Hera Isabella Diamante
“Hindi ako papatol sa batang iyakin?”
Bakit sinasabi ni Sir Zeus ‘yon? Ano kaya pinag-uusapan nila?
Hindi ko tuloy maigalaw ang paa ko nang tuluyan at ang sensitive pa ng topic na nadatnan ko. Biglang tumigil naman sa salita si Sir Zeus. Pati ‘yung isang boses ng kausap niya ay hindi ko na narinig.
Kinabahan ako dahil malamang na napansin ni Sir Zeus o ng lalaking kausap nito na bukas ang pinto.
“Manang Choleng?” Boses ni Sir Zeus.
Napilitan akong buksan nang tuluyan ang pinto. Ilang sandali ay tumama agad ang tingin ko sa nakakunot na noo ni Sir Zeus.
“Diyos ko, gwapo ni Sir kahit nakasimangot!”
“Uhhm, G-good morning, po.” Nauutal na sabi ko.
Pati ang kausap ni Sir Zeus ay alam kong nilingon ako pero hindi ko na inabala muna ang mata ko na tingnan ito at yumukod ako.
Hinigpitan ko pa ang hawak ko sa tray dahil naramdaman kong pati mga kamay ko ay nanginginig. Naglakad na ako at do’n ako nakatingin sa nilalakaran ko. Hanggang sa makarating na ako sa table at doon ko na inangat ang tingin ko.
Doon tumama ang tingin ko sa kausap ni Sir Zeus.
Napalunok ako.
Bakit ang pogi din nito?
Ito siguro ang sinasabii ni Ate Ellen na may kaibigan si Sir Zeus na gwapo raw. Sabi ni Ate Ellen ay dalawang kaibigan ni Sir ang bihirang magpunta dito. Baka ito ang isa.
Narinig ko ang isang pagtikhim. Si Sir Zeus ‘yon na kinukuha ang atensyon ko. Nang nilingon ko si Sir ay seryoso ang tingin nito sa akin.
“Are you eavesdropping on us?” Mariing tanong ni Sir Zeus na mas lalo ko pang ikinakaba.
“N-naku hindi po, S-sir…”
“Tsk!” Namutawi kay Sir Zeus.
Apaka bad shot ko naman sa amo ko.
“Hey, Z… Tinatakot mo ang bata.” Biglang sambit ng kausap ni Sir Zeus kaya binaling ko muli ang tingin sa lalaki na doon kay Sir Zeus nakatingin at matapos ay binalik sa akin ang tingin.
“Are you new here, hija? Ngayon lang kita nakita. Nagpunta rin ako dito nang nakaraang buwan pero si Ellen ang nagsilbi sa amin.”
Nakaka-intimidate ang mga itsura nila. Feeling ko ay artista ang mga nasa harapan ko. Pero pinilit kong umakto ng normal kahit obvious naman ang kaba ko dahil sa pagigig utal ng salita ko.
“O-opo, Sir.” Ngumiti ako sa lalaki.
“I see. You look young. How old are you? Hindi ka na ba nag-aaral kaya nagta-trabaho ka dito? ” Tanong muli ng lalaki sa akin.
“Eighteen years old po. Huminto po ako sa pag-aaral, Sir.” Magalang na sagot ko.
Kahit pinipilit kong ‘wag malungkot ay alam kong rumehistro sa mukha ko ang lungkot. Kapag tungkol sa pag-aaral ko ang tinatanong ay hindi ko maiwasan na hindi masaktan na kailangan kong maghinto ng pag-aaral.
“Put the coffee in my table then leave.” Matigas na sabi naman ni Sir Zeus.
Do’n ko lang na-realize na hawak ko pa rin ang tray ng kape. Mabilis tuloy akong kumilos at nilapag ang kape sa table nila.
“Thank you, uhhm… What’s your name?” Tanong muli ng lalaki sa akin pagkalapag na pagkalapag ko ng tasa.
“Hera po, Sir.” Nakangiting sagot ko.
“Hera?”
Tumango ako. Ngumisi naman naman ang lalaki.
“What a coincidence. Your boss’ name is Zeus. Zeus and Hera in greek mythology are husband and —”
“Nathaniel, That’s only in greek mythology. Not in real life.” Malakas na wika ni Sir Zeus na hindi na pinatapos ng salita ang kaibigan niya.
Nang binaling ko ang tingin kay Sir Zeus ay nakita kong naiinis ang mukha nito sa kaibigan na Nathaniel ang pangalan.
Bigla naman na nagtaas ng magkabilang kamay si Sir Nathaniel.
“Oopps. I don’t mean anything, my friend.” sambit ni Sir Nathaniel.
Pero si Sir Zeus ay sa akin na nakatingin. “Go back to work!” Sambit niya na ang taas pa ng tono ng boses.
Mukhang badtrip pa rin si Sir Zeus sa akin.
Tumango na lang ako sa amo ko. Mabuti at kinaya ko pa ang makipag eye contact sa kanya. Binaling ko din ang tingin kay Sir Nathaniel matapos.
“Sige po, Sir Nathaniel. Enjoy your coffee po.” Sambit ko at tumalikod na sa kanila.
Pakiramdam ko ay titig na titig ang dalawa sa akin dahil wala naman nagsalita sa kanila hanggang sa makarating ako sa pinto.
Mabilis akong lumabas at sinara ang pinto. Pagkasara ko ng pinto ay napasandal pa ako sa dingding at niyakap ang hawak kong tray. Kinalma ko ang sarili at ilang beses nag inhale at exhale para bumalik sa normal ang pintig ng puso kong nagwawala pa rin.
Bumalik ako ng kusina dahil inalala ko ang sinabi sa akin ni Nanay Choleng na may sasabihin daw ito sa akin. Naabutan ko naman ang matanda do’n at may inaayos na kasangkapan.
“Oh, Hera nakabalik ka na pala.”
“Opo, Nanay Choleng. Ano po pala ang sasabihin niyo?”
“Ah… ‘Yun ba? Tumawag kasi si Ellen sa akin. Bigla raw na may emergency kaya hindi siya makakabalik mamaya sa trabaho. Nanghingi siya ng dalawang araw na leave at may aasikasuhin daw na personal.”
“Gano’n po ba?”
“Oo, anak… Eh kasi alam mo naman na ang Nanay mo ay umaalis kadalasan kpaag day-off niya. Bakas bukas pa lang ng gabi ay wala na siya at umalis kagaya ng nakaraang linggo. Tapos kailangan ko rin na umalis bukas ng gabi. Okay lang ba kung maiwan ka bukas ng gabi na mag-isa dito kung sakali?”
Tumango agad ako sa matanda habang nakangiti.
“Naku, okay lang po Nanay Choleng… Wala pong problema. May lakad lang po ako bukas at pupuntahan ang kaibigan ko. ‘Wag po kayong mag-alala at hindi naman po ako magpapagabi ng husto.”
Nakita ko naman na nakampante si Nanay Choleng sa sinabi ko.
“Naku, salamat naman at hindi na ako magmoblema kung sino ang pagbibilinan… Pasensya ka na, hija, hah? Basta siguraduhin mo lang na sarado ang mga pinto. Mag-lock ka rin ng pinto mo bago matulog. Kung sakali man na maagang makauwi si Sir Zeus at may kailanganin ay ikaw muna ang bahala, ha?”
“O-opo.” Bigla naman na nag-iba ang pintig ng puso ko nang marinig ang pangalan ng amo.
Kung sakali na maiwan akong mag-isa dito sa mansion at mag-aasikaso kay Sir Zeus ay parang ngayon pa lang ay labis na ang kaba ko na baka pumalpak ako at ma-badtrip sa akin ang gwapong amo ko.
“Pero ‘wag kang mag-alala. Alam ko ay may party na pupuntahan si Sir Zeus. Baka gabihin din ‘yon ng uwi. Baka lasing na ‘yon at deretso ng tulog. Baka hindi ka na niya istorbohin din.”
Do’n naman ako nakampante na at least ay gagabihin si Sir Zeus at hindi na ako uutusan pa. Sana naman magpagabi na nga lang siya para hindi kami mag-abot pa.