TAURUS KAKAUWI LANG NAMIN mula sa birthday celebration ni Camilla Gutierrez. At aaminin kong nasira lang ang buong gabi ko roon dahil sa babaeng maarte na iyon. Si Helena Carell Mattias! Napaka-spoil brat! Sa totoo lang, naiirita ako sa kilos niya. Para bang tuko kung makakapit sa kapatid niya. Nakalimutan niya sigurong dalaga na siya. Tapos kung paano siya magsalita? Nakakarindi sa tenga. Para bang sinasadya niya na ganoon siya magsalita para sabihing rich kid. Oo, mayaman sila, pero mas maganda iyong marunong pa rin magpakumbaba at kumilos nang natural. Sa kanya kasi, halatang umaarte lang. “Sh*t!” sigaw ko sa sobrang inis. Napabangon naman ako sa higaan nang maalala ko na para bang matagal nang magkakilala sina Mom at ang mga bisitang nandoon. Sa naalala ko, kausap niya ang mga kilal

