Chapter 9

1116 Words
Pinilit niyang bumalik sa kanyang kwarto kahit masakit pa din ang natapilok niyang paa. Hindi niya alam kung bakit tumutulo ng kusa ang kanyang luha habang inaasikaso ang sarili. She wasn't sure whether it was still about her feet or her emotions. Wala naman siyang karapatan na masaktan pero heto at para siyang tanga na umiiyak. "Katulong ka Jesusa! Binili ka para maging alipin..." Paulit-ulit niyang kumbinsi sa sarili sa isiping mawawala ang kirot na nararamdaman ngunit nagkamali siya. Mas humagulgol lang siya ng maalala ang mga nangyari dahil sa kanyang katangahan. She felt so small earlier, napakalayo sa hitsura ng babaeng kasama ng amo. Pero hindi niya alam kung bakit may parte sa kanya na nagnanais na siya ang pagtuunan ng pansin ng binata kahit may iba itong kasama. Nahihibang na siyang talaga at hindi makabubuti sa kanya kung mas magtatagal pa siya sa poder nito. Pagkalipas ng dalawang araw ay tuluyan ng gumaling ang kanyang paa. Wala na din siyang nararamdaman na kung ano sa kanyang katawan. Nakatulong din na hindi umuwi ang amo mula ng umalis ito. "Jesusa! Bilisan mo ang kilos.Kailangan nating ipasok ang iba pang mga paso sa may garahe dahil baka lumakas ang bagyo!" Kanina pang tanghali malakas ang ulan. Ayon sa balita ay signal number 1 sa kanilang lugar at posibleng mas lumakas pa ang hangin. Pagkatapos nilang iayos ang lahat ng mga gamit na maaring mabasa ay agad siyang nag half-bath dahil nabasa siya ng ulan kanina. Nakakain na din sila ng mayordoma kaya ang sabi nito ay pwede na siyang matulog at wala na din naman silang gagawin. Bandang alas-onse ay naalimpungatan siya at hindi na makatulog. Malakas pa din ang hangin sa labas na may kasamang ulan at panaka-nakang pagkulog. Bumaba siya ng kusina dahil balak niya sanang magkape ngunit gayon na lang ang gulat niya ng marinig ang tunog ng sasakyan sa labas. Agad niyang sinilip ang garahe at nanlaki ang mata niya ng makitang bumaba doon si Tristan.Binuksan niya ang pintuan bago pa man susian ng lalaki. Tila nagulat pa ito na nandoon siya dahil kita niya ang pag-awang nito ng labi. Gayon na lang ang hiya niya ng mapagtanto kung bakit ganoon ang reaksyon nito. Suot niya ang pares ng silk camisole at short at wala siyang suot na bra. Hindi pa kasi siya naglalaba ng mga damit at bukas pa lang ang balak niya kaya wala siyang choice kundi suotin iyon. Kasama ito sa mga damit na ibinigay ng Mamang Sasha niya sa bar na hindi niya madalas suotin. Agad niyang tinakpan ang kanyang dibdib gamit ang kamay at mabilis na tumakbo paakyat ng kanyang kwarto. Pagharap niya sa salamin ay pulang-pula ang kanyang mukha na tila nilagyan niya ng sandamakmak na blush-on. Fvck! Jesusa naman! Lagi ka nalang nasa kahihiyan! Hindi nagtagal ang ilang minuto na paghiga niya ng may kumatok sa kanyang kwarto. Mabilis ang t***k ng puso niya habang unti-unting lumalapit doon. Nakapagsuot na siya ng bra ngunit kinuha pa din niya ang kanyang tuwalya para matakpan ang kanyang sarili. Ang madilim na anyo ni Tristan ang nabungaran niya doon kaya bahagya siyang napangiwi. "Multo ba ako para takbuhan mo?" Malamig na tanong nito. His forehead was creased, and she could see he wasn't going to take any jokes from her. "Ah...eh...a-ano po kasi sir..." Nakakagat-labing sabi niya. Hindi niya maisip ang idadahilan dito. Hinawakan nito ang pintuan dahil unti-unti niya iyong sinasarhan sa tindi ng tensyon. "What?" "A-Ano kasi sir." Napapalunok na sinabi niya dito. Nakapagpalit na ang lalaki. Nakasuot na lang ito ng black na sweatpants at puti na sando. Kitang-kita niya ang biceps nito at ang malapad na dibdib. "What?!" he asked darkly, moving slightly towards the door. "N-Naiihi na po kasi ako sir." Palusot niya ngunit nanatiling madilim ang anyo nito. Akala niya ay aalis na ang lalaki ngunit itinulak nito ang pinto ng tuluyan kaya nagawa nitong makapasok doon. Siya naman ay nabato sa kanyang pwesto. "Hindi gumagana ang aircon sa kwarto ko.Dito ako matutulog ngayong gabi." Pahayag nito na ikinalaki ng kanyang mata. Hindi siya agad naka-react ngunit maya-maya ay nakuha niya ang gusto nito kaya agad siyang tumango. "Sa salas nalang po ako matutulog." Mabilis niyang sinabi pagkuwa'y akmang kukunin ang kanyang unan ngunit ng maisip na walang gagamitin ang lalaki ay hindi na niya itinuloy. "What?" Tila binging tanong nito kaya pasimple siyang umismid. Kunwari pang hindi nito narinig ang sinabi niya eh for sure na gusto nitong doon siya sa salas. Alangan naman na intayin pa niyang ipamukha nitong katulong siya kaya natural na wala siyang karapatang tumanggi. "Sa salas po ako matutulog sir para makatulog po kayo dito sa kwarto." Inosente niyang sinabi dito kahit naiinis na ng bahagya. Isang what pa nito, mababara na niya talaga. "Why?" Tila naguguluhang tanong nito pagkuwa'y napaisip siguro. "I mean, the bed is huge. "It can accommodate more than two people." Paliwanag nito sa mas mahinang boses. Is he asking that she join him in bed? "Hindi na sir. Okay lang po ako sa labas. Atsaka may kumot at unan naman po ako." Monotone niyang sinabi dito. . "Tss...okay." Yun na yun? Wala manlang konting pilit? Dismayado siyang tumango. Akala niya'y aalukin manlang siya nito na matulog sa kwarto nito sa halip na sa salas kahit ba walang aircon doon. Pero syempre naisip lang niya yun. Sino ba namang matinong amo ang ipapagamit ang kwarto para makatulog ng komportable ang katulong nito. Palabas na sana siya ng pintuan ngunit muling nagsalita ang lalaki. "Just a briefing. May nakikita nga pala ang mayordoma na umiiyak sa may salas tuwing hatinggabi. Minsan daw ay may bitbit pang kandila habang nakasuot ng puti. Goodluck!" Nakangisi nitong sinabi bago tumalikod at padapang humiga sa kanyang kama. Siya naman ay biglang tigil sa paglakad at mabilis na tumakbo palapit dito. Ang ayaw pa naman niya sa lahat ay multo kaya kung niloloko man siya ng lalaki ngayon ay epektibo iyon. Nakuha nito ang takot niya. "Why are you still here? Akala ko ba sa salas ka matutulog?" Nang-uuyam na sinabi nito. "Eh...pwede ba dito nalang ako sa sahig?" Naisip ko kasi na medyo malamig pala sa salas kasi hindi pa tumitigil ang ulan. "Okay bahala ka. Oo nga pala. Noong nakaraan may nakita akong batang pumasok dito. Malay natin mamaya andiyan yun sa ilalim ng kama. Hinihila ka na." Nananakot na sinabi nito. Inis na inis siya sa pananakot ng lalaki kaya para tumigil na ito ay humiga na siya sa pinakadulong parte ng kama sa kaliwang bahagi. Madami naman siyang unan kaya naglagay nalang siya ng harang sa kanilang pagitan. "Just get some sleep, woman. Don't worry, I'm not someone who would rape a sleeping person.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD