Nagising siya ng madaling-araw na may nakayakap sa kanya. Akmang tatanggalin niya iyon ng mas higpitan nito ang yakap nito, ang katawan niya'y mas hinila papalapit. May kutob na siya sa kung sinong nakayakap sa kanya dahil sa amoy nito ngunit para masigurado ay nilingon pa din niya ito. Sa tulong ng liwanag ng buwan na sumisilip sa kanyang bintana ay nakita niya ang payapang mukha ni Tristan. Mahimbing ang tulog nito at ng maramdaman na gumalaw siya ay mas nagsumiksik sa may parteng leeg niya.
She doesn't know what to do. Kahit gustuhin niyang itulak ito ay ayaw ng katawan niya. Tila hinihila pa siya ng diwa na muling bumalik sa payapang pagtulog sa bisig ng lalaki. At ng hindi niya makayanan ay nagpatalo na siya sa gusto ng katawan. Natulog muli siya habang mahigpit ang yakap ng lalaki sa kanya. That was the best night of her life.
Paggising niya kinabukasan ay masakit ang puson niya. Normal iyon tuwing nagkakaroon siya kaya halos ayaw niyang kumilos noon tuwing darating ang buwanang dalaw.Wala na ang lalaki sa tabi niya ngunit naiwan ang amoy nito sa kanyang unan senyales na hindi siya nananaginip kagabi.
Nagulat siya ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon ang mayordoma. May dala itong pagkain na nakalagay pa sa maliit na lamesa. Bigla siyang tumayo. Siguro ay pagkain iyon ni Tristan. Patay talaga siya! Late na nga siyang gumising pagkatapos ay hindi pa siya tumulong sa pagluluto.
Inaantay niya ang sermon ng matanda habang nakatungo. Hindi niya kayang salubungin ang tingin nito.
"Anong tinatayo-tayo mo diyan? Umupo ka at kumain ka na. Wala ang señorito ngayon kaya pwede kang magpahinga."
Mabilis siyang napatingin sa matanda at hindi nakapagsalita.
Is she for real? Dinalhan siya nito ng pagkain at pinagpapahinga?
"Huh?" Kuwaring hindi niya narinig ang sinabi nito.
"Hindi ko na uulitin ang sinabi ko!" Masungit na ngayong sinabi nito bago siya tinalikuran.
Napangiti siya. Mabait din naman pala ito. Siguro ay ayaw lang sa babaeng galing sa bar.
"Salamat, manang..." Masayang sinabi niya dito kahit nakatalikod ito at palabas na ng pinto.
Hindi ito sumagot ngunit hinayaan nalang niya.
Magana niyang kinain ang dinala ng matanda. Fried rice,tocino, itlog, at tuyo iyon.Naglalaway na siya pagkakita palang sa pagkain kaya pagkahugas ng kamay ay agad na niyang nilantakan ito. Ininom din niya ang gamot na kapareho ng ibinigay ng doctor kahapon pagkatapos ay nagpahinga. Kailangan niyang bawiin ang lakas para makatulong na siya sa gawaing bahay.
Nang dumating ang hapon ay mabuti na ang pakiramdam niya. Agad siyang nagtungo sa kusina para magluto. Nandoon na ang mayordoma ngunit ng ipresenta niya ang sarili na siya na ang magluluto ay hindi na ito umimik ngunit binantayan nito ang ginagawa niya. Natatawa pa siya dahil natatakot ata itong lagyan niya ng lason ang pagkain ng amo.
"Manang, may magulang pa po ba si Sir Tristan?" Basag niya sa katahimikan sa pagitan nila. Ilang araw na din siya sa bahay ngunit hindi niya nakikitang dinadalaw ito ng kahit na sino.
"Hindi mo trabaho ang malaman ang buhay ng amo mo!" Masungit nitong sinabi na tila binabantaan siya na tumigil na sa kakatanong kaya nanahimik nalang siya.
Oo nga naman. Katulong siya doon. Hindi porket may nangyari na sa kanila at pinuntahan siya nito kagabi ay may something na sa kanila.
Tanga mo talaga,Jesusa!
"Ihain mo na iyan sa kusina. Darating na ang señorito maya-maya."
"Opo."
Mabilis ang kilos niyang inasikaso ang mga pagkain. Kaldereta ang niluto niya na ayon sa matanda ay paborito ng lalaki. Kaya pala todo bantay ito sa pagluto ay kailangan daw na tama ang timpla dahil baka hindi kainin ng amo nila.
Afford nito ang magkaroon ng sariling chef kaya privilege na sa kanila na hinahayaan sila nitong ipagluto ito. Ang huling bagay na dapat nilang gawin ay madisappoint ang lalaki.
Tapos na siyang maghain ng pumasok sa kusina ang lalaki. Akmang babatiin niya ito ng may kasunod na pumasok na magandang babae na agad hinawakan ang braso nito. Inalalayan din ito ni Tristan at ipinaghila pa ng upuan.
Bahagyang sumakit ang dibdib niya sa nakita. Hindi naman sila pero hindi niya alam kung bakit nasaktan siya na may kasama itong iba.
"Bagong yaya mo?" Nakataas ang kilay na tanong ng babaeng kasama nito. Pinasadahan pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Bahagya naman siyang nanliit dahil nakasuot pa siya ng apron kaya nagmukha talaga siyang yaya.
"Don't mind her. Let's just eat." Tila iritable ng sinabi ni Tristan ng hindi manlang siya sinusulyapan.
"Okay. Pero...ayaw mo bang ako na ang kumain sayo? Hmm..." Malambing na sinabi ng babae kaya bahagya siyang napaubo.
Nagpanting ang tenga niya at sigurado siyang hindi na maipinta ang mukha niya ngayon lalo na ng makita niya kung paano gumapang ang kamay ng babae sa hita ng katabi. Kitang-kita niya iyon dahil sa harapan ng mga ito siya nakapwesto habang nilalagyan ng tubig ang mga baso nito.
"What are you still doing here?!" Madilim ang boses na sinabi ni Tristan sa kanya. Sumikip ang dibdib niya sa dahil sa paraan ng pagtingin nito. Kahit hindi nito sabihin ay tila diring-diri ito na makita siya sa parehong kwarto kung nasaan ang mga ito.
"Sige na Jesusa. Ako na dito. Bumalik ka na sa kwarto mo." Agad na salo ng mayordoma sa kanya. Nandoon lang pala ito sa gilid na hindi niya namalayan kung kailan nakabalik. Kaninang pagkatapos nilang magluto ay sinabi nitong babalik muna ito ng kwarto para magpalit.
Natatarantang binitawan niya ang hawak na pitsel ng tubig na muntikan pang mabubo ang laman. Dahilan para muling magpasaring ang babaeng kasama ng amo.
"Saan mo ba napulot iyang muchacha mo, honey? Napakatanga!" Dinig na dinig niya iyon bago siya lumabas ng kusina.
Nagkulong siya sa kwarto habang tahimik na umiiyak. Hindi niya alam kung bakit sa simpleng bagay ay emotional siya. Siguro ay dahil na rin sa mayroon siya ngayon pero alam niyang may factor ang paraan ng pagtrato ni Tristan sa kanya kanina kaya mas na-trigger ang emotion niya.
Sa sama ng loob ay hindi na siya muling lumabas ng kwarto. Busog pa naman siya kanina dahil nagmeryenda sila ng mayordoma. Bago matulog ay sinigurado niyang nakalock ang kanyang pinto. Ginamit din niya pati ang double lock sa itaas ng pintuan para masiguradong walang ibang makakapasok sa kanyang kwarto.
As if naman na pupunta ang lalaki sa kwarto niya. Sigurado siyang kasama na nito sa kwarto nito ang babae kanina.
Dismayado siyang natulog ngunit ganoon nalang ang gulat niya ng magising sa gitna ng gabi na mahigpit muling nakayakap ang lalaki sa kanya.
What are you really up to, Tristan Monteguado?