Chapter 8

1624 Words
Ala-una na ng magising siya ayon sa suot niyang relo sa bisig. Madilim sa buong kwarto dahil natatakpan ng makapal na kurtina. Patay din ang ilaw doon. Tanging ang lampshade lang ang bukas.Mabilis siyang bumangon dahil naalala niyang sa kwarto ng lalaki siya muling nakatulog. Ang mas nakakahiya ay nahila pa ata niya ang kumot nito habang natutulog kaya nakakumot siya paggising. Dahan-dahan niyang pinakiramdaman ang paligid. Wala ang lalaki doon kaya nakahinga siya ng maluwag. Agad niyang inayos ang tulugan at lumabas ng pintuan. Nang makitang walang ibang tao ay agad siyang tumakbo sa kanyang kwarto. Gayon na lang ang gulat niya ng makita ang mayordoma na nandoon. Mayroon din itong kasama na tingin niya ay trabahador. Kinukumpuni nito ang bintana niya na hindi niya alam kung anong problema. "Nandiyan ka na pala.Lilipat ka na muna ng kwarto mo. Sira kasi ang bintana nitong sayo at baka matagalan bago ayusin. Tinitingnan pa ni Mando kung anong magandang ipalit bago ireport sa señorito. "Ha? S-Saan po ako matutulog?" Nag-aatubiling tanong niya. "Sa kwartong katabi ng kay Señorito. Walang umuukopa noon." Balewalang sinabi ng matanda. "Hindi po ba magagalit s-si sir?" Hindi niya alam ngunit kinakabahan siya sa ideya na mas mapapalapit ang kwarto niya dito. "Alam na ng señorito ang nangyari dito kaya siya mismo ang nagsabing lumipat ka." Hindi na siya nakaimik sa sinabi nito.Pakiramdam niya'y mas marami pang paparating na problema sa paglapit ng kwarto niya sa lalaki. Hindi na niya nakita ang lalaki hanggang sa gumabi. Inabala niya ang sarili sa pag-aayos ng kanyang magiging kwarto. Malawak iyon kumpara sa naunang tinutulugan niya. Malinis din naman ang kwarto kaya hindi siya nahirapan na maglinis pa. Nagpalit na lang siya ng bagong cover ng kama pati mga punda na ibinigay sa kanya ng mayordoma. Tuwang-tuwa siya sa kanyang kama dahil halos kasing lambot iyon ng kama ni Tristan. Malaki din iyon kaya kahit magpagulong-gulong siya sa pagtulog. Naalimpungatan siya ng gabi dahil nauuhaw siya kaya nagpasya siyang bumaba ng kusina. Ang kaibahan lang ng kwarto niya ay nasa second floor na ngayon kaya mas lumayo siya sa kusina kung sakaling iinom siya ng tubig. "Hmm...sa room mo na tayo Tristan. B-baka may makakita sa atin..." Nanlaki ang mata niya ng makita ang pakikipaglaplapan ng lalaki sa babaeng ngayon lang niya nakita. Sigurado siyang kapapasok lang ng mga ito dahil bukas pa din ang pinto. Hindi na yata nakatiis ang lalaki dahil hinila nito ang kasama sa sala at hinalikan ng mas mapusok. Natigil lang ang paghahalikan ng mga ito ng mapansin siya ng babae at itinulak bahagya ang lalaki. "Stop! May audience tayo Tristan." Pagkatapos ay malandi pa itong tumawa. Balewala namang lumingon sa kanya ang lalaki at malamig lang itong tumingin pagkatapos ay muling hinalikan ang leeg ng babae. Kahit gustuhin niyang umalis ay parang natuod siya sa pwesto. Nanlalambot din ang tuhod niya sa nakita. Tila sumisikip din ang dibdib niya. "Don't mind her. She's just a maid." "Sa room mo nalang tayo.Ayokong mabitin..." "Alright..." Bumaling muli ang lalaki sa kanya. "Anong tinatayo-tayo mo pa diyan? Saraduhan mo ang pintuan!" Utos nito bago alalayan ang babaeng kasama nito at magkaabay na umakyat sa ikalawang palapag. Naiwan siyang natameme sa kanyang pwesto. Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya'y pinagsakluban siya ng langit. Masama ang loob na sinarhan niya ang pintuan. Nagpalipas siya ng isang oras na nakatulala sa kusina bago niya naisipan na pumanhik na din sa kwarto at matulog. That was the longest night of her life. Kahit ayaw niya ay naririnig niya ang harutan ng nasa kabilang kwarto kaya hindi siya makatulog ng maayos. Pabaling-baling siya sa higaan. Tinatabunan niya ang tenga ng unan para hindi marinig ang harutan ng nasa kabilang kwarto hanggang sa tuluyan na siyang makatulog. Tanghali na siyang nagising kinaumagahan kaya nasermunan na siya ng mayordoma.Nakahanda na ngayon ang pagkain ng amo nila at ipinapahatid nito iyon sa kanya.Ang kaibahan lang ay mas marami ang pagkain na ipinapadala nito ngayon kaya sigurado siyang alam ng mayordoma na may kasama ang amo. Kinatok niya ang pintuan. Maya-maya'y binuksan iyon at bumungad sa kanya ang babaeng nakita niya kagabi. Naka roba pa ang babae na tingin niya ay sa amo. Bored lang nitong nilakihan ang bukas ng pintuan bago muling bumalik sa kama at niyakap ang lalaking malamig lang ang tingin sa kanya. "Just put it there, maid.We can manage!" Maarteng sinabi ng babae kaya sinunod nalang niya ang gusto nito. Akmang lalabas na siya ng tawagin siyang muli ng babae. "Dalhan mo ako ng juice.Gusto ko ay fresh orange juice!" Demanding pang sinabi nito. Tumingin siya sa amo sa nagtatanong na mata ngunit umiwas lang ito ng tingin sa kanya kaya lumabas nalang siya ng kwarto. "Manang, may orange po ba tayo? Gusto daw po noong kasama ni sir ay fresh orange juice." "Oo. Kapapamili ko lang kanina. Ipagawa mo na si Ma'am Beverly. Ayusin mo at baka maibuhos sayo kapag hindi niya nagustuhan." Striktong sinabi nito. Kilala nga ng matanda ang babae. Ibig sabihin ay hindi lang ito ngayon pumunta doon. Sinunod nalang niya ang utos nito sa kanya. Isa-isa niyang ginayat ang orange at ini-squeeze ito gamit ang fruit squeezer nila. Nang bumalik siya sa kwarto ay napagpasyahan niyang ilagay ang ginawang juice sa ibabaw ng table na pinaglagyan niya ng pagkain ng mga ito.Tapos ng kumain ang dalawa kaya naisipan din niyang kunin na sana ang pinagkainan ng mga ito para maisabay na pababa. Gayon na lang ang gulat niya ng bigla siyang matapilok at maibuhos ang juice sa mismong damit ng babaeng nakaupo sa dulo ng kama.Suot nitomg muli ang damit nito kagabi kaya mas nanlumo siya dahil basang-basa iyon. Nabasag pa ang baso dahil tumilapon iyon kasabay ng pagbagsak niya sa sahig. Napaigik siya sa impact ng pagka twist ng kanyang paa. Ngunit bago pa niya magawang mag sorry sa babae ay galit na galit na itong tumayo at ibinuhos sa kanya ang isang basong tubig na marahil ay hindi nito nainom. Naiiyak siyang nagpilit tumayo ngunit bumagsak lamang muli dahil talagang masakit ang paa niya. Sinabunutan pa siya ng babae. Tumigil lang ito ng awatin ni Tristan. "Fvck you! Napakatanga mo! Hindi mo ba alam kung magkano itong suot ko ha?!" Panay ang pag-sorry niya sa babae ngunit panay din ang talak nito. Galit na galit kaya wala siyang nagawa kundi ang tahimik na umiyak sa sahig. "Stop it Beverly! Damit lang yan." Awat ni Tristan ngunit galit na galit pa din ang babae.Sa halip na kumalma ito ay pinagmumura lang siya muli pagkatapos ay lumabas na ng pintuan bitbit ang bag nito. Malakas pa nitong isinarado ang pinto kaya napapikit siya. Inalalayan siya ng lalaki para makaupo sa parte ng kama na hindi natapunan ng juice. Patuloy pa din ang paghikbi niya habang iniinda ang sakit ng kanyang paa. The woman was right! She's indeed dumb! "Kailangan na malagyan ito ng yelo at baka mamaga." Mahinahong sinabi ng lalaki habang masuyo nitong hinahaplos ang paa niya. "I-I'm s-sorry sir. Hindi ko po sinasadyang tapunan si Ma'am ng juice." "I know. H'wag mo ng isipin yun. Tatawagan ko lang si manang para magdala ng yelo dito." Ilang minuto lang ang nakalipas ay umakyat na ang matanda sa kwarto ni Tristan. Bitbit nito ang cold compress na itinawag ng lalaki. Agad iyong kinuha ng amo at masuyong idinampi sa paa niya. Ang matanda naman ay winalis ang mga bubog. Pinunasan din nito ang sahig kung saan siya binuhusan ng babae kanina. Bumaba na din ang matanda pagkatapos nitong ligpitin ang kalat. "I'll get you a shirt.Palitan mo ang damit mo sa banyo." Hindi pa siya umu-oo ng tumayo na ang lalaki at pumasok ito sa walk-in closet. Pagbalik ay may dala ng malaking damit na sigurado siyang lampas sa tuhod niya at isang boxer short. "Use this first. Mamaya ka na magpalit pagbalik mo sa kwarto mo." Kinuha nalang niya ang ibinibigay nito. Wala na siyang lakas na tumutol. Dahan-dahan siyang pumasok sa banyo at nagpalit ng damit. Tinanggal din niya ang bra dahil basa din iyon. Tama nga siya, lampas tuhod ang oversized na damit na ibinigay nito. Hindi halata na may suot siyang boxer sa ilalim. Naghilamos na din siya at hinamig ang sarili. Bahagyang namumula ang mata niya dahil sa pag-iyak. Paglabas niya ay katatapos lang magpalit ng cover ng kama ng lalaki. Nakatingin ito sa kanya habang naglalakad siya papalapit dito. "Ahmm..." Nahihiyang sinabi niya. "S-Salamat sir.Ibabalik ko n-na lang po ang damit ninyo." Hindi ito umimik. Muli lang yumuko sa harap niya pagkaupo niya sa kama at muling nilagyan ng cold compress ang ngayon ay namumulang parte. "Does it hurt a lot?" Masuyong tanong nito na pakiramdam niya'y hinaplos ang puso niya dahil nagdulot iyon ng ginhawa. "H-Hindi na po masyadong masakit." Nahihiyang sinabi niya. "Next time mag-ingat ka." Wika nito ng hindi tumitingin. "Sorry po ulit." "Stop saying sorry. It was an accident. Mabuti at ganito lang ang nangyari." "S-so-..." "Ituloy mo yan. Hindi mo magugustuhan ang gagawin kong pagpapatahimik sayo!" Tila nagbabantang sinabi nito. "S-Si Ma'am Beverly po sir?" Naisip niyang galit ang babae ng umalis. Baka siya pa ang maging dahilan ng hindi pagkakaintindihan ng mga ito. "What about her?" Balewalang tanong nito. "Hindi po ba ninyo s-susundan?" "Tss.Will you please stop thinking about other people? Heto nga at hindi mo makaya ang sarili mo." He said clenching his teeth. "And stop saying sorry." Naiinis ng sinabi nito ng akmang magso-sorry na naman siya. "Rest first.May aasikasuhin lang ako." Hindi na siya inantay na sumagot nito dahil diretso na itong lumabas. Bahagya siyang nalungkot sa isipin na napagtanto nitong dapat ngang suyuin ang girlfriend nito. Pero iyon ang dapat. Kailangan niyang gisingin ang sarili. She's just a maid. Hindi na iyon lalampas doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD