Chapter 19

2360 Words
Ilang araw na ang nakalipas simula no’ng huli kaming mag-usap ni Nicholai. No’ng gabing pumunta kasi siya sa apartment ko ay umalis din siya pagkatapos naming mag-usap. Nag-text pa nga ako sa kanya kinabukasan, kaya lang ay hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam. Hindi ko tuloy matukoy kung may problema ba siya o kung ano. Plano ko nga sana na dumaan sa opisina niya, kaya lang ay nagkataon din na naging sobrang busy ako nitong mga nakaraang araw kaya naman hindi ko na nagawa pang dumaan sa kanya. Ilang beses ko rin siyang sinubukan tawagan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko kaya naman itinigil ko na rin muna ang pangungulit sa kanya. Baka mamaya kasi ay busy lang siya kaya hindi makapag-reply o makatawag. Sa ngayon ay kailangan ko munang mag-focus sa mga gawain ko. Mabuti na lang at naipasa ko na kahapon ‘yong nagawa kong sketches kay Miss Valerie kaya naman kahit papano ay nabawasan ang gawain ko. Ngayon ay hihintayin ko na lang kung anong feedback niya tungkol sa nagawa ko. Confident naman ako sa mga gawa ko, kaya lang ay sana magustuhan din niya. Itinuloy ko na ‘yong kanina ko pang ginagawa, natigil kasi ako sa paggawa dahil kay Nicholai. Nakakainis naman kasi ‘yong lalaking ‘yon, bigla-bigla na lang hindi nagpaparamdam, hindi tuloy ako mapakali. Pero bahala na siya, malaki naman na siya. Mas kailangan kong mag-focus ngayon dahil ngayong araw ang deadline nitong ginagawa ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tapos. Nang tignan ko ang orasan ay saka ko lang napansin na mahigit isang oras na rin pala ang nakalipas. Mabuti na lang at tapos ko na ‘tong pinapagawa ni sir Mark kaya naman ipapasa ko na lang sa kanya ngayon. Bago magpasa ay inayos ko muna ‘yong ginawa ko at saka ako lumapit sa pwesto niya. "Sir," tawag ko sa kanya kaya naman agad siyang napatingin sa pwesto ko. “Yes, Cheska?” sagot niya. Saglit naman niyang itinigil ang ginagawa niya para humarap sa akin. “I have already finished the proposal you wanted me to set up, sir. They are all listed here,” wika ko sa kanya at saka inabot ang proposal na nagawa ko. “That fast? Your productivity is truly really great,” papuri niya kaya naman ngumiti na lang ako. Kinuha naman niya ‘yon sa akin at mabilis na in-scan ang mga nakalagay. Hindi ako magaling mag-take ng mga compliment kaya naman kapag pinupuri ako ay bigla akong nahihiya, hindi ko kasi alam kung paano sasagot sa kanila. Pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi ko na-appreciate ‘yong papuri nila, nahihiya lang talaga ako kapag gano’n. “This looks good the way it is,” dagdag niya pa kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Hindi rin kasi ako gano’n kasigurado sa nagawa ko dahil kung ano-anong iniisip ko kanina. Buti na lang at maayos ang naging kinalabasan ng gawa ko. “Thank you, sir,” I said. Magpapaalam na sana ako para bumalik sa pwesto ko kaya lang ay muli siyang nagsalita kaya naman nanatili lang ako sa pwesto ko. “Ah, right. Our department and the Editorial Department have been given the responsibility of planning the company's decorating scheme this month. Remember to let them know what will be needed,” he said. “Okay, sir. I'll head over there right away,” sagot ko at saka nagpaalam na sa kanya. Editorial Department pala ang nagha-handle rin ng mga event na meron ang company. Pangalan pa lang department ay pakiramdam ko napapagod na ako. Buti na lang talaga at sa Fashion Department ako napunta. Feeling ko kasi ay sobrang paguran ang ganap sa department na ‘yon. Habang nag-aayos ay napansin ko na may parang nakatingin sa akin kaya naman bumaling ako sa gilid ko para kumpirmahin ang hinala ko. At hindi nga ako nagkamali dahil may nakatingin sa akin. Nagkatinginan kami ni Bettany pero pinagtaasan niya lang ako ng kilay kaya naman nag-iwas na ulit ako ng tingin. Hindi ko na lang siya pinansin pa at dumiretso na papunta sa Editorial Department. At dahil nasa itaas na floor lang naman ang department nila ay naghandan na lang ako paakyat. Sayang kasi sa oras kung mage-elevator pa ako, mas matatagalan lang ako. Pag-akyat ko ay medyo nagtaka pa nga ako kung nasa tamang floor ba ako. Ngayon lang naman kasi ako nakarating sa floor na ‘to kaya naman hindi ako sigurado kung tama ba ‘tong pinuntahan ko. Pero isang floor lang naman kasi ang inakyat ko kaya malamang ay dito na nga ang Editorial Department. Kung gano’n ay nasaan ang mga tao rito? Wala man lang kasi akong makitang empleyado sa hallway. Wala rin ibang pinto bukod sa nasa kabilang dulo. Parang gusto ko na lang tuloy bumalik ulit sa baba para magpasa, pero nandito naman na ako kaya naman itutuloy ko na. Dahan-dahan pa akong naglakad papunta sa kabilang dulo dahil baka mamaya ay kung ano ang lumabas mula ro’n kaya naman mabuti nang maingat. Hindi naman sa matatakutin ako, kaya lang ay ang tahimik masyado sa floor na ‘to kaya naman hindi ko maiwasan na kabahan. Habang papalapit ako nang papalapit sa kabilang dulo ay may naririnig akong mahihinang ingay. Mas lalo tuloy akong nagtaka kung ano ‘yong ingay na naririnig ko. Paniguradong sa may dulo ‘yon nanggagaling dahil ‘yon lang naman ang may pinto rito. Hanggang sa makarating ako sa dulo ay nagda-dalawang isip pa ako kung papasok na ba ako o babalik na lang mamaya. Kaya lang, bago pa man ako makapagpasya ay kusa nang bumukas ang pinto. Medyo nagulat pa ako dahil akala ko may nagbukas, ‘yon pala ay automatic ang pagbukas nito. At dahil nakabukas na rin naman na ang pinto ay pumasok na ako sa loob. At kabaliktaran sa iniisip ko ang nakikita ko ngayon. Malawak ‘yong opisina nila, kaya lang ay hindi gano’n karami ‘yong empleyado ngayon rito, depende na lang kung may kulang sa kanila. Pero kung titignan ay parang ang kaunti nila para sa Editorial Department. “Henry! Bilis! Open those files you have in a hurry. I need you to confirm it,” narinig kong sigaw ng kung sino man. Lahat kasi sila ay abala sa kani-kanilang ginagawa na parang nagkakagulo pa nga. Hindi ko tuloy alam kung sino ang lalapitan para kausapin tungkol sa pinapagawa sa akin ni sir Mark. “Uhm, excuse me—“ hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil agad din umalis ‘yong babae na pagtatanungan ko sana. Naiwan tuloy akong nakatayo sa gitna. Nang ilibot ko ang paningin ko ay parang natataranta pa ang lahat, kaya naman imbes na madagdag pa ay nagpasya na lang ako na bumalik na lang mamaya, para hindi rin muna ako makaabala sa kanila. Kaya lang bago pa man ako makaalis ay may biglang tumawag sa akin. "Hey, bago ka lang ba rito?" tanong niya. Pero hindi na rin ako nakasagot pa dahil muli siyang nagsalita. “Well, take this nonetheless. It needs to be proofread. Make a note of the critical sections. I had to have it now. Hurry and do it now.” “Hindi ako—“ at hindi ko na naman natapos pa ang sasabihin ko dahil may lumapit ulit sa akin na isa pang babae. "Bago ka lang, right? Photocopy this, please,” at agad niyang binigay ‘yong dapat kong i-photocopy. Hindi ko na magawa pang tumanggi dahil umalis din siya agad. Naguguluhan tuloy ako kung anong gagawin ko gayong hindi naman ako naka-assign sa department na ‘to. Alam kong mali ‘tong gagawin ko pero ito lang ang naiisip ko na idea para makalabas sa department na ‘to. Busy naman silang lahat kaya paniguradong hindi nila ako mapapansin. Ngayon ay kailangan ko na lang galingan sa pagtakas para walang makapansin sa akin. Kaya lang ay hindi ko pa naihahakbang ang paa ko ng biglang may nakapansin na naman sa akin. “Why have you remained here? Do it quickly,” sita niya sa akin. Siya ‘yong babae na nagpapa-proofread sa akin. “I’m only here for this month’s—“ “Okay, okay,” pagpuputol niya ulit sa dapat na sasabihin ko. “Let me explain. This is how it is. Proofread everything you don't understand. You must use a red circle to mark it for me after proofreading it and being aware of the errors, particularly those that are extremely clear. Okay? Use red to circle the errors, okay?” At sa pangalawang pagkakataon ay umalis na naman siya at iniwan akong nakatulala. Hindi pa nga napa-process ng utak ko ‘yong sinabi ng babae ay may lumapit na naman sa akin na lalaki. “Newbie? Take a seat,” he said at inabutan ako ng laptop. “There are files for the blank areas of two documents on File A beneath the file recording. Please carry out a comprehensive file search. The quicker, the better. Thank you.” Pagkatapos sabihin ‘yon ay bigla na lang din siyang umalis at pumunta sa kung saan. Pakiramdam ko tuloy ay parang magkakasakit ako dahil sa dami ng pinapagawa nila sa akin. Pero imbes na umpisahan ang mga ‘yon ay inilapag ko sa mesa ‘yong folder at laptop at saka hinanap ‘yong babae para makausap. "Uhm, excuse me. Actually, I am from Fashion Department and I came here to—“ “Why don't you do it already? Edit it as soon as possible. They are all waiting for you,” pagputol niya ulit sa sasabihin ko. Hindi naman na ako sumagot pa dahil siguradong akong hindi ko rin naman matatapos ang sasabihin ko. Napapikit na lang ako at saka huminga ng malalim para ikalma ang sarili ko. Mukhang ang tanging paraan lang para makausap ko sila ng maayos ay kapag natapos ko ang pinapagawa nila. Dapat pala ay hindi ako masyadong natuwa kanina na nabawasan ‘yong mga gawain ko. Ayan tuloy bigla akong binagyo ng mga task. At kaysa naman mag-reklamo pa ay sinimulan ko na silang gawin. Binuksan ko na ang laptop na nasa harapan ko para makapag-simula. At dahil naglo-loading pa naman ay nag-photocopy na muna ako, para hindi sayang ang oras ko habang naghihintay. Pagkatapos no’n ay hinanap ko ‘yong babae na nagpaggawa sa akin nito at binigay ko na sa kanya lahat ng kopya. Okay, one down. Sunod ko naman na ginawa ay ‘yong pag-aayos ng file. Akala ko ay mahihirapan pa akong gawin ‘yon pero kakaunti lang naman ‘yong mga files kaya naman saglit lang din ay natapos na ako. At sunod kong ginawa ay ‘yong pag-proofread dahil kailangan na raw ito agad. Hindi naman ako nahirapan na mag-proofread dahil hindi naman gano’n karami ‘yong errors. Mabilis lang din akong natapos dahil hindi rin naman gano’n kahaba ‘yong file. “Hey. Why do I still have the impression that we met somehow?” agad naman akong napaangat ng tingin dahil sa nagsalita. Napangiti naman ako ng matandaan ko siya. “Feeling ko talaga ay nagkita na tayo before, hindi ko lang matandaan kung saan,” dagdag niya pa. “We met each other downstairs, few days ago,” sagot ko naman. “Ah, ‘yong coffee,” napatango-tango naman ako sa sinabi niya. “Okay, mukhang busy ka, maiwan na kita,” paalam niya at saka umalis na. Kung gano’n ay dito pala ang department niya. In-expect ko na magkikita ulit kami, pero hindi ganito kabilis. Buti na lang hindi na niya binaggit pa ‘yong nangyari kaya naman hindi masyadong nakakahiya. Bigla ko tuloy naalala ‘yong nangyari no’ng araw na ‘yon. Kanina pa pala tapos ang lunch break at hanggang ngayon ay nasa baba pa rin ako. Masyado kasi akong nalibang sa pagbabasa kaya naman hindi ko napansin ang oras, ang komportable rin kasi ng pwesto ko sa coffee shop kaya naman hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Ilang oras na akong wala sa office kaya naman baka mamaya ay hinahanap na ako. Wala pa naman akong nare-receive na kahit anong text o tawag kaya lang ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi kabahan. Dala-dala ‘yong libro at kape ko ay nagmamadali akong umakyat. At dahil nagmamadali ako ay saka ko lang napansin na may tao sa harapan ko. Mabuti na lang at napahinto agad ako sa paglalakad bago ko pa man siya mabangga. Kaya nga lang ay natapon ‘yong kape na hawak ko dahil sa pag-iwas ko sa kanya. “’Yong coffee ko,” malungkot na wika ko. Sayang. Kabibili ko pa lang naman sa kanya tapos natapon agad. “Miss, you okay?” napatingin naman ako agad sa tumawag sa akin at saka ko lang naalala na muntik ko na nga pala siyang mabangga. “Ah, sorry. Natapunan ka ba?” tanong ko sa kanya pero umiling lang naman siya. Mabuti naman kung gano’n. Mukhang may sasabihin pa sana siya kaya lang ay saktong bumakas na rin ‘yong elevator kaya naman nagpaalam na agad ako sa kanya. “I’m sorry, hindi ko sinasadya. Sorry.” Hanggang sa magsara ang elevator ay nagtataka siyang nakatingin sa akin. Bahala na nga, hindi naman siya natapunan kaya naman wala akong atraso sa kanya, ‘yon nga lang ay ‘yong kape ko ang nagbayad dahil natapon siya. Imbes na alalahanin pa ‘yong nangyari kanina ay iniisip ko na agad kung anong gagawin ko sakaling mapagalitan ako. Naghanda pa nga ako ng ipapaliwanag sa isip ko pero wala namang nag-sermon sa akin hanggang sa makabalik ako. At dahil do’n ay nakahinga naman ako ng maluwag. Sa susunod talaga ay hindi na ako magdadala ng libro lalo na kung may trabaho. Sobrang nagandahan lang kasi ako sa story kaya naman gusto kong matapos kaagad. Pero last na ‘to, sa bahay ko na siya tatapusin. Hanggang sa matapos ang araw na ‘yon ay hindi ko na ulit siya nakita. Kung alam ko lang din na ito ang department niya, sana talaga ay tumanggi ako kay sir Mark.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD