NANG MATAPOS AKONG magbihis, agad na rin akong lumabas ng kuwarto. Pagdating ko sa kusina, masaya akong nadatnan na tinitimplahan ako ng kape ni Aqua. Ganitong babae talaga nakikita ko sa vision ko na makatutuluyan ko. Someone like her. “Son,” bungad ni Mom, seryoso siyang nakatingin sa akin. “Yup?” sagot ko sabay upo sa tabi ni Aqua. “Reyessa’s mom was asking for forgiveness. Pinabura na rin nila ang pinost ni Reyessa sa social media about our Aqua.” Napatango-tango ako. “Mabuti naman kung ganoom. Kumain na kayo, Mom. Sumabay na kayo sa amin.” “Later na lang. Mauna na kayo. Alam mo naman, nakapagpahinga na si Mommy simula nang dumating ang Kuya V mo. Siya na kasi ang gumagawa ng mga gawain ko sa company and he’s doing well. Kaya pagkagraduate mo, pumasok ka na agad sa company natin

