Pagdating ko sa opisina ay abala na agad ang lahat, akala ko ay maaga na ako pero mukhang mas maaga sila. Matapos tignan ang buong opisina ay dumiretso na rin ako sa pwesto ko para hindi na ako makaabala pa sa kanila. Halata naman kasi na busy silang lahat lalo na at may new project.
Agad ko namang inayos ang mga gamit ko at inihanda na ‘yong ipapasa kay sir Alexander. Mabuti na lang talaga na kahit inaantok na ako kahapon ay natapos ko pa rin ‘tong gawin. Na-motivate rin kasi ako dahil makikita ko ngayong araw ang aking love of my life.
Hindi pa ako gano’n katagal dito pero sobrang bihira ko lang din makita si sir Alexander. Madalas kasi ay wala siya sa opisina niya dahil sa business meeting, minsan naman ay may biglaang alis din siya dahil sa mga importanteng presentation para sa company.
Bali-balita pa nga na magkakaro’n ng bagong project si sir Alexander dahil gusto siyang kunin na model ng isang sikat na brand. Pero usap-usapan pa lang naman, at kung sakali man na tanggapin niya ang offer ay paniguradong babalitaan agad ako ni Hershey dahil ilang beses ko na siyang kinulit tungkol do’n.
Matapos mag-ayos ng gamit ay biglang tumayo si sir Mark kaya naman lahat ay sandaling napatigil sa kanilang ginagawa at agad na tumingin sa kanya. Napatigil din tuloy ako sa ginagawa ko habang iniikot ang tingin sa buong paligid. Wala naman akong nagawang mali pero ewan ko ba at kinakabahan na ako.
"Naalala ko bigla. Earlier, the front desk said that we should send someone to get our IDs. Sino ang pwedeng kumuha ng ID para hindi na lahat kailangan pang bumaba?" tanong niya kaya naman nagtinginan ang lahat. Ilang minuto rin kaming binalot ng katahimikan dahil walang nagsasalita.
Kaya naman nagtaas na ako ng kamay. “I’ll go! Ako na lang ang kukuha ng ID, sir,” pag-volunteer ko. Marami pa akong gagawin talaga pero hindi naman mahirap kumuha ng ID kaya naman nag-volunteer na ako.
"Okay, you go then. Alam mo naman na kung saan kukunin ang ID, hindi ba? Sa may first floor, lobby, okay?" dagdag pa ni sir Mark kaya naman tumango ako bilang sagot. Wala naman na siyang sinabi pa kaya naman ginilid ko lang ang bag ko at saka dumiretso na sa baba.
Pagbukas ng elevator ay nakasalubong ko pa si Bettany na kararating lang. At as usual, imbes na bumati ay pinagtaasan niya lang ako ng kilay kaya naman hindi ko na rin siya pinansin pa. Nang makalabas siya ng elevator ay pumasok na agad ako at pinindot ang unang button.
Hindi ko pa gano’n kabisado ang buong building pero pamilyar naman na ako sa bawat department kaya naman sigurado ako na hindi na ako maliligaw pa, kung sakali man na hindi ko mahanap ang front desk ay pwede naman magtanong-tanong.
At dahil alam ko na kung nasaan ang front desk ay hindi na ako nahirapan pang hanapin ‘yon. May iilang empleyado na ang nakapila para siguro kumuha rin ng ID nila kaya naman pumila na rin ako.
May ID na talaga ‘yong mga matatagal nang empleyado rito, kaya lang ay may bagong policy ang kompanya kaya naman in-update ang ID ng bawat empleyado. Hindi naman gano’n kahaba ang pila kaya naman mabilis din akong nakausad.
“Anong department?” agad na tanong no’ng babaeng nasa front desk ng makalapit ako.
“Fashion Department,” sagot ko naman sa kanya.
“Okay, sandali lang,” sagot naman niya pabalik kaya naman tumango na lang ako kahit na mukhang hindi niya napansin ang ginawa ko.
May harang ‘yong front desk pero dahil transparent glass naman siya ay nakikita ko ang paghahanap na ginagawa no’ng babae. Marami-rami rin kasi kami sa team kaya naman inabot din siya ng ilang minuto sa paghahanap ng ID namin.
“Here,” at saka niya inabot sa akin ang kumpol ng ID. “Kung sakali man na may mali sa pangalan o ibang details, pumunta na lang dito sa front desk ‘yong may-ari ng ID para maayos namin kaagad,” dagdag niya pa kaya naman nagpasalamat na ako.
Hindi na rin ako nagtagal pa at umalis na dahil marami-rami na rin ang nakapila sa likuran ko. Imbes na dumiretso sa elevator ay lumabas ako ng building para pumunta sa coffee shop sa tapat. Nakalimutan ko kasing bumili ng kape kanina at hindi rin naman ako nakapag-almusal.
Nakalimutan kong dalhin ‘yong wallet ko pero mabuti na lang at may pera ako sa bulsa ng pantalon ko kaya naman hindi ko na kailangan bumalik pa. Hindi rin naman gano’n kahaba ‘yong pila kaya naman nakapag-order kaagad ako.
Naghintay lang din ako ng ilang minuto bago nabigay ang order ko. Nang makuha ko ang kape ko ay naupo muna ako sandali para hanapin ang ID ko. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap, kaya naman ng makita ko ang ID ko ay kinuhanan ko muna ‘yon ng picture at ni-send kay Nicholai.
Ilang segundo ko pang tinitigan ang ID ko bago ko ‘yon sinuot. Ewan ko ba, simpleng ID lang ‘yon para sa iba pero ang saya-saya ko dahil ngayon ay may trabaho na ako. Hindi na rin ako nagtagal pa at bumalik na sa opisina, baka isipin pa ni sir Mark na nag-gala pa ako kaya hindi pa rin ako nakakabalik.
Pagbalik ko ay isa-isa ko nang binigay ang mga ID nila. Mabuti na lang at pamilyar na rin ako sa kanila kaya naman hindi na ako masyadong nahirapan pang hanapin kung kaninong ID ang mga 'yon. ‘Yong ibang wala pa ay iniwan ko na lang sa mesa nila ‘yong ID para hindi na nila ako kailangang hanapin pa.
"Bettany," tawag ko sa kanya, agad naman siyang lumingon at pinagtaasan pa ako ng kilay. "ID mo," sabi ko sa kanya at saka ko inabot ang ID niya.
Kinuha niya rin naman ang inaabot ko pero saglit niya lang ‘yong tinignan at binato sa gilid na parang wala lang. Hindi ko naman naiwasan ang pagkunot ng noo ko dahil sa ginawa niya. Wala na sana akong balak pa na kausapin siya kung hindi naman tungkol sa trabaho pero hindi ko maiwasan na hindi makialam.
"Bakit mo naman binato? How can you just randomly throw aside your ID? Kailangan mong suotin 'yan kapag nasa loob ka ng opisina. You should wear it well,” wika ko sa kanya. Saglit naman niya akong tinignan bago siya nagsalita.
“Did you know that I only came here to get my cards back? I entered the department that was the least busy because of that. If not, you won't ever be able to work in the same department as me, according to your standards,” maarteng sabi niya at bumalik na sa pag-aayos ng gamit niya.
Imbes na makipagtalo pa sa kanya ay hindi ko na pinansin ang sinabi niya at bumalik na sa pwesto. Pero bago pa man ako makaupo ay lumapit si sir Mark sa pwesto namin kaya naman umayos ako ng pagkakatayo. Saglit din namang napatigil si Bettany sa ginagawa niya.
“Have you done distributing them, Cheska?” tanong niya sa akin kaya naman ngumiti at tumango.
“Yes, sir. Sabi rin pala, kung sakali man na may mali sa pangalan ay pwedeng ipayos agad sa kanila,” sagot ko sa kanya.
“Anyway, if you have time later, please head to the materials room, get some posters, and display them on the first floor. Samahan mo siya Bettany para mas mabilis kayong matapos,” bilin niya. Saglit naman akong napatingin sa katabi ko at napansin ko ang pagsimangot niya.
"Okay, sir, I'll go get the materials later,” sagot ko dahil mukhang wala namang balak magsalita ‘tong katabi ko. Matapos magpasalamat ay bumalik na rin siya sa pwesto niya kaya naman naupo na ako para ayusin ‘yong mga gagawin ko.
“Mamaya na natin idikit ‘yong mga posters, tinatamad pa akong bumaba,” maarteng sabi ni Bettany. Hindi naman na ako sumagot at hinayaan na siya sa ginagawa niya.
Halata naman na napipilitan siyang mag-trabaho pero mabuti at nagagawa niya pa ring pumasok araw-araw. Siguro kung hindi ni-hold ng parents niya ang mga card niya ay hindi niya mararanasan na mag-trabaho. Kapansin-pansin naman kasi na mukha siyang galing sa mayamang pamilya.
Kaya nga nagtataka ako no’ng una bakit siya nag-apply dito kung wala naman siyang balak mag-trabaho, pero ayon nga, siya na rin nagsabi, para sa card niya kaya niya ginagawa ‘to. Ayoko sanang makialam sa buhay niya pero naisip ko lang, paano kaya kung biglang maghirap ang pamilya?
Paano niya kaya bubuhayin ang sarili niya? At paano na lang din kung napunta siya sa masungit at matapang na boss? Paniguradong hindi talaga siya tatagal sa trabaho, halata naman kasi na buong buhay niya ay hindi niya naranasan maghanapbuhay dahil laki siya sa mayamang pamilya.
Hay naku, bahala na nga siya. Bakit ba pati buhay niya ay pino-problema ko pa? Halata naman na ayaw niya sa akin kaya naman hindi ko na rin dapat siyang pakialaman pa. Kaya naman imbes na isipin pa ang katabi ko ay inisip ko na lang kung anong sasabihin ko kay sir Alexander sakaling magkita kami.
Ihahatid ko lang naman ‘tong mga files sa opisina niya pero kinakabahan na ako. Sana lang ay hindi niya matandaan ‘yong una naming pagkikita kung saan halatang-halata na nakatitig ako sa kanya. Sobrang nakakahiya kaya naman ayoko nang isipin pa ‘yon. Isa ‘yong masamang alaala kaya naman dapat nang kalimutan.
Bago tuluyang pumunta sa opisina niya ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Alam ko naman na kahit anong ayos ko ay walang magbabago sa mukha ko pero sinubukan ko pa ring mag-ayos kahit papano. Wala nang igaganda pa ang mukha ko pero mas mabuti nang presentable akong tignan.
Nang makuntento ako sa ayos ko ay kinuha ko na ang mga folder at saka dumiretso sa opisina ni sir Alexander. Medyo nahirapan pa akong bitbitin ang mga folder dahil marami-rami ito kaya naman may kabigatan ang dala-dala ko. Pero para lang masulyapan ang love of my life ko, kaya kong tiisin ang bigat na pasan-pasan ko.
Natawa na lang ako dahil sa kung ano-anong iniisip ko. Buti na lang at busy ang mga tao kaya naman walang nakapansin ng pagtawa ko, mahina lang din naman ‘yon kaya paniguradong hindi nila narinig. Nang makarating sa floor kung nasaan ang opisina ni sir Alexander ay agad kong napansin si Hershey.
“Hershey!” mahinang pagtawag ko sa kanya. Agad naman siyang kumaway ng makita niya ako kaya naman ngumiti ako sa kanya dahil hindi ko kayang kumaway pabalik. “Nand’yan ba si sir Alexander?” excited na tanong ko sa kanya at tumango naman siya.