Chapter 13

1083 Words
At dahil good mood ako ngayon ay hindi na alintana ‘yong maraming gagawin. Para sa ngalan ng pag-ibig, ilaban natin ‘yan. Imbyerna naman kasi ‘tong si Bettany dahil sa akin lahat pinagawa ng dapat na gawain niya, pero ang good thing naman ay makakapunta ako sa opisina ni Sir, so ibig sabihin ay makikita ko siya. Sana lang ay hindi siya masyadong busy o kaya naman ay wala siya sa meeting para naman maabutan ko siya sa opisina niya para ako mismo ang mag-abot ng mga pinagawa niya. Sayang naman ang effort ko kung sakali na hindi ko man lang siya masisilayan. Mabuti na lang at ka-close ko ang secretary niya kaya naman pwede akong maka-diskarte, hindi niya nga lang alam ang tungkol sa sikretong pagtingin ko sa boss namin pero ayos lang naman. Kapag mas kaunti kasi ang nakakaalam, mas kaunti ang nangingialam. Kaya naman imbes na magsayang ng oras ay sinimulan ko nang gawin ang mga dapat simulan. Hindi naman gano’n karami ‘yong gawain pero masyadong time consuming kaya naman kailangan mag-double time sa paggawa. Ang dami pa naman nitong kailangan kong i-arrange. Pero kapag naiisip ko si Sir Alexander ay bumabalik ang lakas ko kaya naman patuloy ulit ako sa paggawa. Mukhang totoo nga ang sinasabi nila na iba ang nagagawa ng mga taong in-love. ‘Yong tipong lahat ay kaya nilang gawin para sa kanilang taong minamahal. “Okay, Cheska, masyado ka nang chessy. Masyado nang ma-keso ang mga sinasabi mo,” sita ko sa sarili ko at muling bumalik na sa ginagawa. At dahil nga motibido rin ako sa ginagawa ko ay hindi ko namalan ang oras. Napansin ko lang na late na rin pala ng matapos ako sa ginagawa ko. Ilang oras din pala ang nilaan ko para lang matapos ‘yong pag-arrange. Pero may isang task pa ako na kailangang tapusin. At dahil sakto na rin naman na sinisipag ako ay tinuloy-tuloy ko nang gawin ang lahat. Isa-isa ko namang tinignan ang mga sketch na nasa folder at binigyan naman ako ni Ms. Angel ng option at ideya kaya naman ‘yon ang pagbabasehan ko. Sinabi niya kanina pwede akong mag-create ng bago. Sakto ay may mga naisisip din akong bagong sketch kaya naman mabilis kong iginuhit muna ‘yong mga importanteng detalye para hindi ko makalimutan. Matapos ‘yon ay sunod ko namang tinignan at sinuri ang mga disenyo ng mga sample na binigay ni Ma’am Angela. Well, magaganda naman ‘yong mga design. Pero pwede pang ma-improve kaya naman ng may maisip akong bagong ideya ay iginuhit ko ulit ‘to kagaya lang ng kanina. Hindi ko na ginandahan at sobrang inayos ang pagd-drawing ko dahil aayusin ko pa naman siya. May mga naiisip na akong idea na pwede kong gawin kaya naman nag-note lang muna ako. May isang linggo pa naman ako para tapusin ang mga ito. Hindi naman masyadong marami kaya naman paniguradong matatapos ko kaagad sila. Mabilis na lang din naman na akong gumawa lalo na kapag may nasimulan na ako o may idea. Nang matapos sa paghahanda ay nagligpit na ako. Nararamdaman ko na rin kasi ang pagpikit-pikit ng mata ko. Inaantok na rin talaga ako. Bukas ko na lang siguro sisimulan dahil may sample and idea naman na. Matapos kong magligpit ay mabilis na lang din akong nag-ayos dahil ramdam ko na talaga na pasuko na sa pagdilat ang mga mata ko. Kaya naman habang nanlalaban pa sila ay ginawa ko na ang mga damit kong gawin. Maya-maya lang din ay dumiretso na ako sa higaan. Hindi rin naman nagtagal ay naramdaman ko na binabalot na ako ng antok kaya naman hindi na ako nanlaban pa at tuluyan nang nagpakain dito. ---- Naalimpungatan naman ako dahil sa pag-ring ng alarm ko. Grabe, parang ang bilis ng oras, parang pakiramdam ko ay kapipikit ko pa lang pero nagising na kaagad ako. At kahit na tinatamad kumilos ay pinilit ko ang sarili ko na bumangon para maghandang pumasok. Bigla naman tuloy nagliwanag ang mukha ko ng maalala ko ang dahilan kung bakit excited akong mag-umaga. Kaya kung kanina ay tinatamad ako, ngayon naman ay nagawa ko pang mag-stretching habang nagti-timpla ng kape. “Today is a good day,” masayang wika ko habang naghahanda ng almusal na kakainin ko. Pagkatapos kumain ay kaagad akong naligo para makapag-ayos na. Alam ko na kung anong nakalimutan ko. Kaya pala parang may natatandaan ako kanina pero hindi ko lang matandaann kung ano ay dahil hindi ko nakagawa. Hindi ako nakapili kaagad ng damit na susuotin. Mabuti na lang at hindi na ako sobrang natagalan pa sa pagpili dahil mabilis din akong nakapili ng damit na isusuot para ngayong araw. Itim na dress ang napili kong suotin ngayong araw at stiletto na hindi gano’n kataasan. Nagpatong din ako ng blazer sa ibabaw ng dress na suot ko para naman magmukha pa ring formal. Hindi naman sila mahigpit sa kung anong damit ang gusto mong suotin pero mas okay pa rin kung maganda at maporma ang suot mo. Lalo na at sa isang fashion company kami nagta-trabaho. Well, ang dami ko pang sinasabi pero ang ibig sabihin ko lang naman ay nag-ayos ako. Nagpaganda ako para naman kahit sandali ay mapansin ako ni Sir Alexander, kahit na alam kong imposible. Kaya naman matapos kong mag-ayos ay inihanda ko na ang mga kailangan ko at kaagad nang dumiretso sa sasakyan. Hindi naman gano’n kalayuan ang opisina kaya naman hindi kailangang magmadali ng sobra, pero dahil excited na akong makita si Sir Alexander ay hindi na ako nagsayang pa ng oras at kaagad na nagmaneho papasok. Medyo traffic dahil rush hour kaya naman medyo na-stuck ako sa traffic. Pero dahil good mood ako ay nanatili akong kalmado habang hinihintay na umusad ang mga sasakyan. Wala rin naman akong magagawa kung magagalit ako dahil normal naman na sa kahit anong lugar ang traffic. Mabuti na lang at hindi sobrang nagtagal ang pagka-stuck ko sa traffic dahil matapos makalagpas sa highway ay naging maayos na ulit ang daloy ng trapiko. Ilang metro pa ang layo ko pero natatanaw ko na kaagad ang opisina. Paano ba naman kasi ay ang laki ng logo at nagsusumigaw ang pagka-elegante ng kompanya. Hindi ko tuloy maiwasan na maging proud dahil dito ako nagta-trabaho. Kaya naman pagpasok sa loob ay dumiretso na ako sa parking para magparada. Mas lalo namang lumawak ang ngiti ko dahil saglit na lang ay magkikita na kami ulit ni Sir Alexander. The love of my life~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD