Chapter 15

1784 Words
“Hershey! Nand’yan ba si sir Alexander?” excited na tanong ko sa kanya ng makalapit ako sa pwesto niya. “Oo, nasa loob si sir, kaya lang hindi ako sigurado kung tapos na ba ‘yong meeting niya o hindi pa. Hindi niya pa kasi ako tinatawag pero pumasok ka na lang sa loob,” wika niya. Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango. Gusto ko pa sana na makipag-chikahan sa kanya kaya lang ay mukhang abala siya sa ginagawa niya dahil nakakunot ang noo niya kanina. Isa pa, excited na rin akong makita ang love of my life ko kaya naman hindi na ako nagsayang pa ng oras at dumiretso na sa opisina niya. Kakatok sana ako bago pumasok, kaya lang ay naalala ko na ang dami ko palang dala kaya naman muli akong napatingin kay Hershey. Sakto naman na nakatingin din siya sa pwesto ko at agad na lumapit. Buti na lang talaga at nand’yan siya. At dahil nga may dala-dala ako ay siya na ang kumatok para sa akin. Pagkatapos niyang kumatok ay narinig ko ang boses ni sir Alexander kaya naman agad na binuksan ni Hershey ang pinto para makapasok ako. Bago tuluyang pumasok ay tumingin muna ako sa kanya at pabulong na nagpasalamat. Ngumiti lang naman siya sa akin at isinara na ulit ang pinto. Pagkaalis ni Hershey ay bigla naman akong kinabahan. Wala naman akong nagawang mali pero pakiramdam ko ay para akong hahatulan. Kahit na kinakabahan ay mas nangingibabaw naman sa akin ang kilig. Kinikilig ako sa isipin na dalawa lang kami ni sir Alexander ngayon dito sa kwarto. Gustuhin ko mang tumili dahil sa kilig ay pinigilan ko ang sarili ko. Tama na ‘yong isang beses akong napahiya sa harapan niya, ayoko nang maulit pa ‘yon. Pakiramdam ko ay may kanina pa nakatingin sa akin kaya naman agad akong nag-angat ng tingin. At muntikan na talaga akong mapatili nang mapansin ko na nakatingin sa akin si sir Alexander. Kahit na ilang metro pa ang layo ko sa kanya ay hindi ko maiwasan na mapaatras. Gusto ko sanang magsalita para sabihin na ipapasa ko lang ‘tong ginawa ko pero hindi ko magawa. Nararamdaman ko pa naman ang dila ko pero hindi ko talaga magawang magsalita. Kung kanina ay kinikilig pa ako, ngayon naman ay halo-halo na ang nararamdaman ko. Magsasalita na sana ako para batiin siya kaya lang ay natigilan ako dahil nauna na siyang magsalita. “Please wait a minute,” maikling sabi niya at saka itinuro ang upuan na nasa gilid. Ilang segundo pa akong napatitig sa kanya bago ko nagawang tumango at umupo sa upuan. Mukhang hindi pa siya tapos sa meeting niya kaya naman pinaghihintay niya ako. Mas lalonng gusto ko tuloy tumili dahil sa kilig sa isiping mas matagal ko siyang makakasama at masisilayan. Mabuti na lang talaga at hindi pa tapos ang meeting niya kaya naman mas matagal ko siyang makakasama. “Thank you, Lord,” bulong ko sa isip ko. Mukhang blessing in disguise pa ang pagpasa ni Bettany ng gawain sa akin. Buti na lang talaga. Dapat pala ay pasalamatan ko pa siya dahil sa ginawa niya, kaya lang ay ‘wag na lang pala dahil baka malaman niya pa na may gusto ako kay sir Alexander. Mas okay na kaunti lang ang nakakaalam, lalo na at may fiancé si sir Alexander. Isa pa, ayokong mawalan ng trabaho, sa panahon kasi ngayon mahirap nang maghanap ng trabaho. Kaya naman okay na sa akin ‘yong ako lang nakakaalam, happy crush lang naman. At dahil abala sa meeting niya si sir Alexander ay pinilit ko na hindi gumawa ng kahit anong ingay dahil baka makaabala ako sa kanya. Kaya naman pasimple lang din akong sumusulyap sa kanya. Sunod na pinagmasdan ko naman ang kabuuan ng opisina niya. Habang nililibot ko ang tingin ko ay hindi ko mapigilan na mapa-wow dahil sa ganda at linis ng ayos. Hindi ko man makita ang itsura ko ay alam ko na agad na para akong tanga kaya naman pinigilan ko ang sarili ko. Kaya naman pala solo niya lang ang floor na ‘to dahil ang laki ng opisina niya. Mas malaki pa nga ata ‘tong opisina niya kaysa sa unit ko. Nagawi naman ang tingin ko sa kabilang gilid at do’n ko lang napansin na may pinto pa pala ro’n. Kahit hindi ako pumasok ay kita ko na agad mula sa pwesto ko ang loob no’n. Glass door at wall kasi ang kwarto na ‘yon kaya naman kitang-kita ko ang loob. Mukhang conference room ang kwarto na ‘yon dahil sa haba ng mesa at sa dami ng upuan. Bigla tuloy akong napaisip kung anong pakiramdam kapag naka-attend ako ng meeting kasama si sir Alexander. Ini-imagine ko pa lang ay kinikilig na ako. Kung sakali kasi na ako ang magp-present tapos kasama siya sa meeting ay paniguradong buong oras siyang nakatingin sa akin. Dahil sa sobrang kilig ay patago kong kinurot ang hita ko. Kailangan kong ikalma ang sarili ko kaya naman ilang beses akong huminga ng malalim. At mukhang napansin ‘yon ni sir Alexander kaya naman napaangat siya ng tingin sa akin. Napatakip tuloy ako ng bibig dahil do’n. Nang mag-iwas siya ng tingin ay mahina kong hinampas ang bibig ko. Nakakainis, mukhang narinig niya pa ‘yong paghinga ko ng malalim. Kasasabi ko pa lang kanina na iiwasan kong mapahiya sa harapan niya ay nangyari na kaagad. Muli naman akong napatingin sa kanya para tignan ang reaksyon niya pero nakaharap na ulit siya sa laptop niya. Gusto ko sanang maki-chismis kung ano ba ‘yong pinag-uusapan nila at kung tungkol saan ‘yong meeting kaya lang wala akong marinig. Naka-earpods kasi siya at hindi rin naman siya nagsasalita kaya hindi ko matukoy kung nasaan na sila sa pinag-uusapan nila. Habang nakatingin sa kanya, napansin ko na kahit hindi siya magsalita ay ang lakas pa rin ng dating niya. Kahit nga siguro tumayo lang siya sa isang gilid ay mapapansin pa rin siya. Pati tuloy simpleng paghawi niya sa buhok niya ay parang commercial ang dating. Ganito siguro ‘yong sinasabi nila na kapag nakita mo ‘yong true love mo ay parang magiging slow motion ang lahat. ‘Yong tipong hihinto ang oras at siya lang ang makikita mo. Napailing na lang tuloy ako sa iniisip ko. At bago pa man niya mapansin na tinititigan ko siya ay nag-iwas na ako ng tingin. Maya-maya lang din ay narinig ko na siyang nagpaalam sa kausap niya kaya naman bigla akong napaayos ng upo. “Sure… Thank you for your time, too, Mr. Yap… Yes, just send the contract to my secretary and I’ll review everything,” wika niya sa kausap. Matapos ‘yon ay pinatay na niya ang laptop niya at inalis ang suot-suot na earpods. Biglang hindi tuloy ako mapakali sa pwesto ko dahil ngayon ay nasa akin na ang atensyon niya. At para hindi mapahiya ay kinalma ko ang sarili ko at inisip na lang na ibang tao ang nasa harapan ko. Mukhang effective naman ang naisip ko dahil nabawasan ang kaba na nararamdaman ko. “What is that?” tanong niya sa akin kaya naman agad akong napatayo at lumapit sa harapan ng mesa niya. Ngayon ay mas malapitan ko na siyang nakikita at isa lang ang masasabi ko. Napakagwapo. Gusto ko pa sanang titigan ang mukha niya kaya lang ay napansin ko ang pagkunot ng noo niya kaya naman bumalik na ako sa katinuan. “Here’s the files that you asked to arranged alphabetically,” I said at ipinatong ko sa mesa ang mga folder na hawak ko. Nang mailapag ko ang mga ‘yon ay saka ko lang naramdaman ang pangangalay ng mga kamay ko. In fairness, ang bigat din pala nila. “Okay, thanks” maikling sagot niya. “Thank you, too, sir,” nakangiting sagot ko naman sa kanya. Lalabas na sana ako para bumalik sa opisina kaya lang ay nagsalita ulit siya kaya naman muli akong tumingin sa kanya. “Are you new here?” tanong niya kaya naman tumango ako. “Your name?” muling tanong niya kaya naman hindi ko na napigilan ang mas lalong paglawak ng ngiti ko. “Francheska, sir,” masayang sagot ko. “Francheska Constantine,” pag-uulit ko pa sa pangalan ko at tumango-tango naman siya. “Okay, you may go.” Hindi naman na ako sumagot at nakangiting tumango na lang sa kanya kahit na hindi na siya sakin nakatingin. Dahil wala naman na akong kailangan pang gawin sa opisina niya ay lumabas na ako, pero bago ko tuluyang isara ang pinto ay muli ko siyang tinignan. Abala na siya sa ginagawa niya kaya naman dahan-dahan ko nang isinara ang pinto at masayang dumiretso sa pwesto ni Hershey. Habang naglalakad ay parang ang gaan ng bawat hakbang ko at hindi rin maalis ang ngiti sa mukha ko. Mukhang napansin naman ‘yon ni Hershey dahil nagtanong agad siya. “Kumusta? Bakit parang ang saya-saya mo bigla?” nagtatakang tanong niya. Imbes na sumagot ay ngumiti lang ako sa kanya at umiling. “Oo nga pala, nagpasundo ako kay Nicholai, gusto mo ba sumabay?” tanong ko sa kanya. And this time, siya naman ‘tong may malawak na ngiti. Marinig lang ang pangalan ni Nicholai ay kinikilig na agad siya. Pero ayos lang ‘yon, para hindi lang ako ang masaya. “Oo naman!” excited na sagot niya. “Wala naman ako masyadong gagawin ngayong araw at wala rin meeting si sir Alexander mamaya kaya naman maaga akong matatapos,” nakangiting dagdag niya pa. “Sige, sabay tayo mamaya. ‘Wag ka na masyadong magpaganda ah, baka bonggahan mo ayos mo mamaya eh,” pabirong sabi ko pa sa kanya. Actually, hindi ko pa nasasabi kay Nicholai na may kasabay kami pauwi pero bahala na mamaya, paniguradong hindi naman tatanggi ang isang ‘yon. “Ano ka ba, mag-aayos lang naman ako ng kaunti para hindi ako masyadong haggard mamaya,” sabi niya pa habang hinahawi ang buhok niya. Napailing na lang tuloy ako dahil sa ginawa niya. Mukha namang deads na deads siya kay Nicholai kaya naman I will root for her. I believe ito na ang time para magka-girlfriend ang kaibigan ko kaya naman simula ngayon ay ako ang magiging tulay nilang dalawa. Sana lang ay maging successful ang balak ko. Bigla tuloy akong na-excite sa iniisip ko dahil first time ko lang magiging tulay if ever. “Sige na, mauna na ako, may mga tatapusin pa ako,” paalam ko sa kanya at tumango naman siya. Gusto ko pa sanang makipag-usap sa kanya pero sa susunod na lang dahil may mga kailangan pa akong tapusin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD