Chapter 10

1295 Words
"How are you?" Narinig niyang tanong ng binata. Nakatalikod siya sa pwesto nito, hindi halos gumagalaw dahil baka magalit ito at patulugin siya sa labas.Hindi siya umimik. Nanatiling nakatalikod at kunwaring natutulog. "I guess you're still mad. I'm sorry for what Bev has done. Her father just died, and she was still in a state of grief." Paliwanag nito na pinagtaka niya. Spokesperson ba ito ng babae? Aminado naman siya na kasalanan din niya kung bakit nagalit ito, pero ang buhusan siya ng tubig at pagmumurahin ay hindi na makatao. The woman continued to hurl insulting remarks at her despite her apology. Muli siyang pumikit at akmang pipilitin ang sarili na matulog ng biglang naramdaman niya ang paggalaw ng kama at pagkawala ng bigat sa kabilang panig niyon. Maya-maya'y narinig niya ang pagbukas at sara ng pintuan. Pasimple niyang sinilip ang paligid. Umalis na ang lalaki. Napabuntong-hininga siya ng malalim. What was that all about? Nagpunta lang ba ito para mag-sorry sa kanya? But it wasn't his fault. Buong magdamag ay laman ng kanyang isipan ang nangyari ng nagdaang gabi. Rason kung bakit nangingitim ang gilid ng kanyang mga mata. Maaga siyang gumising kahit na napuyat dahil sigurado siyang madaming gawain pagkatapos ng bagyo. Sinilip niya ang bintana niya kanina at kita niya ang dami ng mga dahon sa likod na kailangang walisin. "Pagkatapos mo riyan ay pumunta ka sa palengke. Ililista ko ang mga kailangan mong bilhin. Bukas naman daw sabi ni Kanor. Hindi ko na kasi kayang bitbitin kaya hindi ko naisabay ng mamalengke ako. Sasamahan ka ni Joseph papunta doon. Ipagda-drive ka niya." Si Joseph ay apo ng mayordoma. Binata na ayon sa matanda ay anak ng kanyang namayapang anak na babae. Matagal na din daw itong naninilbihan bilang driver ng mga Monteguado. "Sige po manang." Nakangiti niyang tugon sa mayordoma. Umismid lang ito ng pasimple bago siya tinalikuran. Pagkatapos niya sa ginagawa ay mabilis siyang naligo at nagpalit ng kanyang damit. Nag-short lang siya at simpleng t-shirt dahil palengke lang naman ang pupuntahan niya.Medyo malayo ang palengke doon kaya kailangan na kumpleto ang bibilhin nila kung ayaw nilang magpabalik-balik. Pagkakuha ng listahan at pera sa mayordoma ay agad na siyang lumabas ng pintuan. Nagulat pa siya ng makitang nakasakay sa kanyang puting pick-up si Tristan na nakasuot lang ng puting t-shirt at itim na short.Nakabukas ang bintana kaya tanaw niya ito sa loob. Agad siyang umiwas ng tingin at nagbalak na bumalik sa loob. Maya-maya na lang siya lalabas pag nandoon na si Joseph, siguro ay naggagayak pa ito. "Where are you going?" Agad siyang napalingon ng biglang nagsalita ang lalaki ng malakas. "Ako po, sir?" Paninigurado niya. Tumaas ang kilay nito. "Meron pa bang ibang tao dito bukod sa atin?" Siya naman ay kunwaring tumingin sa paligid bago umiling. Ano na naman kaya ang kailangan nito? "Pupunta po ako sa palengke sir. Inaantay ko lang po si Joseph dahil sabi ni Manang ay sasamahan niya ako." Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa kaya napatingin na din siya sa sarili. Maayos naman ang suot niya. Dala din niya ang ibinigay na lagayan ng matanda para sa kanyang mabibili. "With that outfit?" Masama ang tingin na sinabi na nito. "At dalawa lang kayo?" "Ha?" Hindi niya agad nakuha ang sinabi nito. She can't see anything wrong with her outfit. Mata ata ng lalaki ang may problema. Palengke naman ang pupuntahan niya kaya alangan na magsuot siya ng dress doon. Sasagot pa sana ang amo ngunit lumabas na din ang mayordoma sa pinto. Katulad niya ay nagulat din ito na nandoon ang lalaki. "Ay! Nandiyan pa po pala kayo Señorito. Hindi pa po ba kayo aalis? Akala ko po ay bibisitahin ninyo si Ma'am Aurora?" Hindi ito pinansin ng lalaki bagkus ay sinamaan siya nito ng tingin. "Magpalit ka. Ako ang sasama sayo!" Utos nito. Hindi siya agad nakakilos. Naiinis na siya dito sa pakikialam ng lahat. Amo niya ito pero hindi tama na pati ang suot niya ay kokontrolin nito. "Si Joseph na po ang sasama sa kanya Señorito." Singit ng mayordoma sa usapan. Marahil ay nararamdaman nito ang tensyon sa pagitan nila ng lalaki. "Fine. Kung ayaw mong magpalit. Sumakay ka na para makabalik tayo agad." Masungit na sinabi nito at umiwas ng tingin. Tumingin siya sa mayordoma ngunit hindi siya pinansin nito. Umiling na lang bago magpaalam sa lalaki at pumasok muli sa loob. Naiinis siyang sumakay sa sasakyan ng lalaki. Hindi naman ito umimik ngunit pakiramdam niya ay galit din ito dahil sa pagmamatigas niyang sundin ang gusto nito. Pagdating sa palengke ay kasunod niya ang binata. Una niyang pinuntahan ang vegetables section dahil nagpapabili ang mayordoma ng ubas, mangga, at apple. Bumili siya ng tigdadalawang-kilo ng bawat isa. Tahimik lang naman ang lalaki sa likod niya ngunit masama pa din ang timpla nito.Nahuli kasi si Tristan dahil nagparada pa ito ng sasakyan at ang tagpong nadatnan nito ay ang pag-alok ng mga lalaki na ipagbitbit siya kaya masama na ang tingin nito kanina pa. "Ilan ineng?" Tanong ng matanda patungkol sa kilo ng karneng baboy na bibilhin niya. "Tatlong kilo po. Pakidagdagan na din po ng limang kilong hipon at katang." Magalang niyang sagot dito. Ewan ba niya kung bakit napakarami ng seafoods na nasa listahan. Ibinigay iyon ng mayordoma kaya bibilhin niya. Nang iaaabot na ng matanda ang binili niya ay inunahan siyang kunin iyon ni Tristan. Inirapan lang siya nito ng magtangka siyang kunin ang pinamili. Nahihiya kasi siya dahil ito pa ang magbibitbit. Halata kasi itong mayaman kahit naka tshirt lang ito. Idagdag pa na napakabango nito. Hindi yata nito napapansin ang mga babaeng palihim na sumusulyap dito kanina pa. "Ito lang ba?" Masungit pa din na tanong nito ng mailagay na ang huling plastic ng pinamili nila sa likod ng sasakyan. "Ice cream na lang po Sir." Akmang pagbubuksan pa siya nito ng sasakyan ng unahan niya ito kaya mas lalong sumama ang tingin nito sa kanya. Pagkabili nila ng ice cream ay tinahak na din nila ang daan pabalik ng mansyon. "Ganyan ka ba talaga ha?" Naiinis nitong sinabi na bumasag sa katahimikan sa pagitan nila. Malapit na sila sa mansyon kaya kala niya ay hindi na siya nito kakausapin pa. "Bakit po?" Naguguluhang tanong niya. "First, you refuse to do what I say. Second, you designate Joseph to drive you rather than me.Then, mas gugustuhin mo pang ipagbuhat ka ng iba kahit kasama mo ako!" Is he jealous? Napipilan siya sa sinabi nito. Hindi niya alam na kinimkim pa nito ang simpleng bagay kanina. Napabuntong-hininga siya. Mali na isipin niya na nagseselos ito. Territorial nga pala ang lalaki. Lumaki siguro itong nakukuha ang lahat ng gusto kaya bago dito na tinatangihan ng isang katulong na katulad niya. "Ngayon, hindi ka na naman magsasalita? Damn!' "Sir, kung tungkol po sa damit ko. Wala po kasi akong nakikitang problema. Palengke naman po ang pupuntahan ko. Ikalawa po, hindi naman po ako ang may gustong isama si Joseph. utos po iyon ni manang. At ikatlo po, hindi naman po ako pumayag na ipagbuhat ng iba kanina." "If I wasn't there, siguradong papayag ka." Nang-uuyam na sinabi nito. "Kahit hindi ko po kayo kasama, HINDI po ako papayag SIR. May kamay po ako." Naiinis na din na wika niya. Wala naman siyang nakikitang rason para magpaliwanag dito pero para tumigil na ito sa pinagsasasabi nito ay sinabi na niya ang saloobin. Iyon nga lang ay parang mas nainis pa ang lalaki. Hindi na nito inantay na bumaba siya ng sasakyan pagkadating nila. Nauna na itong bumaba at iniutos sa mayordoma na kunin ang kanilang mga pinamili. Ibinigay din nito kay Joseph ang susi ng sasakyan bago lumingon sa gawi niya at masamang tumingin sa kanya pagkatapos ay dire-diretso na itong pumasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD