"Na-natatandaan mo!?" mahinang tanong ni Sandra kay Jasper.
"O-oo, nakainom lang ako sandra, pero alam ko pa naman ang ginagawa ko non. Gusto kong mag sorry sa iyo pero hindi ko alam kung dapat nga ba akong mag sorry dahil ginusto ko naman ang namagitan sa ating dalawa." pag amin pa ni Jasper pero tahimik lang si Sandra.
"Matagal na kitang gusto Sandra natotorpe lang ako noon dahil natatakot akong mareject mo. Maraming beses kong sinubukang lumapit sa'yo pero sa tuwina ay naaalala ko ang sinabi mo sa kaibigan mo ng minsan marinig ko ang usapan ninyo na hindi ka pa handang pumasok sa isang relasyon ay nawawalan na ko bigla ng lakas ng loob." pagcoconfess ni Jasper ng nararamdaman niya kay Sandra na napatingin lang kay Jasper at hindi makapag salita.
"Una pa lang kitang makita nung nag apply ka sa DCEC ng matapunan kita ng kape sa skirt mong suot, palagay ko dun pa lang nabihag mo na ang puso ko. Akala ko natutuwa lang ako sayo dahil nakukyutan ako sa mga gesture, actions at pananalita mo, syempre bukod sa maganda ka at sa dimple mo na halos araw araw ata ay gusto kong makita hanggang sa makaramdam na ko ng selos sa tuwing makikita kitang may kasama o kausap na ibang lalaki ay parang gusto kong sumugod at manakit pero napaglalabanan ko pa yon dati kase alam kong wala naman akong karapatan sayo." litanya pang pag amin ni Jasper sa kanya na matipid niyang ikinangiti.
"Ngayon ay nagkalakas ka na ng loob na ligawan ako dahil sa may nangyare na sa atin, ganun ba!?" sarkastikong sabi ni Sandra.
"Sort of, parang ganon na nga!" pagsasabi naman ni Jasper ng totoo at huminga pa ito ng malalim.
"Hayaan mo lang sana ako Sandra na maipakita ko sa iyong seryoso ako sa nararamdaman ko para sayo. Kung hindi ka pa talaga handa makipagrelasyon im willing to wait naman. Maghihintay ako hanggang sa magustuhan mo na rin ako, pero mas okay kung mamahalin mo na rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo." wika pa ni Jasper.
Hindi makapaniwala si Sandra sa mga salitang binibigkas ni Jasper sa kanya, dahil pareho lang pala sila ni Jasper ng feelings.
"Seryoso ka ba sa panliligaw mo?" tanong niya
"Yes Sandra, i'm very serious about my feelings for you." humarap pa si Jasper kay Sandra at tumingin pa sa mata niya. bahagyang ngumiti si Sandra at umayos ng kanyang pagkakaupo.
"Okay!" aning wika ni Sandra.
"What do you mean okay!?" tanong ni jasper
"Pumapayag na kong manligaw ka sa akin. Sabi mo your willing to wait di ba?" nakangiti niyang saad na ikinagalak ng husto ni Jasper at hinawakan ang dalawa niyang kamay.
"Anong nanyare sa'yo? para kang nanalo sa lotto hindi pa kita sinasagot Sir Jasper!" wika niya sa binata na halata ang kasiyahang nadarama kaya naisip niyang baka akala ni Jasper ay sinasagot na niya ito. Sasagutin din naman niya pero gusto niyang makita kung paano manligaw ang isang Jasper Curtis.
"Ang swerte mo naman kung sasagutin agad kita noh! nakuha mo na nga ang v card ko ng wala kang kahirap hirap. Dapat lang siguro magpakipot na muna ako bago ko ibigay sayo ang matamis kong oo." pagbibiro niya pa sa binata na sinang ayunan naman nito. Kaya hindi niya maalis ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Gusto mo bang mag dinner na muna tayo o gusto mong ihatid na kita sa bahay nyo?" seryoso ng saad ni Jasper.
" Next time na lang tayo kumain sa labas Jasper. dalawang gabi akong walang ayos na tulog, gusto ko sanang magpahinga na muna." saad niya naintindihan naman siya ng binata kaya hindi na nagpumilit pa.
Sinabi niya ang address niya sa binata kung saan siya ihahatid nito, tahimik silang pareho sa loob ng sasakyan pero parehong nagpapakiramdaman at wala namang gustong magsalita ng usapan hanggang sa makarating na sila sa tapat ng bahay nila Sandra.
"Dito na yung sa amin. Salamat sir Jasper." aniya sa binata. Bababa na sana siya ng magsalita si Jasper.
"Manliligaw mo na ko ngayon kaya wag mo na kong tawaging Sir Jasper, so stop calling me sir Sandra, okay!? " napatingin siya sa mata ni Jasper at nagkatitigan sila at para na namang nahipnotismo si Sandra kaya ng ilapit ni Jasper ang mukha n'ya kay Sandra ay napapikit ito, maglalapit na sana kanilang mga labi ng marinig niya ang pag busina ng kotse ni Brielle na nasa likod na pala ng sasakyan ni Jasper. Napadilat siya ng mata at naitulak sa dibdib si Jasper sa katarantahan niya.
"So- sorry." ang sabi niya kay Jasper na napasandal sa headrest ng upuan at pumikit saglit at nagbuntong hininga at saka dumilat at muling tumingin kay Sandra at tipid na ngumiti.
"Sorry Sandra, i can't resist your charm." seryosong sabi ni Jasper kaya nag blush ang dalaga at hindi nakapagsalita pa at yumuko na lamang.
At muling natahimik ang loob ng sasakyan ng may kumatok sa salamin ng bintana ng kotse ni Jasper sa tapat ni Sandra. Nanlaki ang mata ni Sandra ng makita si Brielle na nasa labas ng kotse at kinakatok sila. Ibinaba naman ni Jasper ang salamin ng bintana.
"Sa- Sandra!? " gulat na bulalas ni Brielle ng makita si Sandra sa loob ng sasakyan na may kasamang lalaki sa loob nito.
"Hi Brielle!" bati ni Sandra na nakangiting pilit na nag peace sign pa sa harap ng kaibigan.
"Jasper, salamat sa paghatid ha bye!" mabilis na nabuksan ni Sandra ang pinto at nakalabas at hinila na si Brielle.
Naiwang nagtataka naman si Jasper sa loob ng sasakyan. Aalis na sana siya ng mahagip ng mata niya ang bulaklak na bigay niya kay Sandra nakalimutan ng bitbitin ng dalaga. Kaya lumabas siya ng sasakyan at binitbit ang bulaklak at kumatok sa pinto ng bahay nila Sandra.
Nang mag open ang pinto ay si Brielle ang nag bukas at tinawag si Sandra.
"Sandra.., may bisita ka." pagtawag ni Brielle sa kaibigan.
"Ah wag na okay lang ako, pakibigay na lang to sa kanya nakalimutan kase sa loob ng kotse naiwan nya. Sige, bye. thank you.." nagmamadaling saad ni Jasper at umalis na rin.
"Sandra, lumabas ka na diyan nakaalis na siya." ani ni Alexa ng katokin ang pinto ng kwarto niya.
" Sigurado kang wala na? " tanong niya pagbukas agad niya ng pinto.
" Oo, sino ba yon? bakit hinatid ka at may pa flowers pa? manliligaw mo? " sunod sunod na tanong ni Brielle.
" Si sir Jasper yon. " sagot niyang ikinagulat nung dalawa
" Yung naka kuha ng v card mo? yung crush mo Sandra? " parang di makapaniwalang tanong ni Alexa.
" Siya nga! nagkausap na kami kanina. Nalaman ko rin na natatandaan niya ang lahat ng namagitan sa amin nung sabado sa resort sa batangas ang sabi niya nakainom lang daw siya pero hindi naman talagang lasing na lasing. " pagkukwento niya
" Oh! tapos ano pang sabi sayo? " ani pang tanong Alexa.
" Gusto niyang ligawan ako. Nag confess na rin siya ng feelings para sa akin. Sabi naman niya hindi niya ko mamadaliin at at maghihintay raw siya hanggang sa mahalin ko na rin siya. " pagkukwento niya pa.
" Ano namang sinagot mo ? " si Brielle naman ang nagtanong
" Pumayag akong ligawan niya. Mag iinarte pa ba ko eh nakuha na nga niya ang pinaka iingatan ko di ba! imaginin nyo kung kailan may nangyare na sa amin saka lang niya naisipan na ligawan ako oh di ba bongga.hehehe..!! " Pabiro niyang saad sa mga kaibigan
" May sira ata sa ulo yung Jasper na yon Sandra? sigurado ka bang matino yon? hahaha...!! " ani naman ni Alexa
" Grabe ka Alexa!, ang sabi niya noon pa niya ko gusto kaso natatakot siyang i reject ko siya dahil narinig niya yung usapan namin ni Megan noon na hindi pa ko handang makipag relasyon kaya sa tuwing lalapit siya at babalakin mapalapit sa akin ay napapa atras siya kase nga iniisip niyang baka mabasted ko siya. " pag dedepensa naman niya kay Jasper.
" uyyy!!! pinagtatanggol ang crush niyang naka home run na at saka pa lang manliligaw. haha.. "
si Brielle naman ang nang asar kay Sandra na alam naman nilang madaling mapikon.
" Ewan ko sa inyo. Nang iinis lang kayo, kain na lang tayo nagutom na ko. " Pang iiba ng usapan ni Sandra. Na ikinapag apir pa ng dalawa niyang kaibigan.