Chapter 5

1119 Words
Nang makapagpalit ay agad siyang lumabas ng kwarto. Palinga-linga siya dahil baka nakaabang na naman ang lalaki. Qouta na siya sa kahihiyan ngayong araw kaya mas mabuting magtago na lang muna siya dito. Nakahinga siya ng maluwag ng makarating sa kusina ng hindi ito nakikita ngunit gayon na lang ang gulat niya ng pumasok ito at kumuha ng maiinom habang kumakain siya. Mabilis siyang tumayo. "Ah...eh...kakain po ba kayo senyorito? Maghahain po ako. Iinitin ko lang saglit ang ulam." Sinigang na hipon ang ulam nila ngunit hindi na ito gaanong mainit dahil kanina pa ito niluto ng mayordoma. "No. I'm allergic to shrimps." Sagot nito bago sumandal sa ref habang direktang tumingin sa kanya. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin dahil hindi niya alam ang sasabihin. Wala siyang ideya kung bakit ganoon ang niluto ng mayordoma. Imposible naman na hindi nito alam na allergic ang amo sa hipon. "Ahmm...gusto ninyo po ba magluto ako?" Alanganin na tanong niya dito. Takot na magkamali sa sagot. "Did I tell you to do that?" Tila naiirita na ngayong tanong nito kaya napakagat-labi siya. "Tss...kumain ka na nga lang diyan.Pumunta ka sa kwarto ko pagkatapos." Tumango na lang siya sa sinabi nito.Mahirap na baka manalo na naman ang intrusive thoughts niya na laging dahilan ng kanyang pagkapahiya. Magana niyang tinapos ang pagkain. She loves seafood. Hindi niya alam kung paborito na niya iyon noon pero gusto niya ang lasa nito sa bibig niya. Madalang nga lamang siyang makakain noong nasa bar siya dahil umaasa lang siya minsan sa leftover sa kusina na pampulutan. Pagkatapos mag-toothbrush ay agad siyang pumunta sa kwarto ng lalaki.Tila nandidiri pa ang tingin na iginawad sa kanya ng mayordoma ng makita siya nitong papasok sa kwarto ni Tristan, bukas iyon kaya hindi na siya nag-abalang kumatok. Nginisihan na lang niya ito kaya pasimple pa itong umirap. Malakas ang feeling niya na malapit na siya nitong masabunutan. Wala naman siyang ginagawa pero tila laging iritado ang matanda sa kanya. "Lock the door." Utos ng lalaki sa kanya. Nakaupo ito sa may headboard ng kama habang may hawak na libro. It's the first time she saw him like this. Nakasuot pa ito ng salamin kaya plus factor iyon sa kung gaano ito ka-hot ngayon. Her hormones are raging, siguro ay dahil sa meron siya. Nakabalandra ba naman sa kanya ang magandang katawan ng amo na walang suot na pantaas at tanging boxer short lang ang suot. "Huh?" Natatarantang tanong niya dito. "Stop with your dirty thoughts. Come here!" Naiiritang sinabi nito kaya agad niyang sinaraduhan ang pinto at tila maamong tupa na lumapit kagaya ng utos nito. "Sir?" "Sit down." Turo nito sa parte ng kama na malapit dito. Kaya mo to Jesusa. Pagkumbinsi niya sa sarili. Kumakabog ang dibdib niya habang unti-unting lumalapit sa kama ngunit tila nainip ang lalaki dahil ito na mismo ang humila sa kanya. Ang ending ay nasubsob siya sa malapad na katawan nito. Agad siyang umayos ng pwesto at naupo ng tuwid. Sigurado siyang namumula ang mukha niya. Nanunuot sa kanya ang mabangong amoy ng dibdib nito. It was so refreshing, parang ang sarap matulog na kayakap ito magdamag. Magtigil ka Jesusa! Amo mo yan. "Nag-aral ka ba ng college?" Tanong nito matapos tumikhim. Natigilan siya sa tanong nito. Hindi niya matandaan kung nag-aral siya noon or kung nakatapos ba siya kahit elementary. "Nevermind. Base sa estado mo ngayon siguradong hindi ka nakatuntong sa kolehiyo." "Hindi ko po matandaan sir. N-naaksidente po kasi ako kaya po wala akong maalala sa buhay ko noon." Nakataas ang kilay na tiningnan siya nito pagkuwa'y tumango. "Mag-ayos ka ng sarili mo bukas. Sasamahan kita sa pinakamalapit na university dito. Mag-aaral ka." Mahinanong sinabi nito. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Bakit siya pag-aaralin ng amo? "P-Pero sir..." Tutol niya dito. Noon ay gusto niyang mag-try na magtanong sa college na malapit sa bar kung pwede siyang tanggapin kahit wala siyang requirements pero dahil sa dami ng trabaho niya ay hindi na niya nagawa iyon. Isa pa ay wala siyang sapat na pera kung sakaling tanggapin siya. "Bakit na naman?" Naiinis ng sinabi nito. Tinanggal pa nito ang salamin at tila handa ng salungatin ang sasabihin niya. "Kasi sir... w-wala po akong p-pera." Nahihiyang sinabi niya. "Did I tell you to pay?" Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Seryoso ba itong pag-aaralin siya ng libre? Pero anong kapalit? Bahagya niyang tiningnan ang sarili at niyakap. Pagtingin niya sa lalaki ay nakasimangot na ito ngayon sa kanya. "Stop doing that look. Kung iniisip mong katawan mo ang bayad sa pag-aaral mo, sayo na yan. Lugi pa ako sa sobrang flat mo." Maanghang nitong sinabi pagkuwa'y bahagya pang tumitig sa kanyang dibdib at tila dismayado. Sa inis ay mabilis siyang tumayo at humarap dito. "Hindi ko po tatanggapin ang alok ninyo." Buo ang loob na sinabi niya dito. Sigurado siyang may hihingin itong kapalit kung hindi man ang katawan niya. Gusto niyang mag-aral pero sa sarili niyang pagsisikap. Ayaw niyang dumaan sa shortcut. Isa pa ay wala siyang ala-ala, paano na lang kung payagan nga siyang mag-aral pagkatapos ay hindi naman pala siya graduate ng highschool. Mawawalan din iyon ng saysay, and of course her real name. Mahihirapan siyang ipabago ang credentials kung sakali. Hindi nagsalita ang lalaki. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya na tila sinasabing mali ang ginawa niyang desisyon. "Salamat na lang po sir pero mas pagtutuunan ko nalang po ng pansin ang talagang trabaho ko dito." Magalang niyang sinabi dito at akmang aalis na ngunit tumayo din ang lalaki at humarap sa kanya. Ngayon ay kailangan pa niyang tingalain ito dahil sobrang tangkad nito. Hanggang balikat lang siya ng lalaki at kung gugustuhin niyang magpakubli ay kayang-kaya nitong gawin iyon sa kanya. Mas matangkad at malapad ang katawan nito kumapara sa kanya. "Think it carefully, woman. Minsan lang akong mag-alok ng ganitong pagkakataon." "Ayaw ko po talaga sir. Pasensya na po." Nakatungo na ngayong sinabi niya dito. "Look at me!" Mariing utos nito. Agad siyang napatingin dito. Sinalubong niya ng tingin ang abuhing mga mata nito na pakiramdam niya'y mas dumidilim habang tumatagal niyang tingnan. She can feel the tension between them. Hindi din nakakatulong ang mabilis na t***k ng puso niya na tila gusto ng kumawala sa dibdib niya. "Hmm...tell me your real reason." "Ayaw ko lang po." Gustong-gusto na niyang kagatin ang labi dahil sa tensyon pero ayaw niyang mamis-interpret iyon ng kaharap. "Hmm...maybe, we can do something about it. Huh?" Hinawakan ng lalaki ang baba niya pagkatapos ay unti-unti nitong inilalapit ang mukha sa kanya. Mas bumilis ang t***k ng puso niya. Bago pa siya tuluyang mahulog sa bitag nito ay agad siyang kumawala sa hawak ng lalaki pagkuwa'y agad na tumakbo palabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD