Chapter 7

1227 Words
Wala na ulit ang lalaki ng magising siya kinabukasan. Tila ayaw nitong magising siya at malaman na katabi niya itong muli ng nagdaang gabi. Palaisipan ang rason nito para sa kanya. May babae itong kasama pero bakit siya ang tinatabihan nito sa pagtulog? Ang isa pang ipinagtataka niya ay kung saan dumaan ang lalaki papasok sa kwarto niya dahil naka double lock pa din ang pinto ng magising siya. "Good morning manang." Bati niya sa mayordoma ng maabutan niya itong nag-aasikaso na sa kusina. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Kunwaring walang pakialam na tanong nito kaya bahagya siyang napangiti. Mabait talaga ang matanda, marahil ay ganoon lang talaga ito sa umpisa. "Opo manang. Ipaghahanda ko po ba ng pagkain ang señorito?" "Ako na. Ako na din ang magdadala sa kanya. Mainit ang ulo sa iyo noon kagabi kaya mas makakabuti na h'wag ka na munang magpakita." Tumango nalang siya sa sinabi nito bilang pagsang-ayon. Hindi naman alam ng matanda na kasama din niya sa pagtulog ang lalaki kagabi. "Sige po. Maglilinis na lang po muna ako sa labas." "H'wag mo kalimutan na magdilig. Mamaya ay maglilipat ako ng mga halaman sa mga bagong paso. Tulungan mo ako." "Sige po." Pagkaalis ng matanda ay mabilis na siyang kumilos. Tamang-tama at malilom pa sa labas. Malawak ang bakuran ng amo niya. Tiyak na aabutin siya ng mga dalawang oras para matapos ang pagwawalis. "Bakit hindi ikaw ang nagdala ng pagkain ko?" Muntikan na niyang mabitawan ang hawak na walis sa gulat sa biglang nagsalita sa likod niya. Agad siyang lumingon para lamang makita ang madilim na mukha ng binata na ngayon ay halos magsalubong na ang kilay habang nakatingin sa kanya. "I'm asking you woman. Why didn't you bring my food? And what are you doing here?!" Alanganin siyang ngumiti dito ngunit mas bumusangot ang mukha nito sa kanya. "Nagwawalis po ako señorito." "I'm not dumb, woman!" "Yun naman po pala eh..." Bubulong-bulong na sinabi niya. Aga-aga ay siya na naman ang nakita ng lalaki. "What did you say?" "Wala po señorito. Bakit po ba? May ipapagawa po ba kayo?" Pagdidiin niya sa bawat po sa salita kaya tila mas nairita ito. "H'wag kang pilosopo! Bitawan mo yang hawak mo at sumunod ka sa akin!" Masungit na sinabi nito bago siya talikuran at dumiretso na papasok sa pinto sa likod ng mansyon. Iritang-irita siya ng sundan ang lalaki. Tila binabawian siya nito dahil bigla nalang siyang inutusan na kunin ang mga labahan nito sa taas at labhan daw niya sa harapan nito. Malaki ang ngisi nito habang siya'y inis na inis dahil ang nilalabhan na niya ay ang brief ng lalaki. Sigurado siyang namumula ang kanyang pisngi pero tila tuwang-tuwa pa ang amo sa ginagawang panonood sa kanya. "Señorito. Baka po mabagot kayo diyan. Sa loob nalang po kayo maghintay!" Hindi nakatiis na malakas niyang sinabi dito. "No! Dito lang ako. Bilisan mong maglaba. Tss...ang kupad!" Nang-iinis nitong sinabi bago muling nag cellphone at tumawa doon. Lord...bigyan mo ako ng lakas ng loob para matiis ang lalaking ito! Konting-konti na lang ay masasapak na niya ang amo sa sobrang inis. Paano ba naman, may washing machine naman sila, may dryer din pero mas pinili nitong ipamano-mano ang paglaba sa kanya. Mas mabuti pa sa kanya maglinis kesa labhan ang brief nito. Kahit ata hindi labahan ay pinalabhan nito sa kanya dahil yung iba ay parang bagong tupi lang pero itinapon nito sa labahan. "Anong binubulong-bulong mo diyan?" Masungit na namang tanong nito. Bukod sa pagbabantay ay wala na itong ginawa kundi ang punahin ang paglalaba niya. Kesyo ganito...kesyo ganyan. Kulang nalang ay sabihan siya nitong bobo dahil pati paglaba ay itinuturo nito. Hindi nalang siya umimik. Wala din na patutunguhan kung papatulan niya ito. Katulong siya kaya ito pa rin ang masusunod kahit anong sabihin o pagtutol niya. "Pagkatapos mo diyan. Hugasan mo ang mga pinggan sa kusina." Muling utos ng lalaki habang nagsasampay siya. Napasimangot siya sa sinabi nito. Ang ipinagtataka niya ay walang naiiwan na hugasin doon kaya paanong may huhugasan siya? "What?" Defensive na tanong nito. "You're my maid so you need to do what I asked you to do." Napabuntong-hininga nalang siya sa sinabi nito bago tumango. "Ayaw mo? Pwede naman akong kumuha ng katulong na papalit sayo!" Bigla siyang napatingin dito. "P-pwede?" Kunwaring tanong niya. "Of course. Yun nga lang babayaran mo ang binayad ko sayo. May interest na din yun." Nakangising sinabi nito kaya napasimangot siya. Muli siyang iniwan ng lalaki na hindi niya alam kung bakit siya ang trip na inisin ngayon. Noong mga huling araw naman ay wala ito ng ganoong oras kaya hindi niya alam kung bakit hindi ito umalis ngayon. Napatunganga siya sa bumungad sa kanya. Sobrang gulo ng kusina. Napakadami ng mga hugasin. Lahat ng mga baso, kutsara, at pinggan ay nasa lababo. Puno din ng harina ang bar counter. Maging sa sahig ay may itlog na nalaglag. Tila dinaanan ito ng bagyo. "What?" Nakahalukipkip na sinabi ng lalaki. Nandoon na naman ito at sumandal pa sa ref. "Wala po." Nakatungong sinabi niya. Pakiramdam niya'y sinadya ng lalaki ang nadatnan niya dahil nakita niya ang palihim nitong pag-ngisi. "Clean it up. Sumunod ka sa kwarto pagkatapos." Muli na naman itong umalis kaya nagsimula na siyang maglinis. Maging ang mayordoma ay napa sign of the cross ng makita ang itsura ng kusina. Tinulungan na din siya nitong maglinis ng hindi tinatanong kung anong nangyari. Hindi siya agad sumunod sa utos ng lalaki na sumunod siya sa kwarto nito. Sa halip ay bumalik siya sa kanyang kwarto at mabilis na naligo. Paano ba naman, umaga pa lang pero pakiramdam niya'y pang buong araw na ang ginawa niyang trabaho. Ang lagkit na din ng katawan niya dahil napadulas siya sa sahig habang nililinisan ang kusina. Nagsuot lang siya ng simpleng short at t-shirt bago puntahan ang demonyitong amo sa kwarto nito. Sigurado siyang nagmamaktol na ito dahil hindi agad niya sinunod ang utos. Pagkapasok niya sa kwarto ay naglalaro ang lalaki sa computer nito. Katulad ng kusina ay magulong-magulo ang kwarto ng lalaki. Ngayon ay sigurado na siyang ito ang may kagagawan dahil kaninang kinuha niya ang labahan doon ay maayos ang kwarto nito. Nagsimula na siyang magpulot ng mga kalat na ginawa nito ng hindi umiimik. Nababadtrip na siya sa sadyang pagpapahirap na ginagawa nito sa kanya. H'wag lang nitong antayin na mapuno siya dahil baka masapok na niya ito ng tuluyan. Para itong bata kung umasta. Nakikita niya ang ginagawang pagsulyap-sulyap ng lalaki sa kanya kaya iniirapan niya ito. Sumasakit muli ang puson niya dahil kanina pa siya nagtatrabaho. Sa paglaba palang ay quota na agad ang katawan niya. Mabuti nalang at hindi na nang-inis ang lalaki. Nakita niya itong pumasok sa cr habang dala ang towel nito kaya nakahinga siya ng maluwag. Sigurado siyang maliligo ang lalaki kaya dapat na niyang bilisan para hindi na siya nito maabutan. Pagtataguan na niya ito maghapon pagkalabas niya ng kwarto para iwasan ang intensyunal na pagpapahirap nito sa kanya. Nang maibalik niya ang lahat sa ayos ay napatingin siya sa malawak na kama nito. Tila iniimbitahan siya nitong humiga doon. Napasulyap siya sa banyo. Nandoon pa din ang lalaki kaya bahagya siyang napangiti. Hihiga siya saglit sa kama nito, dadamhin lang niya ang lambot niyon. Two minutes lang ang balak niya ngunit hindi niya namalayan na tuluyan na siyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD