Habang pabalik sa opisina ay hindi naman maalis ang ngiti sa mukha ko. Kanina ko pa rin napapansin na kanina pa ako pinatitinginan ng iba pero wala na akong pakialam, basta ang mahalaga ay masaya ako ngayong araw.
At para hindi masyadong agaw pansin ay pinilit ko ang sarili ko na ‘wag masyadong ngumiti. Baka kasi isipin ng iba ay nababaliw na talaga ako, kaya naman kailangan kong umakto na parang normal ang lahat. Siguro ay gagawin ko na lang na abala ang sarili ko para hindi ko masyadong isipin ‘yong nangyari kanina.
Pagbalik ko sa pwesto ko ay ramdam ko pa rin ang pagngiti ko, pero hindi na katulad kanina na sobrang lawak ng mga ngiti ko, ngayon ay sakto na lang kaya naman hindi OA tignan. At kagaya ng naisip ko kanina ay inabala ko na lang ang sarili ko, tutal ay may task din naman ako na kailangang tapusin.
Nong una ay paulit-ulit ang patingin sa akin ni Bettany dahil siguro sa pagngiti ko kaya naman pinilit ko na ulit na mag-seryoso kaya naman nag-iwas na rin siya ng tingin. Naiilang din kasi ako sa tingin niya kaya naman pinilit ko talaga na kalmahin ang sarili ko. Mukhang mamayang paguwi ko na lang talaga ilalabas ‘tong kilig na nararamdaman ko.
Sa loob ng tatlong oras ay natapos din akong mag-sketch para sa project na binigay sa akin. Hindi pa ako tapos pero mas mabilis na lang kung sakali dahil nakapag-design naman na ako, ipupulido ko na lang ang nagawa ko para mas maging maayos.
Medyo natagalan din ako sa pagsimula kanina dahil wala akong maisip na pwedeng i-design sa mga damit, mabuti na lang talaga at naalala ko si sir Alexander kaya naman nagkaro’n ako ng idea. Dahil do’n ay naging tuloy-tuloy na rin ang paggawa ko kaya naman hindi na ako masyadong nahirapan pa.
Sakto rin pagkatapos kong gumawa ay lunch na kaya naman inayos at iginilid ko na lang ang mga nagawa ko para hindi marumihan. Habang nag-aayos ng gamit ay saka ko lang na-realize na posible palang wala akong kasabay kumain mamaya kung wala si Hershey.
Madalas kasi ay busy siya dahil may mga oras na sunod-sunod ang meeting ni sir Alexander. Minsan naman ay wala sila sa opisina at sa labas kumakain gawa rin ng business meeting. Pero sabagay, ayos lang din naman pala kung wala akong kasabay, sanay naman na ako kaya naman hindi na ako naiilang kumain mag-isa. Mabuti na lang talaga at nasanay na ako no’ng college pa lang kaya naman hindi na awkward.
Palabas na sana ako ng bigla kong maalala na magkakabit pala kami ng poster mamaya. Kaya naman bago ko pa makalimutan ay agad ko nang tinawag si Bettany na saktong papalabas na rin para kumain.
“Bettany,” pagtawag ko sa kanya kaya naman agad siyang lumingon sap westo ko. “Remind lang kita na magkakabit tayo ng poster mamaya after lunch,” paalala ko sa kanya. Bago sumagot ay ilang segundo niya muna akong tinitigan kaya naman hindi ko maiwasan na mailang dahil sa mga tingin niya.
“Yeah, I know,” walang ganang sagot niya sa akin at saka tumalikod na.
Kahit papano ay nasasanay na ako sa ugali niya kaya naman hinayaan ko na lang siya. Kung siguro ay hindi ko pa alam kung paano siya makitungo, baka na-offend na ako sa sinabi niya. Hindi man kami nagkakausap masyado ay nakukuha ko na rin kahit papano ang ugali niya.
Kaya naman kahit na pagtaasan niya ako ng kilay at tarayan ay paniguradong hindi ako mao-offend. At kaysa problemahin pa ang pagtataray ni Bettany ay bumaba na rin ako para kumain.
Magkakabit pa kami ng mga poster mamaya kaya naman ayokong sayangin ang lakas ko. Pero kanina ko pa nga iniisip kung bakit kami pa ang kailangan magkabit ng mga poster kung pwede naman na magpasuyo sila sa mga staff, kaya lang ay naalala ko rin na bago nga lang pala kami.
Ayos lang din naman dahil hindi naman masyadong mabigat ‘yong binigay na gawain, isa pa ay dalawa naman kami kaya naman paniguradong mabilis din kaming matatapos, basta ba ay makiki-cooperate ng maayos ang kasama ko mamaya.
Pagdating sa canteen ay may iilan pang nakapila kaya naman pumila na rin ako kaagad. Libre lang kasi ang pagkain namin kaya naman kapag nagtitipid ka ay ito ang saktong kainan para sayo. Masarap naman ang luto ng mga kusinera kaya naman sulit din ang pagkain.
At dahil isa ako ro’n sa mga nagtitipid ay dito ako sa canteen kakainan para hindi na ako gagastos pa. Ang mahal na rin kasi ng mga bilihin ngayon kaya naman mas mabuting magtipid. Hindi rin naman gano’n kadaling kumita ng pera kaya naman susulitin ko talaga ang libreng lunch.
Pagkatapos kong makakuha ng pagkain ay naghanap lang din ako ng bakannteng mesa at saka ko sinimulan ang pagkain. Binilisan ko na lang din ang pagkain para makaakyat na rin ako kaagad. Sanay naman na akong kumain mag-isa, kaya lang ay pansin ko ang panaka-nakang pagtingin sa akin ng iba.
Hindi ko tuloy mapigilan na mailang dahil sa mga tingin nila. Bago tuluyang umakyat ay dumaan muna ako sa banyo para tignan kung may dumi ba sa mukha ko pero wala naman, maayos din naman ang damit na suot ko at mukha naman akong presentableng tignan.
Pakiramdam ko tuloy ay pinagtitinginan nila ako dahil sa itsura ko, aminado naman kasi na hindi ako maganda, pero tingin ko ay hindi rin naman ako gano’n kapangit. Dahil do’n ay hindi ko maiwasan na titigang mabuti ang sarili ko sa salamin.
Ilang minuto ko pang tinitigan ang sarili kong repleksyon sa salamin pero gano’n pa rin naman ang itsura ko, wala namang nagbago. Kaya naman imbes na ma-conscious sa ayos at itsura ko ay nginitian ko ang sarili ko at saka dumiretso na paakyat.
Ang mahalaga naman ay tanggap ko ang sarili ko kaya naman kahit anong isipin nila ay walang problema sa akin. Sinubukan ko namang mag-ayos no’ng college hanggang sa magkaro’n ako ng part-time kaya lang ay hindi bagay sa akin dahil mas lalo lang akong nagmukhang tanga.
Kaya naman pagkatapos no’n ay tinanggap ko na mas bagay talaga sa akin ang simple lang ang ayos, ‘yong walangg makeup pero hindi dugyutin tignan. At imbes na pambabaan ng loob ay inabala ko na lang ang sarili ko. Bago bumalik sa opisina ay dumiretso na agad ako sa Materials Room para kunin ‘yong mga poster na ididikit namin sa baba.
Medyo marami-rami rin pala ‘yong mga poster na ididikit kaya naman pala sa aming dalawa ipinagawa ‘to. Dala-dala ang mga poster ay bumalik na agad ako sa opisina para hatiin ang mga ‘yon. Pag-akyat ko ay wala pa naman si Bettany kaya naman nagpahinga na lang din muna ako.
Maaga pa naman kaya naman hihintayin ko na lang na makabalik siya, lunch time pa rin naman kasi kaya baka hindi pa ‘yon tapos kumain. Hindi ko rin naman siya nakita sa canteen kanina kaya paniguradong sa labas ‘yon kumain.
Ilang minuto lang din bago matapos ang lunch break ay natanaw ko na agad sa pintuan si Bettany na papasok. At nang makabalik siya sa pwesto niya ay agad kong binigay sa kanya ang ilang poster. Mas dinamihan ko na ‘yong akin dahil paniguradong mag-iinarte pa siya.
“Hinati ko na lang ‘yong mga poster na ididikit para mas mabilis din tayong matapos. Ididikit ‘yan sa may first floor,” paliwanag ko sa kanya. “Idikit mo na lang ‘yan sa baba pagkatapos mong magpahinga,” dagdag ko pa at saka tumalikod na para lumabas.
Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot kaya naman dali-dali na rin akong umalis dahil baka kontrahin niya pa ang sinabi ko. Pagkababa ko ay sinimulan ko na agad ang pagdidikit ng mga poster, marami-rami rin kasi ‘tong dala ko kaya naman kailangan kong bilisan ang kilos.
At matapos ang mahigit isang oras ay natapos din ako sa pagdidikit ng mga poster. Saka ko lang din naramdaman ang pangangalay ng mga kamay ko dahil sa mga bitbit ko at sa paglalagay ng tape. Kaya naman bago umakyat ay dumaan muna ako sa canteen para magkape.
Hindi naman mahigpit sa oras ang department namin kaya naman pwede kang magpahinga kung kailan mo gusto. Basta ang mahalaga ay matapos moa ng gawain mob ago ang binigay na deadline. Kaya naman kahit na marami-rami nang pinapagawa sa amin ay hindi naman ako gano’ng nai-stress.
Matapos kong magpahinga at magkape ay umakyat na ulit ako para i-finalize ‘yong mga nagawa kong sketch. Pagpasok na pagpasok sa loob ay sakto naman na nakasalubong ko si sir Mark.
“I just happen to have something to tell you, Cheska, sakto at nakita kita,” wika niya kaya naman saglit akong natigilan. “Can you give me a minute?” tabnong niya pa kaya naman tumango ako at sumunod sa kanya papuntang meeting room.
Pagpasok sa loob ng meeting room ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba, hindi ko pa man naririnig ang gustong sabihin ni sir Mark ay ang bilis na agad ng t***k ng puso ko. Para kasing ang seryoso masyado ng pag-uusapan namin dahil kailangan na nasa meeting room pa.
“Please have a seat,” wika niya kaya naman naupo agad ako sa bakanteng upuan sa harapan niya. “Kumusta pala ‘yong mga posters? Kailangan niyo ba ng tulong sa pagdidikit?” Paunang tanong niya kaya naman umiling ako.
“No need na, sir. Tapos na po naming idikit ‘yong mga posters. You can check them on first floor, sir,” sagot ko naman sa kanya habang nakangiti. Tumango-tango naman siya at ibinalik ang tingin sa dala-dala niyang notebook. Kinabahan tuloy ulit ako dahil do’n.
“Well, anyways, nagkausap-usap na kami nila Miss Valerie and Angel regarding this. Our company asks each department to take a turn providing a topic once a month. The company's decorations will then be set up based on the theme chosen by our department, the fashion department,” he said.
“Yes, sir,” sagot ko naman sa kanya para lang ipaalam na naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Hindi naman siya nagtanong at itinuloy na ang sinasabi niya kaya naman nanatili akong nakikinig sa kanya.
“And this month, I was considering delegating the communications for this issue to you. What do you say?” tanong niya kaya naman saglit akong natigilan. Naiintindihan ko ‘yong mga sinabi niya kaya lang ay hindi masyadong ma-process ng utak ko ang mga impormasyon na narinig ko.
Hindi tuloy ako makasagot kaagad dahil pilit ko pang iniitindi ang mga sinabi ni sir Mark. At matapos ang ilang minutong pag-iisip ay muli akong bumalik sa realidad at saka ko lang napansin na kanina pa pala hinihintay ni sir Mark ang sagot ko.
“Sure, sir. Thank you so much for giving me this chance,” nakangiting sagot ko sa kanya.
“Great! Then, sa’yo ko na ipagkakatiwala ang project na ‘to, okay?” he asked kaya naman tumango ako.