GEMINI NASA TAPAT NA ako ng pinto sa condo unit ni Aries. Dahil alam ko ang passcode ng unit niya, pinindot ko ito nang hindi na kumatok. Ganoon kami kalapit sa isa’t isa. Kahit mga pribadong impormasyon na dapat siya lang ang nakaaalam ay pinapaalam niya rin sa akin. Nang bumukas na ang pinto, agad akong pumasok. Unang bumungad sa mga mata ko ay ang nagkalat na mga gamit ng babae; damit, mahabang takong, scarf, at mamahaling bag. Napangiti na lang ako dahil sa ginagawa nila. Para saan pa na pinapunta ako ni Aries dito? Para masaksihan ang kalandian niya? O pinapunta niya lang ito dahil wala siyang ideya na pupuntahan ko siya. Lumapit na ako patungo sa pinto ng kuwarto niya. Nang malapit na ako roon, napatigil ako nang marinig ang dalawang ungol na masakit sa aking tenga. Maririnig sa u

