Araw ng lunes ay Excited na pumasok ng opisina si Jasper ngunit bago siya dumiretso roon ay dumaan na muna siya sa isang flower shop bumili siya ng limang pirasong white roses at ipinaayos niya sa tindera. Pinalagyan nya ng words ang bawat isang stem nito na ng mabuo ay mababasa ang salitang ( i care for you sandra ) bumili rin siya ng tatlong red roses na inihalo sa puting bulaklak.
Dahil sinadya niyang maagang pumasok ay alam niyang hindi pa dumarating si Sandra. Umakyat siya ng 7th floor at ipinatong sa lamesa ni Sandra ang bulaklak na binili niya.
Samantalang si Sandra ay kanina pa rin gising hindi niya alam kung papasok ba siya o hindi na. Nagpabalik balik siya ng tayo at upo sa kanyang kama.
" Sandra, sasabay ka ba sa amin ni Alexa? bilisan mo na kung sasabay ka ha. " wika ni Brielle ng makita pa siya nitong hindi pa nakakapag bihis ng pang opisina pero nakapaligo na siya.
" Brielle, hindi ko alam kung papasok ako o hindi. Kinakabahan kase ako. Papaano kung makaharap ko si Jasper, papaano kung maalala niya ang nangyare? " ang sabi niya sa kaibigan.
" Oh e di mas maganda nga yung ganon eh! alam niya na may nangyare sa inyo kung sakaling mabuntis ka alam niyang siya ang ama. Sandra hindi mo ba naisip na kung paano kung mabuntis ka pala? " saad naman ni Alexa dahil nasa likuran lang pala ito ni Brielle na hindi niya napansin.
Natigilan siya at nanlaki ang mata dahil sa sinabi ni Alexa ay lalo siyang nahirapan sa sitwasyon niya dahil naisip niyang tama ang kaibigan niya.
" Natahimik ka? hindi mo talaga naisip na pwede kang mabuntis sa ginawa ninyo!? Ay naku Sandra. wala pa akong karansan pero hindi naman ako mang mang sa ganyan noh pinag aralan din natin yan nung high school tayo wag mong sabihin na absent ka ng ituro ng teacher mo ang bagay na yon ha dahil kahit hindi nga nakapag aral ay alam kung paano makakabuo ng baby. " litanya pa ni Alexa na ikinabagsak ng balikat ni Sandra.
" At saka mo na isipin ang sinabi ko papasok na kami ha baka ma late pa kami. tara na Brielle hayaan mo na munang makapag isip si Sandra. " pag aaya na ni Alexa kay Brielle at naiwan na siyang mag isa sa bahay.
Hindi na siya pumasok dahil late na rin naman siya. nahiga lang siya sa kama habang nag iisip nang tumunog ang cellphone niya. Nataranta siya ng makita sa screen ang caller id ng boss niya sinagot naman niya ang tawag sa nahihiyang boses.
" Boss?, " mahina niyang bigkas
" Nasaan ka Sandra? bakit wala ka pa sa opisina kailangan kita rito ngayon. " ani ng boss sa kanya.
" Boss, masama po kase ang pakiramdam ko kaya hindi na po ako nakapasok, pero kung kailangan nyo po ako sige po papasok po ako after lunch andiyan na po ako boss. " alibi niya kay Marvin
" Kung talagang hindi mo kaya Ms. Pereira wag ka na munang pumasok ako ng bahala magpahinga ka na lang muna. " nag aalalang sabi ni Marvin sa sekretarya niya.
" Papasok ako boss, okay naman na ako. bye boss see you later. " nasabi na lamang niya dahil alam niyang marami talagang trabaho at totoong kailangan siya ng kanyang boss.
Agad siyang nag ayos at nag bihis nawala na sa isip niya si Jasper ng mga oras na yon.
Papalapit pa lamang siya sa kanyang table ng makita niya ang bungkos na bulaklak sa ibabaw nito namangha siya sa ayos ng bouquet at nabasa nya ang i care for you na naka lagay sa bulaklak may nakita siyang card at binuklat iyon.
Sandra,
Good morning
to the cutest girl I've ever met.
Jasper C.
Napangiti siya ng mabasa ang nakasulat,naupo siya at inamoy ang mga bulaklak at ng marinig niyang bumukas ang pinto ng opisina ng boss niya ay mabilis niyang binitawan ang bulakak at seryosong humarap sa boss niya.
" Nanditon ka na pala! ang ganda ng flowers noh? kanino galing? " wika ng boss na matipid ang ngiti sa kanya na halata namang nanunukso na may halong pang aasar na naman. kaya hindi niya na lang pinansin.
" Kararating ko lang boss, may ipapagawa ka na ba? " pormal niyang pagkakasabi para maiparating rito na wala siya sa mood makipag asaran.
" Yes Ms. Pereira, may meeting ako ng 2 pm kay Mr. Acosta may titignan kaming site sa Cainta. paki print lahat ng mga dapat i print paki double check na rin yung ibang documents na nasa lamesa ko. " utos sa kanya ni Mr. Almeda
" Yun lang boss?, wala ka ng ibang ipag uutos? " sarkastikong sabi niya rito dahil parang balak na naman iwan sa kanya ang dapat ay trabaho nito.
" Bakit Ms. Pereira nakukulangan ka pa ba sa pinapagawa ko sayo? " nakangising wika naman sa kanya ni Marvin
" Hindi na boss okay na yon! parang may balak pa talagang dagdagan eh! " Sagot niya pero pabulong na lang ang huli niyang sinabi
" Okay, please make me a cup of coffee Sandra. " pahabol pang utos ng boss niyang pasaway bago siya tuluyang iniwan sa table niya.
" Pasaway kang boss ka...!! " saad niya ng siya na lamang ang tao sa pwesto niya.
Sinunod na muna niya ang utos na kape ng mailapag na niya ang kape sa lamesa ay nag ring ang phone nito at sinagot ang tawag. palabas na siya ng opisina ng marinig niya ang sinabi nito kaya napatigil siya at tumingin sa boss niya sinenyasan naman siya nitong manatili lang siya roon.
( What do you want Jasper? )
( kararating lang niya, Oo nakita na niya. Alam niyang sayo galing asshole natural nilagay mo sa card ang pangalan mo gago. )
( Bakit ako ang tinatanong mo? bakit hindi mo sa kanya itanong?. sinisimulan mo na panliligaw bakit magpapaka torpe ka pa )
( what hindi mo alam ang phone number niya? ang hina mo talaga Curtis. )
( Huwag mong gawin dito sa opisina ko asshole. Sa bahay ka umakyat ng ligaw. ) huling salitang binigkas ng boss niya sa kausap sa phone at ng i off na nito ang phone ay siya naman ang hinarap at kinausap.
" Narinig mo naman Sandra di ba? he is planning to court you, Sana bigyan mo ng chance ang kaibigan ko. " ani ng boss niya sa kanya.
Napailing iling siya ng ulo pero nakangiti naman sa ginawa ng boss niya. " Pag iisipan ko boss. Kung talagang seryoso ang kaibigan mo sa panliligaw bakit naman hindi. Kunware ka pa diyan boss parang wala kang alam nakakainis ka. " saad niya at inirapan pa ang boss niya bago tuluyang lumabas ay nadinig pa niya ang tawa nito.
Naging Abala ng hapon na yon si Sandra hanggang sa bumalik ng opisina ang boss niya na kasama si Jasper. Nataranta pa siya ng makita niyang papalapit ang dalawa sa pwesto niya. " Bo- boss.. " sambit niyang nakatingin kay Marvin. kinakabahan siya at bigla nag init ang kanyang mukha at bimilis ang pintig ng puso hindi siya makatingin kay Jasper. At ang walanghiya niyang boss pinagtatawanan pa ata siya. " Pwede ka ng umuwe Sandra, pero pinakiusapan ko si Jasper na ihatid ka sa bahay niyo. Masama pakiramdam mo kanina di ba Ms. Cute Secretary! So you should thank me kase may maghahatid na sayo. ingat kayo! " nanunuksong saad ni Marvin. " P're, ingatan mo ha. Ihahatid mo sa bahay nila hindi sa bahay mo. Ayokong mawalan ng masipag at pikon na sekretarya. " seryosong bilin ni Marvin sa kaibigan at tinapik pa sa balikat si Jasper at iniwan na silang dalawa.
Tahimik lang silang dalawa ng maiwan na sila ni Marvin na parehong hindi makatingin sa isa' t isa. " Sir Jas- / Sandra " sabay na bigkas nila ngunit hindi na natapos ni Sandra ang sasabihin ng sabay nga silang nagsalita ng binata.
Pinauna na niyang magsalita si Jasper dahil hindi rin naman niya alam kung ano ang sasabihin niya. " Nagustuhan mo ba yung flowers? " tanong ni Jasper tumango lang naman siya. " Okay lang ba na ihatid kita sa inyo? " muling tanong sa kanya ni Jasper.
Hindi siya agad nakasagot pero naghihintay pa rin ang binata sa sasabihin niya kaya muli siyang tumango nakita naman niyang ngumiti na si Jasper dahil hindi man niya tinitignan kanina ito ay ramdam naman niya na tulad niya ay kinakabahan rin si Jasper.
" Let's go? " pag aaya na niya at tinulungan pa kong bibitin ang bulaklak na ibinigay niya kaninang umaga
" Thank you " ang sabi ko
" for? " pagtatanong niya uli
" for the flowers and sa paghahatid mo sa akin, I guess!? " patanong ko ring sagot na hinaluan ko na rin ng pagbibiro
Magkasabay kaming lumabas ng opisina kaya pinagtitinginan ng mga taong nakakakita sa amin dahil sa may hawak na bouquet si Sir Jasper. Alam ko kung ano ang iniisip ng mga co employee ko. Nahihiya ako oo but deep in my heart naglulumundag na ko sa saya.
Sa parking lot ay sumakay na kami sa sasakyan ni Sir Jasper ng inaayos ko nang ikabit ang seatbelt ko ay inawat niya ko at siya na ang nag ayos para sa akin habang tinititigan ko siya ay parang nag slow motion siya sa paningin ko.
Pakiramdam ko lalong lumakas ang pagtibok ng aking puso.
" Sandra, I remember everything that happened to us in Batangas. " pag amin ni Jasper