AQUARIUS NAGMAMADALING LUMABAS ANG pamilya ko mula sa loob ng bahay. Lahat kami nakatingin sa nagliliyab na apoy sa may gilid ng kalsada. Nanginginig ang katawan ko. Kinakabahan ako. “Ri, pakikuha nga sa phone ko sa itaas,” utos ko. Kaagad tumakbo ang kapatid ko para kunin ang phone ko. Napatingin naman ako sa paligid at lahat ng mga kapit-bahay namin ay nasa kalsada. Mga sampung bahay ang layo mula rito sa amin ang sunog. Maaaring may pumutok na LPG at iyon ang pinagmulan nito. Dahil sa dumadagsang tao sa kalsada, hindi ko na makikita ang mga sasakyan na dumaan pabalik. May iba ring na stranded dulot ng traffic. Hanggang sa... “Ate!” sigaw ni Ri na lalong nagpakaba sa puso ko. “Bakit?” nag-aalala kong tanong. “Si Kuya,” sabi niya. Hawak niya ngayon ang phone ko at nasa tenga niya i

