Chapter 20

1790 Words
Matapos kong i-double check ang mga nagawa ko ay agad kong hinanap ‘yong lalaki na nagbigay nitong laptop sa akin. Nang makita ko siya ay nagda-dalawang isip pa ako kung lalapitan ko siya o hindi muna dahil may kausap pa siya. Pero para makaalis na agad ako ay tuluyan na akong lumapit sa pwesto niya. “Excuse me,” pagtawag ko sa atensyon niya kaya naman agad siyang napatingin sa akin. “Nagawa ko na ‘yong pinapagawa mo, pa-check na lang no’ng File B kung okay,” sabi ko at ibinalik sa kanya ang laptop. “Sige sige, check ko, thank you,” sagot naman niya at saka kinuha ‘yong laptop at umalis na. Sunod ko naman na hinanap ay ‘yong babaeng nagpa-proofread sa akin. Inabot pa nga ako ng ilang minuto bago ko siya makita dahil palakad-lakad ang mga tao kaya naman hindi ko agad siya napansin. Agad naman akong lumapit sa kanya para maipasa na rin ‘tong nagawa ko. Kailangan ko rin kasi silang makausap tungkol sa monthly event ng company dahil ‘yon naman talaga ang pakay ko. Baka kasi mamaya ay magtaka na si sir Mark bakit sobrang tagal ko rito, gayong makikipag-usap lang naman dapat ako. “Miss, here’s the file you asked me to proofread,” wika ko at saka ibinigay sa kanya ‘yong mga papel. “Good, thank you,” sagot naman niya at saka mabilis na tinignan ang ginawa ko. “Do you know where the downstairs coffee shop is? The one you see when you walk through the door?” tanong niya kaya naman tumango-tango ako. Akala ko pa naman ay makakaalis na ako pero may inabot ulit siya sa akin na papel kaya naman agad kong binasa ang nakasulat. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya dahil hindi ko makuha kung ano ang dapat kong gawin dito sa listahan. “Go down and inform the staff at the coffee shop that you are from SelfSteem. For our photo shoot, we made a reservation for 30 cupcakes there. Send it to our photo studio on the 15th floor after that, okay?” “Huh?” naguguluhang sabi ko pa pero mukhang hindi naman niya narinig. “Go ahead, then. Thank you for your hard work.” “But I need to talk to someone regarding this month’s—“ “Everyone’s waiting for the cupcake. Let’s talk later,” sagot naman niya kaya wala na akogn nagawa kung hindi ang bumaba. Habang pababa ay bigla akong napaisip kung ano bang ginagawa ko sa buhay ko. Akala ko ay busy na ang mga tao sa department namin dahil sa dami ng kailangang gawin, pero mas busy pa pala ang mga nasa Editorial Department. Ilang oras pa lang akong nando’n pero parang pagod na agad ako para sa buong araw. Pagdating ko sa coffee shop ay naka-ready naman na ang mga cupcakes kaya naman hindi na ako naghintay pa ng matagal. Mabuti na lang din at maayos ang pagkakabalot nila kaya naman hindi ako mahihirapan bitbitin ang mga ‘to. Dala-dala ang tatlong paper bag ay dumiretso na agad ako sa 15th floor para ihatid ang mga cupcakes. Pag-akyat ko ay medyo nalito pa ako kung nasaan ang studio, mabuti na lang at may pangalan ang bawat kwarto kaya naman hindi ako naligaw. At dahil nakabukas naman na ang pinto ay dire-diretso na lang ako sa pagpasok. Mukhang abala rin naman ang lahat dahil nga sa nagaganap na photo shoot. Nang makarating sa gitna ay natigilan ako, hindi ko maiwasan na mapa-wow sa ayos ng set. Nakakita na ako kung paano 'yong ayos sa mga set, pero ito kasi ang unang beses na mapanood ko ng live ang ginagawa sa mga photo shoot. Sa gitna ay may malaking harang na may mga bulaklak sa gilid at kung ano-ano pang disenyo, habang nasa gitnan no’n ‘yong mga model na abala naman sa pag-pose. Sa harapan naman nila ay ‘yong photographer na todo kuha ng larawan nila. At ‘yong iba naman ay busy sa pag-aayos ng mga props na gagamitin, sa mga wire, sa damit na susuotin ng mga model, at kung ano-ano pa. Pakiramdam ko tuloy ay ako ang napapagod sa ginagawa nila kahit na nakatingin lang naman ako sa kanila. At bago ko pa makalimutan kung ano ang pakay ko ay agad akong lumapit sa tatlong babae na nag-uusap para sana iabot ‘yong cupcake. Kaya lang ay hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa pwesto nila ay umalis na rin sila kaagad. Sunod na nilapitan ko naman ay ‘yong nag-aayos ng wire kaya lang ay pinaurong niya ako dahil natatapakan ko pala ‘yong isa sa mga wire na inaayos niya. Hindi ko na tuloy alam kung sino ang pwedeng kausap tungkol dito sa cupcake na dala-dala ko. Kung pwede ko lang sana iwan ‘to rito sa kung saan kaya lang ay ayokong mawalan ng trabaho. “Hello, ibibigay ko lang sana ‘tong cupcakes para sa shoot—“ bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay umalis din agad ‘yong lalaki na dapat kausap ko. Napabuntong hininga na lang ako sa nangyari. Pati ba naman dito ay hindi pa rin ako patatapusin sa pagsasalita. Imbes na mainis ay napatingin na lang ulit ako ro’n sa mga model pero saglit lang din akong tumingin sa kanila dahil napunta naman ang atensyon ko sa mga pictures nila na nasa screen. Hindi ko tuloy maiwasan na mamangha dahil ang ganda ng kuha. Kahit na ang bilis mag-iba ng pose ng model ay nakukuha pa rin ng maayos ng photographer ‘yong pictures nila. Parang na-excite tuloy ako na makita sa magazine ‘yong magiging final output ng shoot na ‘to. “And, cut! Let’s rest for ten minutes,” narinig kong sigaw. Mukhang ‘yon ata ‘yong director o head nitong shoot. “Nasaan na ‘yong mga cupcakes? Wala pa rin ba hanggang ngayon?” narinig kong sabi niya pa kaya naman dali-dali akong lumapit sa kanya. “Here’s the cupcake,” wika ko at ipinakita sa kanya ang dala-dala ko. “Why did you wait so long to say so? Bring them over to the models quickly,” naiiritang wika niya. Pakiramdam ko tuloy ay parang kasalanan ko pa na ngayon lang ako nagsabi, eh wala nga akong makausap kanina dahil lahat sila ay busy. “Sorry,” nasabi ko na lang. “Anyone who can fix this? Pakiayos na nitong cupcakes.” “Sir,” sagot no’ng isang lalaki at saka mabilis na lumapit sa pwesto ko. “Akin na, ako na ang bahala,” at saka niya kinuha ang mga cupcakes. “Pasensya na,” sabi ko paulit pero ngumiti lang naman siya at nagpasalamat. At dahil nabigay ko na ‘yong cupcakes at wala naman na akong gagawin ay lumabas na rin ako ng studio. Baka mamaya kasi ay masermunan pa ulit ako kapag nagtagal pa ako ro’n. Hanggang sa paglabas ko naman ay abala ang lahat. ‘Yong iba pa nga ay ang daming dala-dalang damit at mga props. Parang dapat pa pala akong magpasalamat na sa Fashion Department ako napunta hindi sa Editorial at sa department na ‘to. Kung sakali kasi ay baka araw-araw akong stress dahil sa trabaho. Though, hindi naman talaga maiiwasan na hindi ma-stress dahil sa work, pero ibang level ata ‘yong sa department nila. Pagbalik ko sa opisina ay sakto naman na wala si sir Mark kaya naman hindi ko pa kailangan mag-explain ngayon kung anong nangyari sa dapat na meeting ko with editorial team. Pagupo ko sa pwesto ko ay saka ko alng din naalala na may ibang dapat pa pala akong tapusin kaya naman ginawa ko na lang ang mga ‘yon. Hanggang sa mabilis na natapos ang araw ay naghanda na rin ako pauwi. Hindi ko naman kailangan mag-overtime ngayon dahil pwede ko pa naman tapusin ‘yong task ko bukas. Isa pa ay hindi pa naman gano’n ka-busy dito sa department namin kaya naman maaga pa kaming makakauwi. Habang nag-aayos ng gamit ay bigla kong naisip na daanan si Hershey mamaya, kaya lang ay ‘wag na lang pala. Hanggang ngayon kasi ay nahihiya pa rin akong humarap sa kanya, though, nakakapag-usap naman kami sa chat, pero matapos kasi ‘yong araw na inihatid siya ni Nicholai ay hindi pa kami nagkikita ulit. Mukhang busy din naman kasi siya sa trabaho niya dahil hindi ko pa siya nakakasalubong. Nahihiya akong makita siya kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na may iba nang gusto si Nicholai. Kung alam ko lang din na may gusto nang iba si Nicholai ay sana pala hindi ko na sila ni-push sa isa’t isa, kaya lang ay no’ng nakaraan ko lang naman nalaman. Marami atang ganap ngayong linggo na ‘to ang love of my life ko, ilang araw ko na rin kasi siyang hindi nakikita. Hindi naman pwede na basta-basta akong pumunta sa opisina niya dahil wala naman akong pakay do’n, baka isipin niya pa na weirdo ako, kaya ‘wag na lang. “Bettany, gusto mo bang kumain?” tanong ko sa katabi ko. Gusto ko kasi sanang kumain muna bago umuwi, sakto rin naman na hindi ko pa siya nakakasabay kumain kaya naman gusto ko siyang i-treat. “Libre ko,” nakangiting sabi ko pa sa kanya. “Mukha bang gusto kitang kasabay kumain?” mataray na sabi niya at saka tumayo. “Mukha bang wala akong pera?” dagdag niya pa at tuluyan nang umalis. Nakatingin lang tuloy ako sa kanya hanggang sa hindi ko na siya makita. Gustuhin ko mang magalit sa sinabi niya ay hindi ko magawa dahil alam ko naman na gano’n talaga siya. Kaya lang ay hindi ko maiwasan na malungkot dahil parang ayaw niya talaga sa akin. Gusto ko pa naman sana na maging kaibigan siya kaya lang ay ayaw ko naman siyang pilitin kung ayaw niya sa akin. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nagpaalam na ako sa kanila, may ilan kasi na maiiwan pa, mukhang hindi pa sila tapos sa trabaho nila. Nang tumayo ako ay biglang sumakit ang likod at balikat ko, hanggang sa maglakad ako ay parang sumasakit din ang ibang parte ng katawan ko. Ewan ko ba kung bakit biglang sumakit ‘tong katawan ko, hindi naman gano’n ka-grabe ‘yong mga ginawa ko ngayong araw. Para tuloy pagod na pagod ako. Nang makarating ako sa baba ay sa may sakayan ng bus ako dumiretso imbes na sa parking lot. Inaantok na rin kasi ako kaya naman mas okay na mag-commute na lang ako kaysa mag-maneho mag-isa. Baka mamaya pa ay makatulog ako habang nagma-maneho, so dapat ay safety first.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD