SAGITTARIUS NASA PARKING LOT na kami ng hospital para umuwi na sa aming mga tahanan. Kasama ko rito sina Kuya V, Taurus, at ang babaeng mahal ko. Si Aries lang ay nagpaiwan dito sa hospital para maging bantay ng aming mahal na kaibigan. Napalingon ako kay Aqua at agad na inalayan ng yakap. Papaalis na sila at hindi ko maitatangi na malulungkot ako kapag wala na siya sa paningin ko. Ganoon ko siya kamahal. “Mag-ingat ka sa pag-uwi mo, Rai!” pasigaw na sabi ni Kuya V, nasa loob na siya ng kanyang sasakyan. Nilingon ko si Kuya V. “Ingat kayo, Kuya.” Ibinaling ko muli ang tingin sa babaeng mahal ko. “Good night. Mag-ingat ka mahal,” sabi ko sabay halik sa noo niya. “I love you,” sagot ni Aa sabay yakap sa akin nang mahigpit. Ibinababa ko na ang kamay ko sa likod ni Aa at hinawakan ang t

