WALANG TIGIL SA pagpatak ang luha sa aking mga mata nang marinig ang sinabi ng doctor. Si Gemini na ang tanging tao na nagtiis sa ugali ko—wala na. Wala na raw ang kaibigan ko. Hindi ako makapaniwala. Sana isang masamang panaginip talaga ang lahat ng ito. Lumapit sa akin si Rius at niyakap ako. Kahit umiiyak siya, alam kong nag-aalala siya para sa akin. Alam niya, nilang lahat kung gaano kahalaga sa buhay ko si Gem. Si Gem iyong kaibigan ko na pipiliin ko kahit sino ang itapat dito. Lumapit din sa amin si Taurus at sumali sa yakapan naming dalawa ni Rius. “S-Si Gem.” Humagulgol ako. Ang sakit lang isipin na wala na siya. “Ipagdasal na lang natin sa Diyos ang kaluluwa niya,” sabi ni Taurus. Tinulak ko siya dahil sa inis. “Wala ngang Diyos!” Pinigilan ako ni Rius. “Kalma, Aries. Huwag

