ang real identity niyo for this time, let's start with, Reign," biglang sabi ni Prof. Agustin.
"HA? I mean, po?? Hindi ko po alam, paano po ba?" pagtatanong ni Reign.
"What do you summon?" pagtatanong ni Prof. Agustin.
"Water," mabilis na sagot ni Reign.
"Summon it," sabi ni Prof. Agustin.
"Okay po," dahan-dahan na inilagay ang kanyang mga kamay sa lebel ng kanyang tiyan. Napapikit siya at maya-maya'y may enerhiya na ang bumabalot sa kaniyang mga kamay.
Wow.
Kaya niya iyon ng ganoon kadali lang?
Pinagmamasdan ko siyang binubuo ang bola ng tubig sa kaniyang mga palad at nakangiting nakatingin dito.
"Magaling Reign, ikaw naman, Gwen," sabi ni Prof Agustin.
Humakbang paharap si Gwen.
Kaya niya kaya? Hindi ko mabasa ang emosyon ni Gwen e.
Maya-maya ay biglang yumanig ng bahagya ang lupa at biglang nag-ala ninja si Gwen.
Ewan ko, nahihilo ako. Sobrang bilis niya. Sa sobrang bilis niya naiipon ang mga lumilipad na lupa hanggang sa naipon at naging hugis bilog ito na malaki. Saka siya tumigil.
"Bravo, Eather summoner, give me some fire nga,," sabi ni Prof. Agustin.
Namula ang mga mata ni Gwen at bigla siyang naglaabs ng bolang apoy sa kaniyang kanang kamay.
Gulat na gulat ako.
"Tunay nga na malakas si Gwen," sabi ni Otep.
"Bakit hindi na lang siya ang naging Living crown e mas marami siyang alam kaysa sa akin?" pagtatanong ko kay Reign.
"Ikaw naman, Eli," sabi ni Prof. Agustin.
Nanginginig ako na humakbang paharap.
"Ahm, ano pong gagawin ko?" pagtatanong ko.
Nagtatawanan ang dalawang kaibigan ni Xander.
"Kagaya na'ng ginawa nila, huwag mong sabihin na wala ka pa ring alam hanggang ngayon eh ang tagal mo na dito sa Aether?" pagtatanong ni Prof. Agustin.
Hindi ako umimik.
Silence means Yes.
"Tunay na nakakapagtaka kung bakit ikaw ang napili e 'di hamak na pabigat ka lang at walang alam," sabi ni Prof. Agustin.
Tumingin lang ako sa mga paa ko habang nakayuko.
"Sige, ikaw na muna Xander patingin ng iyo," utos ni Prof. Agustin.
Bumalik ako sa pwesto ko.
Nagsimula na mag summon ng fire si Xander.
Sumunod naman si Otep na nagsummon ng Air.
Si Ken ang huli na nagsummon ng Light and thunder.
"Bakit magkaparehas kayo ni Xander?" pagtatanong ko kay Reign.
"Hindi ko rin alam e, siguro may ganoon talaga," sagot ni Reign.
"Ayan, diyan ka magaling Elianna, sa chismisan pero wala ka namang matutuhan," paninita ni Prof. Valderama.
"Pasensya na po," sabi ko.
"Katulad ka na'ng iyong ama na pasaway at walang kwenta," sabi nito sa akin.
Napapikit ako sa inis.
Bumuntong hininga at saka dumilat.
Eli, kalma.