Chapter 12

1049 Words
Kanina pa ako excited habang hinihintay na mag alas singko. Hindi naman sa tinatakbuhan ko ang mga gawain pero excited lang talaga akong umuwi para magawa ko na ‘yong gawain na binigay ni Bettany kanina. Excited na rin akong mag-umaga para naman makita ko na kaagad si Sir Alexander. Napatingin ako sa relo ko at sampung minuto na lang bago mag alas singko. At dahil ilang minuto na lang din ay inayos ko na ang mga gamit ko na nakalatag sa mesa. May natapos na rin naman na akong isang sketch kaya isa na lang ang kulang ko. Nang saktong alas singko na ay agad akong tumayo at isa-isang inayos ang mga folder. Buti na lang pala at may dala akong kotse, kasi kung wala, hindi ko alam kung paano ko iuuwi ang mga ‘to. Isa-isa na rin nagsi-alisan ang mga kasamahan ko, palabas na sana ako kaso bigla akong tinawag ni Ma’am Angel. “Cheska, can I talk to you for a second?” “Okay, ma’am,” nilapag ko kaagad ang mga gamit na dala ko at sumunod sa office ni Ma’am Angel. “Ano po ‘yon, ma’am?” “Here,” kinuha ko naman ang portfolio na inaabot niya sa akin. Nang makuha ay agad kong tinignan ang laman. “As you can see, that’s all a draft of summer clothes. And… I have a special task to you.” “What is it, ma’am?” tanong ko sa kanya at isinara ang portfolio na hawak ko. “Finish all that drafts. It’s up to you if you’ll create your own design or you’ll reuse that. I’ll give you a week to finish all that. Then, after that, we’ll talk.” Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya, though hindi naman siya nagtanong. Tinignan kong muli ang laman ng portfolio at hindi naman gano’n karami ‘yong damit. May tig-limang set para sa pambabae at panlalaki. “Uhm… okay, ma’am. I’ll do it,” I said at hinawakang mabuti ang portfolio na hawak ko. “Good! Then, I’ll leave that to you, if you need my help, just come to my office, okay?” “Yes, ma’am, I’ll do that. I’ll go ahead, ma’am. Thank you,” paalam ko sa kanya. “Sure, Cheska. Thank you and take care,” ngumiti naman ako bago lumabas ng opisina niya. Paglabas ko ay kinuha na ang mga gamit ko. Pagtingin ko sa cellphone ko ay pasado alas singko na pala. Talaga ngang tumatagal ang takbo ng oras kapag binabantayan mo. Matapos magpaalam sa ibang empleyado na naiwan sa opisina ay dumiretso na ako sa parking. May ilang metro pa ang layo ko mula parking lot pero nangangalay na kaagad ang kamay ko. Ang kakapal naman kasi ng folder. Malapit na sana ako sa kotse ko nang may makabangga sa akin kaya naman nahulog ang lahat ng folder na hawak ko at nagkalat sa sahig ang mga papel. “Aish! Ang dami naman kasi,” nasabi ko na lang at isa-isang pinulot lahat ng papel na nalaglag. Buti na lang at may clip ang iba kaya naman hindi gano’n karami ang dapat pulutin. Pagkatapos magpulot ay tumayo na ako, buti na lang din at tinulungan ako no’ng nakabunggo sa akin. “Salamat—“ naputol ako sa pagsasalita ng makilala ko ang lalaki na nakabangga at tumulong sa akin. Parang nag-slow motion ang buong paligid ko habang nakatingin sa kanya. Parang kami lang ang taong narito at wala na akong ibang napapansin bukod sa kanya. ‘Yong seryoso niyang mukha, matikas na tindig, magandang pananamit, at malakas na dating ay talaga namang nakakaakit. “Miss?” ‘Yong adams apple niya, grabe, wala akong masabi. Ngayong nakikita ko sa malapitan ang mukha niya, grabe, sana all clear skin, wala siyang pores mga ate. Matangos na ilong at mapupulang labi. Wow! Perfect combination. “Miss? Are you okay?” Akala ko walang taong perfect physically, pero ito na, nasa harapan ko na ang ebidensya. “Miss!” Nagulat ako sa paglakas ng boses niya, kanina niya pa pala ako tinatawag hindi ko namalayan. Kasi naman nakakatulala ‘yong itsura niya. “Ah, sir,” nasabi ko na lang dala ng hiya at saka kinuha sa kanya ‘yong ibang folder. Kanina niya pa pala inaabot. “I’m sorry, sir.” “It’s okay,” matapos kong makuha lahat ng folder mula sa kanya ay agad siyang umalis at dumiretso sa sasakyan niya na nakaparada katabi lang pala ng sa akin. Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko hanggang sa makaalis ang sasakyan niya. Saka ko lang naisipan na pumasok sa sasakyan ko ng mangalay ako sa mga dala ko. “Oh my gee!” tili ko ng makapasok sa sasakyan. Grabe, ngayon ko lang na-realize na nakakahiya ‘yong ginawa ko kanina. Seryoso ba talaga? Ginawa ko ‘yon? Tinitigan ko si Sir Alexander? At harap-harapan pa talaga. “Nakakaloka ka talaga, Cheska. Ano nang gagawin mo kapag nagkita kayo?” napahinto naman ako sa pagsasalita ng may maalala ako. I’m so dead na talaga! Bukas! Bukas nga pala kami magkikita ni, sir. Lagot, paano pa ako haharap sa kanya matapos ‘yong nakakahiyang eksena ko rito sa parking lot? Pagdadasal ko na lang talaga na sana hindi niya maalala ‘yong nangyari kanina, na mukhang imposibleng mangyari. “You’re so dead talaga, Cheska. Nakakahiya ka!” sermon ko sa sarili ko habang sinasabunutan ang buhok ko, pero hindi naman malakas. Masakit eh. Pinaandar ko na ang sasakyan ko at agad na nagmaneho paalis. Baka kung ano pa ang magawa ko sa sarili ko kapag nagtagal ako ro’n. Nakakahiya talaga. Most embarrassing moment ko na ‘yon simula ngayon. Kaloka naman kasi, ang hot ni sir masyado, nasobrahan sa pagkaangas at lakas ng dating, ‘yon tuloy, natulala ang ate niyo. Saludo na talaga ako sa babaeng hindi matutulala kapag nakita si sir. Idagdag mo pa na ang manly ng boses niya, lahat na ata talaga ng perfect traits ng isang lalaki ay nasalo niya. ‘Yong tipong kahit babae ka, mapapa-sana all ka na lang. Goodluck sa akin bukas. Sana naman last na kahihiyan na ‘yong kanina at hindi na madagdagan pa. ang over mon a Cheska kapag pinahiya mo pa sarili mo kaya umayos ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD