Chapter 21

1861 Words
Pagdating sa bus station ay hindi rin naman ako nakasakay kaagad dahil may pila. Gusto ko na sana na kumain na muna para pag-uwi ko ay matutulog na lang ako, kaya lang ay mas matatagalan akong makauwi kung aalis pa ako sa pila ngayon dahil rush hour. Ilang minuto pa lang akong naghihintay pero gusto ko nang makauwi kaagad dahil inaantok na talaga ako. Habang nakapila nga ay nag-aabang na rin ako ng taxi, para kung sakali ay magta-taxi na lang ako pauwi. Wala namang kaso sa akin kasi ang pamasahe, ang gusto ko lang makauwi na ako. Kaya lang ay wala ring taxi na available, kung may dumadaan man ay may pasahero na. Kaya naman wala rin akong choice kung hindi ang maghintay na makasakay talaga. Kung alam ko lang na aabutin ako ng ganito katagal sa paghihintay ay sana pala talaga nag-drive na lang ako. Pwede naman kasi na magpahinga muna ako saglit at saka ako magmaneho pauwi. Kanina pa ako papikit-pikit talaga, nararamdaman ko na rin kasi ‘yong pabagsak-bagsak ng ulo ko. Mukhang bagong talent ko na rin ata ang matulog habang nakatayo. Papapikit na sana ulit ako ng biglang may humintong bus sa pwesto namin kaya naman parang nabuhayan ako. Hindi pa naman gano’n kapuno ‘yong bus kaya naman paniguradong makakasakay ako, kaya naman inayos ko na ang sarili ko at dahan-dahan na naglakad habang papalapit ako sa pintuan. Nang matuntong ko ang paa ko sa loob ng bus ay parang nakahinga naman ako ng maluwag dahil makakauwi na rin ako sa wakas. Pagkaupo ko ay hindi ko magawang pumikit kahit na inaantok ako, baka kasi mamaya ay kung saan ako makarating ng hindi ko namamalayan. Kaya ko pa naman tiisin ang antok ko kaya naman pipigilan kong makaidlip hanggang sa makarating ako sa apartment. Hindi rin naman ako aabutin ng mahigit isang oras sa byahe dahil hindi naman gano’n kalayo ang tinutuluyan ko. Tinatamad naman akong ilabas ang cellphone ko, kaya naman para hindi masyadong mainip ay hindi ko maiwasan na pagmasdan ang lahat ng kasabay ko sa jeep. Ewan ko ba, nasanay na talaga ako na pagmasdan ang mga tao sa paligid ko. Sabi nga nila dapat daw ay nag-detective ako dahil masyado akong ma-obserba, pero hindi naman aabot sa point na gano’n. Gusto ko lang talagang pagmasdan ang mga tao o bagay na nasa paligid ko. Kapag tinitignan ko kasi sila ay pakiramdam ko nalalaman ko ang istorya nila kahit hindi naman. Wala lang, ang sarap lang kasi sa pakiramdam na pagmasdan ang paligid mo, nare-relax kasi ako kapag ginagawa ko ‘yan, gumagaan ang pakiramdam ko. At 'yong mga kasabay ko ngayon dito sa bus ay mga kapwa ko empleyado. Hindi dahil sa iisang kompanya kami nagta-trabaho, kung hindi, lahat kami ay empleyado. Mga empleyado na kailangang kumayod para may maipambayad ng bills, maibigay sa pamilya, may maipanggastos sa araw-araw, at kung ano-ano pa. For many people, work might signify different things. Ako, kahit hindi naman ako mag-trabaho ay mabubuhay pa rin ako. Hindi dahil mayaman ako, kung hindi ang pamilya ko. Kahit na mag-travel pa ako every day ay ayos lang dahil mayaman naman ang pamilya ko, pero hindi ako. I started working out of desire, but I believe that with time, luxury turned into my necessity. Dahil na rin siguro lumaki ako sa mayamang pamilya, nasanay ako na nabibili ko ang mga bagay na gusto ko kahit na hindi ko kailangan. Gusto ng pamilya ko na mag-trabaho ako sa kompanya namin, pero ako, ayoko. Gusto kong matutong tumayo sa sarili kong paa. Alam ko naman na hindi kami magiging mayaman habang-buhay, kaya naman mas mabuting may alam ako sa buhay. 'Yon nga lang ay mahirap talang mabuhay, mahirap mag-trabaho. I think that no matter how much money I make, it will never be enough because I will always need something else. Like for my needs and wants. Kaya naman no'ng first time kung umalis sa bahay para bumukod, sobrang nahirapan ako. Bukod sa hindi enough 'yong pera na meron ako para maka-survive ay nahirapan din akong maghanap ng work. However, I am aware that difficulties and challenges will always be a part of life. There will be issues you must deal with regardless of who you are, where you are from, or what your work may be. During the first year na bumukod ako, every day is like a trial that I must overcome, and if I can't handle life's pressure, it will stress me out for the rest of my life. At kung sakali man na sumuko ako no’ng mga panahong ‘yon, paniguradong ipapamukha sa akin ng pamilya ko ang maling desisyon ko. Sabi nga ni Josh McDowell, 'no matter how devastating our struggles, disappointments, and troubles are, they are only temporary. No matter what happens to you, no matter the depth of tragedy or pain you face, no matter how death stalks you and your loved ones, the resurrection promises you a future of immeasurable good.' Pero in the end, iniisip ko na lang na gusto lang nilang hindi ako mapahamak. We all, however, have encountered individuals who have seriously hurt us. And we must avoid those people at all costs because they will eventually rob you of your life. Sa lalim ng iniisip ko ay muntik pa akong makalampas, mabuti na lang at may nag-para kaya naman nakisabay na ako pababa. Medyo may kadiliman na ‘yong kalsada dahil dis oras na ng gabi at wala rin kasing ilaw ‘yong ibang poste, pero mabuti na lang at maliwanag pa rin kahit papano. Hindi ko tuloy maiwasan na kabahan habang naglalakad dahil wala na masyadong tao kahit na maaga pa naman. Puro apartment din kasi ang mga bahay dito kaya naman sobrang tahimik ng lugar. Karamihan kasi talaga ng nakatira rito ay nagta-trabaho at madalas na wala sa bahay, at kung uuwi man ay gabi na rin. Habang naglalakad ay natanaw ko ‘yong convenient store sa hindi kalayuan. Ngayon ko lang naalala, may malapit pala na convenient store rito kaya naman makakakain muna ako. Habang naglalakad papunta sa kabilang kanto ay pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Hindi ko makita kung sino dahil nasa likuran ko siya, natatakot naman ako lumingon dahil baka mamaya ay bigla na lang akong masaksak, na ‘wag naman sanang mangyari. Kanina ko pa talaga napapansin na nakasunod siya sa akin sa pagbaba pa lang ng bus, pero hindi ko masyadong pinansin kasi akala ko parehas lang kami ng dadaanan. Kaya lang ay no’ng magbago ako ng daan ay nakasunod pa rin siya kaya naman malakas ang kutob ko na sinusundan niya talaga ako. Pero hindi ako nagpahalata na alam ko nang nakasunod siya. Pasimple akong luminga-linga sa paligid pero walang ibang tao, kung meron man ay malayo sila sa pwesto ko. Ilang metro na lang din naman na ang layo ko sa convenient store, makakampante lang ako kung makakarating ako ro’n dahil may mga tao na nando’n ngayon. Kaya lang kapag tumakbo ako ay paniguradong mahahabol niya agad ako, ang bagal ko pa naman tumakbo. Wala akong choice kung hindi ang bilisan na lang ang paglalakad. Pero pa-simple lang din para hindi niya agad mapansin. At kahit hindi niya nakikita ay hinilot-hilot ko ang tiyan ko at saka nagsalita. “Nagugutom na ako,” medyo malakas na sabi ko para marinig niya. Pagkatapos no’n ay mas binilisan ko pa ang lakad ko. Parang lakad-takbo na nga ang ginagawa ko. Hindi ko man siya nakikita ay nararamdaman ko na bumilis din ang paglalakad niya, kaya naman last option ko na ‘to, tatakbo na talaga ako. Pero bago pa man ako makatakbo ay may humawak sa balikat ko kaya naman agad-agad akong napaupo habang nakayakap sa sarili ko. “Cheska!” narinig kong tawag no’ng lalaki sa pangalan ko pero hindi ako nag-angat ng tingin. Ito na ba ang katapusan ko? Alam niya ang pangalan ko kaya naman paniguradong matagal na niya akong sinusundan. “Hoy, tumayo ka nga r’yan, para kang ewan,” sabi pa no’ng lalaki. Agad namang napakunot ang noo ko dahil parang pamilyar ‘yong boses no’ng lalaki, kaya naman dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at bumungad sa akin ang mukha ni Nicholai. At dahil do’n ay tuluyan na akong napaupo sa sahig habang hawak-hawak ‘yong dibdib ko. Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa sobrang t***k. Grabe ‘yong kaba at takot ko dahil hanggang ngayon ay ang bilis ng t***k ng puso ko at medyo nanginginig pa ako. At mukhang napansin naman ‘yon ni Nicholai dahil lumuhod siya para maging magkapantay kami. “Hey! Ayos ka lang ba? Masyado ba kitang nagulat?” nag-aalalang tanong niya. Gusto ko sanang sabihin na ayos lang ako, kaya lang ay hindi ko magawang magsalita kaya naman umiling lang ako. Hindi ko alam kung naiinis ba siya sa akin dahil ginulo niya ang buhok niya, pero inalalayan niya naman akong tumayo. Akala ko pa kung saan kami pupunta pero dumiretso lang kami sa may convenient store. Sumunod na lang din ako sa kanya dahil dito rin naman ang punta ko. “Dito ka na lang, ako na ang bibili ng pagkain,” sabi niya at pumasok na agad sa loob. Hindi na rin naman na ako nag-reklamo pa dahil napapagod na rin naman na ako. Medyo okay naman na rin ako, masyado lang ata talaga akong nagulat kanina kaya naman na-speechless ako. Nakakaloka naman kasi, sino ba namang hindi kakabahan sa nangyari. Akala ko talaga ay may kung sinong sumusunod sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay bigla akong nabuhayan ng dugo dahil hindi na ako inaantok pero nagugutom na talaga ako. Sakto naman ay lumabas na si Nicholai na may dala-dalang pagkain. Medyo marami pa nga ‘yong dala niya, hindi ko tuloy alam kung paano namin mauubos na dalawa ‘yon. Pero hindi naman na ako nag-reklamo pa at agad na kumain ng mailapag niya sa mesa ang tray. “Hindi ka kakain?” tanong ko sa kanya ng mapansin ko na nakatingin lang siya sa akin. “May kasalanan ka pa sa akin ah, hindi ko ‘yon makakalimutan,” sabi ko pa sa kanya pero hindi naman niya pinansin ‘yon. “Sa’yo lang ‘yan,” sagot niya kaya naman napakunot ang noo ko sa kanya. Excuse me, akin lang? Eh ang dami-dami kaya nito, hindi naman ako gano’n kagutom para maubos lahat ng pagkain na binili niya. Napasimangot tuloy ako sa kanya at saka ibinaba ang tinapay na kinakain ko. “Eh? Hindi ka naman pala kakain, sana kaunti na lang binili mo, hindi ko ‘to mauubos,” reklamo ko sa kanya. Kumain naman kasi ako kanina kaya hindi ako super gutom, saktong gutom lang dahil hindi pa ako nakakapag-dinner. “Ipa-takeout na lang natin ‘yong iba,” sabi ko pa. Sayang naman kasi. “Fine! Basta kumain ka ng marami,” mando niya pa pero hindi ko na siya pinansin pa, bahala siya r’yan. Naalala ko na nagtatampo nga pala ako sa kanya kaya naman hindi ko muna siya kakausapin. Hihintayin ko na siya ang kusang magsabi kung bakit hindi siya nagparamdam ng ilang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD