Kanina pa ako nakatulala sa harap ng computer pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nasisimulan. Hanggang ngayon kasi ay gumugulo pa rin sa isip ko ‘yong mga sinabi ni Nicholai kagabi. Masyado rin kasi akong nabigla sa sinabi niya kaya naman hindi ako nakapag-react agad.
Pagkatapos ko kasing kumain ay hinatid niya pa ako hanggang sa apartment. Pinapasok ko naman siya dahil inihatid niya ako at siya na rin ang sumagot ng pagkain ko. Sabi ko pa nga sa kanya ay kahit dito na lang muna siya matulog dahil may extra naman na kwarto pero sabi niya ay uuwi rin siya.
Nagtataka man ay hinayaan ko na lang siya. Napansin ko na hindi naman siya kumain kanina kaya naman inalok ko siya ng inumin na agad naman niyang kinuha. Inaantok na talaga ako kanina pa pero biglang nawala ang antok ko dahil sa kanya. Ang seryoso niya kasi masyado, pakiramdam ko ay may kung ano siyang sasabihin kaya naman lumapit ako sa kanya at humarap.
“Anong problema?” agad na tanong ko sa kanya. Saglit naman niya akong tinignan bago siya nagsalita.
Gusto ko sana siyang pigilan sa pagsasalita dahil pakiramdam ko ay hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya, pero mas lamang sa akin na gusto kong malaman kung ano man ‘yon kaya naman hinayaan ko lang siya sa pagsasalita at nakinig lang ako sa kanya.
“Sorry,” panimula niya pero nanatili lang akong tahimik. “Sorry. Kailangan ko kasi munang mag-isip-isip kaya naman hindi ko sinasagot ang tawag mo.”
“Sana sinabi mo sa akin. Kung kailangan mo ng space hindi naman kita guguluhin. Nag-alala ako kasi akala ko kung anong nangyari sayo dahil ilang araw kang hindi nagparamdam,” sabi ko naman sa kanya. Wala naman kasing kaso sa akin kung gusto niyang mapag-isa.
Medyo nakaka-disappoint lang dahil magkaibigan kaming dalawa pero hindi niya man lang sinabi sa akin. Kung may problema naman siya ay maiintindihan ko naman. Pero ayos na ‘yon, tapos naman na at saka nag-sorry na rin naman na siya.
“Galit ka ba sa’kin?” tanong niya kaya naman umiling ako. “Totoo?” paninigurado niya pa kaya naman tumango ulit ako.
“Bakit naman ako magagalit sa’yo?” balik na tanong ko sa kanya pero hindi naman siya sumagot. “Anyway, sino na nga ‘yong sinasabi mo na gusto mo? Sinabi mo na lang na may gusto kang babae pero hindi mo naman sinabi kung sino,” pag-iiba ko ng usapan.
“Wala,” maikling sagot niya kaya naman napasimangot ako. “Siya nga pala, kaya ako pumunta dahil may sasabihin sana ako sa’yo,” seryosong sabi niya pa.
“Ano ‘yon?” kinakabahang tanong ko sa kanya. Mukhang ito talaga ang pakay niya kaya naman sinadya niya pa ako rito ng dis oras ng gabi kahit na pwede naman na kinabukasan kami mag-usap.
“I have a business to attend to in US. Nagka-problema kasi ‘yong branch namin do’n and they need executive na tutulong sa kanila,” he said. Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin kaya naman nakakunot lang ang noo ko. “At bukas na ang alis ko.”
“Okay,” nasabi ko na lang dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.
“Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Hmm, maybe after a few weeks? A month? Or maybe after a year.”
“Kailan mo pa nalaman?” tanong ko sa kanya.
“Last week, no’ng sinundo kita kasama ‘yong kaibigan mo,” sagot naman niya.
“Pero ngayon mo lang sinabi sa akin,” nasabi ko na lang.
Akala ko pa naman ay magkakaayos na kami. Teka, wala naman palang problema, hindi naman kami nag-away. ‘Yon nga lang bilang malapit na kaibigan niya, nakaka-disappoint na hindi niya agad nasabi sa akin. Sinabi niya lang kung kailan paalis na siya.
“Bukas na ang alis ko, 4 PM. I just wanted to say goodbye,” sabi niya pa. May sasabihin pa sana siya pero hindi ko na siya pinagsailita pa.
“Okay. Ingat ka sa byahe. See you soon, I think?” I said at tumayo na. “Inaantok na ako. Pakisara na lang ng pinto kapag aalis ka na,” wika ko at iniwan na siya sa sala.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong nag-lock ng pinto at napaupo na lang sa sahig. Naiinis ako. Hindi para sa kanya kung hindi sa sarili ko. Naiinis ako na sana pala ay sinulit ko ‘yong araw na nakasama ko siya. Ngayon tuloy ay hindi ko alam kung kailan kami magkikita ulit.
No’ng araw na ‘yon, sinabi na niya sa akin na gusto niya akong makausap, kaya lang ay pinilit ko siya na isabay namin si Hershey. Kung alam ko lang, sana ay nakinig ako sa kanya. Sana ay pinakinggan ko kung ano ang gusto niyang sabihin.
Edi sana ay nakapag-bonding pa kami bago siya umalis. Napasabunot na lang tuloy ako sa buhok ko dahil sa inis. Hindi ko naman siya pwedeng pigilan na umalis dahil may trabaho siya na kailangang gawin do’n. Nakakalungkot lang dahil aalis siya at hindi namin parehas alam kung kailan siya makakabalik.
Siya lang naman kasi ang kaibigan ko, kaya naman sobrang nalulungkot ako na aalis siya. Ngayon ko lang din na-realize na masyado pala akong nakadepende sa kanya. Kaya ito ako ngayon, hindi matanggap ang pag-alis niya.
Lalabas na sana ako para makipag-ayos sa kanya kaya lang ay narinig ko ang pagsara ng pinto kaya naman agad akong lumabas. Pagbukas ko ng pinto ay wala na akong nadatnan sa sala, nakaalis na siya. Nagda-dalawang isip tuloy ako kung susundan ko pa siya, pero sa huli ay hindi ko siya hinabol.
Kaya naman hanggang sa pagtulog ko ay masama ang loob ko. Hindi ko nga alam kung paano ako nakatulog agad pero siguro ay dahil na rin sa pagod, isa pa ay inaantok na rin naman na ako bago ako umuwi kagabi.
“Hey!” agad naman akong napatingin sa tumawag sa akin. “Kanina pa kita tinatawag pero you’re not listening,” maarteng sabi pa ni Bettany.
“Ah sorry, may iniisip lang,” hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatulala.
“Pinapatawag tayo ni Miss Valerie on her office, now na raw,” sabi niya pa kaya naman tumango na ako at sumunod sa kanya.
“Mauna ka na muna, susunod na lang ako, pupunta lang ako sa banyo sandali,” paalam ko sa kanya.
Hindi naman siya sumagot at nagpatuloy na sa paglalakad kaya naman dumiretso na ako sa banyo. Hindi rin naman ako nagtagal kaya naman dumiretso na rin ako agad sa opisina ni Miss Valerie dahil baka kanina pa siya naghihintay.
Pagpasok ko sa loob ay kausap niya pa si Bettany kaya naman nanatili lang ako sa gilid para hindi makaabala sa kanila.
“Miss Valerie, since you are already transferring someone, why not also transfer me to the Editorial Department?” narinig kong sabi ni Bettany.
“You stated previously that you only came here to get your card back and didn't actually work hard. Everyone is aware of this,” seryosong sagot naman sa kanya ni Miss Valerie.
“But even so. Isa pa, narinig ko kahapon na may ililipat na employee, kaya naman why not make it me? In the Editorial Department, I am confident that I can work effectively.”
Mukhang gusto ngang lumipat ni Bettany ng ibang department, pero hindi niya ba alam na paguran sa department na ‘yon? Kung nakita niya lang sana kahapon kung paano halos magkagulo ang mga tao sa paggawa ro’n ay baka siya pa ang kusang umayaw.
Saka saan naman niya nalaman na may ililipat? Wala naman akong naririnig na nag-uusap tungkol d’yan. Hindi ko tuloy maiwasan mapaisip kung saan niya nakukuha ang mga impormasyon niya.
“If you can work in that department, why not do some work in here first? Sige na simulant mo na ‘yang pinapagawa ko, babalikan kita mamaya,” sabi pa ni Miss Valerie at saka siya bumaling sa akin. “Cheska, come here.”
Mukhang labag pa sa loob niya ang pag-alis dahil nakasimangot siya pero wala naman na siyang nagawa pa kaya naman bumalik na siya sa loob. Paglabas ni Bettany ay agad akong lumapit kay Miss Valerie.
“Yes, miss. Why are you looking for me?” tanong ko sa kanya. Ang natatandaan ko ay wala pa naman siyang pinapagawa sa akin, o baka naman magbibigay din siya ng gawain sa akin kagay ng kay Bettany.
“You can be a sunshine and happiness wherever you go, right?”
“Po?” naguguluhang sabi ko. Hindi ko kasi makuha ang ibig niyang sabihin kaya naman nagtataka akong nakatingin sa kanya.
“Here,” sabi niya at may inabot na envelope sa akin. Kinuha ko naman ‘yon para basahin ang laman. “Today is your last day in this department,” sabi niya kaya naman bigla akong natigilan sa ginagawa ko.
“May nagawa po ba akong mali? Hindi po ba okay ‘yong mga design na nagawa ko?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Para tuloy akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Kung kailan nagugustuhan ko na ang trabaho ko rito ay saka pa ako mawawalan ng trabaho.
“No! What are you talking about? Iniisip mo ba na matatanggal ka sa trabaho?” sabi niya kaya naman agad akong napaangat ng tingin. “Oh my! Read that first, Cheska,” turo niya pa sa papel na hawak ko kaya naman agad kong binasa ang nakasulat do’n.
“Ililipat niyo po ako ng department?” nagtatakang tanong ko kaya muli akong napatingin sa kanya. Ang nakalagay kasi sa letter ay hindi dahil matatanggal ako sa trabaho, kung hindi ang pag-transfer ko sa Editorial Department.
“No, hindi ako ang nag-decide niyan. Someone requested you from that department and as you can see, your transfer was approved kaya naman simula ngayon ay hindi ka na part ng Fashion Department, but instead, you’re now a member of Editorial Team.”
Dapat ay masaya ako dahil hindi ako mawawalan ng trabaho. Pero hindi ko magawang maging masaya dahil mapupunta ako sa department na ayaw kong mapuntahan. Kaya pala ang daming pinagawa sa akin kahapon sa department na ‘yon dahil ‘yon na ang free trial. At kung kailan nagiging close ko na ang mga nasa department namin ay saka pa ako malilipat.
“If you still have some pending tasks, tell it to Mark so he can reassign that tasks to someone. Do you have a question?” umiling naman ako bilang sagot. Mukhang wala rin naman akong choice kaya naman tinanggap ko na ang kapalaran ko. Isang malaking goodluck na lang talaga sa akin sa mga susunod na araw.
“Uhm, Miss Valerie, pwede po bang magpaalam ako na mage-early out ako today? May kailangan lang po kasi akong gawin,” paalam ko bago tuluyang lumabas ng opisina niya.
“Sure. Actually, pwede ka na ngang umuwi for today kung maaayos mo rin ang mga gamit mo. And starting tomorrow, sa Editorial Department ka na papasok, okay?” sagot naman niya kaya naman tumango na lang ako at nagpasalamat.
At dahil pwede na rin naman na pala akong umuwi ay may oras pa ako bago ang flight ni Nicholai. Alam ko na may kaunting tampuhan pa rin kami kaya naman hindi ako papayag na hindi kami magkakaayos bago siya umalis.
Ayoko namang pairalin ang pride ko kaya naman napagpasyahan ko na puntahan siya pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ko. Hindi ko alam kung kailan ulit kami magkikita kaya naman ayokong pagsisihan na hindi ako nagpaalam sa kanya.
Habang pabalik naman sa opisina ay bigla kong naalala ‘yong sinabi ni Bettany kay Miss Valerie. Parang nahihiya pa tuloy ako sa kanya dahil malilipat ako sa department na gusto niyang punatahan. Pero wala naman akong magagawa dahil hindi ko naman ginusto ang nangyari.
Kung pwede nga lang na siya na lang ang ilipat ng ibang department ay mas ayos sa akin. Kaya lang ay may nag-request sa akin na malipat sa department na ‘yon. Wala naman akong maisip kung sino ‘yon dahil wala naman akong kakilala pa sa department na ‘yon.
At imbes na problemahin pa ‘yon ay dumiretso na lang ako sa pwesto ko at saka nagsimulang magligpit ng gamit. Habang nag-aayos ay lumapit naman sa akin si Angel kaya naman napatingin ako sa kanya.
“I heard lilipat ka sa Editorial Department,” sabi niya kaya naman napansin ko ang pagtingin ni Bettany sa akin.
“Ah oo, kaya nag-aayos na rin ako,” nahihiyang sagot ko sa kanya.
“Congrats! You know, isa sa mga magandang department dito ang Editorial Department, kaya nga maraming gustong makapunta ro’n, kaya lang ay pili lang talaga ang pinipili nilang members,” sabi niya pa kaya naman mas lalo akong na-pressure. “Anyways, goodluck,’ sabi niya pa at umalis na.
Magpapaliwanag pa nga sana ako kay Bettany pero agad din siyang lumabas kaya naman hinayaan ko na lang siya. Hindi ko ginusto ang nangyari pero parang pakiramdam ko tuloy ay kasalanan ko pa na nalipat ako. Imbes na problemahin pa siya ay mindali ko na lang ang pag-aayos ng gamit dahil anong oras na rin.