Kinabukasan ng umaga pagkarating pa lang ni Sandra sa kanilang opisina ay namataan na niya agad ang bungkos ng bulaklak na puro red roses na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Paglapit niya naman ay napangiti siya ng mahawakan na ang mga bulaklak kahit hindi pa man niya nababasa ang nasa card na naka attach sa bouquet na bulaklak ay alam na niyang galing kay Jasper iyon. Sinasamyo na ng kanyang ilong ang amoy ng bulaklak ng may tumikhim sa kanyang likuran. " ehemmm..ehemm.. ang ganda ng morning ng secretary ko ah!. " nanunuksong bati ng kanyang boss. " Boss, magandang umaga. " balik bati niya kay Marvin na nakangiti pa rin. " Tsk!!.. panay flowers ang ibinibigay sayo wala man lang chocolate hindi talaga marunong manligaw ang asshole na yon! " iiling iling na sabi ng boss niya ng sipatin ng paningin nito ang hawak niyang bulaklak. " Oo nga boss, turuan mo kaya! " sinakyan naman niya ang kalokohan ni Marvin. " Sure, basta bigyan mo ko ha. " pagbibiro pa ng boss niya at nagkatawanan pa sila. " Let start working Ms. Pereira. " seryoso ng saad ni Marvin at pumasok na ito sa opisina niya. Inayos naman ni Sandra ang bulaklak sa lamesa at kinuha ang chart niya atsaka sinundan ang boss. " Boss, 10 am you have a meeting with Mr. Cruz in Alabang, 2 pm meeting with Mr. Lustre in Pasig and lastly Ms. dela Torre wants an appointment to have a dinner a date with you. " nakangiti niyang wika sa boss ngunit bigla siyang sumeryoso dahil napansin niyang biglang nag bago ang kaninang masayang aura ng boss niya. " Okay, i call Jen when i have time. " sagot sa kanya nito. Lalabas na siya ng maalala niyang tanungin ang boss niya kung gusto nito ng kape.
" Boss, gusto mo ng kape? " seryoso pa rin niyang tanong dahil alam niyang nawala sa mood ang kanyang boss. " No, thanks Sandra. You can go back to your post, i call kapag may kailangan ako. " wika pa ni Marvin.
" sige boss " at isinara na niya ang pinto ng opisina nito ng makalabas siya.
Lunch time ng mag ring ang phone niya nang tignan niya kung sino ang tumatawag ay unregistered number ang naka lagay na caller pero sinagot pa rin niya naisip niya na baka importante ang tawag.
( hello )
( Hi, hello Sandra ) sagot ng boses lalaki sa kabilang linya. Napakunot noo naman siya dahil pamilyar ang boses nito sa kanya.
( Yes, who's this? ) seryoso niyang tanong
( Si Jasper to Sandra, Sorry kung hiningi ko sa kaibigan mong si Valerie ang contact number mo. I forgot to ask you yesterday your phone number, that's why when i see her i ask a favor. I hope you don't get mad!. ) saad na wika ng lalaking kanina lamang ay nagpasaya na ng umaga niya. Natuwa siya ng malaman na tama ang hinala niya na boses nga ni Jasper ang narinig niya.
( Ah okay! bakit naman ako magagalit? bakit nga pala naisipan mong tawagan ako? ) pormal niyang tanong pero ang totoo ay kinikilig na siya sa ginawa nitong pag tawag sa kanya.
( Can i invite you to have lunch with me? ) wika ng binata na lalong nagpalawak ng kanyang pagkakangiti.
( Sure, yun lang pala! Saan ba? kita na lamang tayo don magpapa alam lang ako kina Megan na hindi ako makakasabay sa kanilang mag lunch break ngayon. ) saad niya sa kausap habang inaayos na ang kanyang lamesa.
( Kung saan mo gusto? okay lang sa akin kahit saan basta ikaw ang kasama ko. ) litanyang bigkas ni Jasper na lalong nagpakilig sa kanya.
( Dapat ba akong kiligin sa sinabi mo Mr. Curtis? )
aniya sa lalaking kausap.
( Bakit nakakakilig ba ang sinabi ko? pero kung kinikilig ka pwede naman. ) linyahan ni Jasper na ikinangiti ni Sandra.
( Kita na lang tayo sa Chinese restaurant na malapit lang dito kung saan nyo kami nakita ni Sir Rodjun. ) pormal na niyang saad sa binata.
( Okay, see you there later. bye Sandra! ) ani pang sambit ni Jasper sa kanya.
( See you later, bye ) paalam na rin niya rito.
Nang makarating si Sandra sa meeting place nila ni Jasper ay napansin niya agad ang lalaki dahil tumayo ito at itinaas ang isang kamay nang siguro ay makita siyang sinisipat kung saan ang pinag pwestuhan ng binata. " Hi! sorry kung medyo natagalan ako nasalubong ko kase sina Megan kanina pagbaba ko. " hingi niya ng pasensya sa binata habang umaayos na siya ng upo sa tapat na inupuan ni Jasper na pinagitnaan ng lamesa. " Ayos lang hindi naman ganoon katagal ang paghihintay ko ang importante ay sumipot ka. " nakangiting sabi ni Jasper habang nakatitig sa kanya. Nginitian niya naman ang binata." Order na tayo? " ang sabi niya.
Tinawag ni Jasper ang waiter at inabutan sila nito ng Menu after nila makapag order ay iniwan na sila ng waiter habang nag hihintay ay muli silang nag usap.
" Nagustuhan mo ba yung red roses? " aningbtanong ni Jasper
" Oo naman favorite flowers ko ang red roses ang gaganda nga nilang pagmasdan. Thank you nga pala. " ani ya pa nya kay Jasper.
Natapos ang lunch date nila na nagkakilanlan sila ng husto nalaman niya na nag iisa lang pa lang anak si Jasper naikwento rin nito ang kabataan at kung saan nag aral nasabi rin sa kanya kung ilan ang naging girl friend noon na di naman siya nagtaka dahil sa gwapo at tindig ni Jasper napaka imposible na wala pa itong naging nobya kahit isa. Bumilib pa nga siya sa binata dahil naging vocal ito sa kanya kung ibang lalaki siguro ay baka sabihin pa sa harap na never pang nagmahal noon o nagkaroon ng serious relationship. What important is single and available ang binata dahil ang sabi naman sa kanya ay mula ng makilala siya ay wala naman ng nakarelasyon ito dahil wala siyang magustuhan pang iba kundi siya lang na noong una ay wala nga raw lakas ng loob na i express ang feelings sa kanya na ikina pula pa ng kanyang mukha dahil sa mga banat sa kanya ni Jasper na piping dasal niya ay sana nga ay totoo at walang halong pambobola.
After nilang makapag lunch ay sabay na silang bumalik ng opisina. Hindi naman lingid kay Sandra na pinagtitinginan at pinag uusapan na sila ng ibang mga empleyedo ng kumpanya.
May mga bumabati pa kay Jasper na hindi niya maintindihan sa sarili kung natutuwa ba siya o naiinis sa mga babaeng nagpapansin pa kay Jasper gayung alam naman nila na kasama siya nito at parang balewala lang sa mga babae.
Nang nasa elevator na sila kasabay ng ibang mga empleyado bago lumabas si Jasper ng elevator sa 5th floor ay nagpahabol pa ito ng salita. " Sandra, ihahatid kita mamaya sa bahay nyo after office hours ha! " nag wave pa ito ng kamay sa kanya at masayang tumalikod na. Pagkasara ng elevator ay nagtinginan sa kanya ang mga kasama pa nya sa loob ng elevator .
" what? " bigkas niya sa mga nakatingin pa sa kanya pero nakangiti naman siya kaya naman na pa " uuuuyyyy " na panunukso ang mga ito sa kanya mabuti na lang at nasa 7th floor na kaya nakaiwas at nakalabas din agad siya ng elevator na natatawa pa dahil sa ginawa ni Jasper dahil masyadong nagpapaka obvious ang binata na interesado ito sa kanya. Wala naman siyang pakialam sa sasabihin ng iba sa kanya.
Natapos ang office hour ay tinawagan na siya ni Jasper at sinabing hihintayin na lamang daw siya sa kotse nitong nakaparada malapit sa labas ng building.