Chapter 4

1038 Words
Pagdilat niya ay nasa loob siya ng hindi pamilyar na kwarto. Panglalaki ang dekorasyon doon, magkahalong kulay ng abo at puti. Babalikwas sana siya ng bangon ngunit ng maalala na nawalan siya ng malay kanina ay narealized niyang nasa loob pa din siya ng kwarto ng demonyitong amo. "H'wag ka munang bumangon. Padating na ang doctor na titingin sayo." Nagulat siya ng marinig na magsalita ang lalaki na kalalabas lang ng banyo. "S-sa baba na lang po ako Senyorito. Nakakahiya naman po na nandito ako sa higaan ninyo." Marahan niyang sagot dito habang pinipilit na tumayo ngunit agad na sumigid ang kirot sa kaibuturan niya. Tila binugbog din ang kanyang buong katawan. "Stay!" Agad itong lumapit sa pwesto niya at inalalayan siya. Nagulat pa siya ng makitang tila nag-aalala ito ngunit marahil ng mapansin na nakatingin siya ay agad itong umiwas ng tingin at muling bumalik sa may pwesto nito kanina. "Senyorito, nandito na po si Dr.Estrella." Ang mayordoma ang nagsalita bago pumasok sa kwarto habang kasunod ang isang lalaki na tingin niya ay kasing-edad lamang ni Tristan. "I'll just assess the patient. Iwanan nalang ninyo muna kami." "No! I'll stay.Manang, stay outside." Agad na singit ni Tristan bago pa tumutol ang doctor. Tumango nalang ito at agad na lumapit sa kanya. "She's fine.Iyong mga gamot na nireseta ko ay kailangan lang niyang inumin. Hayaan mo munang magpahinga ang girlfriend mo Mr.Monteguado. Iwasan muna ninyo ang...sexual activity." Tila normal na sinabi nito ngunit agad siyang pinamulahan. Wala namang reaksyon si Tristan at tila nakikinig pa itong husto sa doktor samantalang siya ay halos gusto ng magpakain sa lupa. Bakit nga ba hindi niya iyon naisip. Ang ginawa ng lalaki ang ugat kung bakit masakit ang buong katawan niya. Pagkatapos umalis ng doktor ay masama siyang tiningnan ni Tristan. "Hindi ka ba talaga marunong ilugar ang sarili mo ha?!" Tila galit na sinabi nito. "Ano na naman ang ginawa ko?" Clueless na tanong niya. "Kulang na lang ay anyayahan mo si Estrella na samahan ka diyan sa kama!" Mabagsik na sinabi nito. "You're in my house, woman! Ako ang amo dito! Sa akin ang lahat ng nakatira dito kasama ka na dun. Kaya kung iniisip mo na umalis para sundan ang doktor na yun, h'wag mo ng subukan!" "Wala po akong iniisip na ganyan Senyorito." Nakayukong sinabi niya dito. Nahihilo lalo siya sa walang katotohanang ibininintang ng lalaki sa kanya. "Siguraduhin mo lang! No one can have you as long as your here! Ang akin ay akin! Naiintindihan mo?!" "O-opo..." Wala siyang lakas ng loob na makipagtalo dito. Kailangan niyang magpalakas para makapag trabaho na ulit. She needs to find ways to escape this place. Mali na pumunta siya sa poder nito. "Good. Magpahinga ka. Ipapadala ko kay Manang ang pagkain mo dito pati na ang gamot mo." Hindi na siya sumagot at muli na lang humiga. Nanghihina siyang sobra at mas sumasakit ang ulo niya sa bawat salitang binibitawan ng lalaki. Alas-dos na ng lumabas siya ng silid. Mabuti na ang pakiramdam niya. Hindi na muling nagpakita ang binata mula kanina kaya ipinagpasalamat niya iyon. Ang mayordoma naman ay hindi siya kinausap kahit nakita siya nitong lumabas ng kwarto ng amo nito. Pagdating sa sariling kwarto ay agad siyang nagpalit ng damit. Pakiramdam niya'y nanggigitata siya kahit nasa loob naman siya ng kwartong may aircon hanggang tanghali. Pagkatapos muling magpahinga ay agad na siyang lumabas ng silid. Mag aala-singko na kaya naisipan niyang magtungo sa kusina. Tutulong siya para sa paghahanda ng hapunan. Gayon na lang ang gulat niya ng makita ang lalaki na nakatayo habang nakahalukipkip sa mismong gilid ng kwarto niya na tila hinihintay siyang lumabas. Nakakunot-noong pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Where are you going?" "Tu-tutulong sa kusina." Nauutal niyang sinabi dito. "Bakit?" "Kasi...trabaho ko yun?" Pilosopong sagot niya dito. Daig pa ng lalaki ang may menstruation sa tindi ng mood swings nito. Kanina lang ay pinagbintangan siya nito ngayon naman ay tila imbestigador ito kung magsalita. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito sa halip na patulan siya. Doon siya mas nagulat. Concern ba talaga ito? "Don't answer it. Of course, you're fine. Dapat lang kasi madami ka pang trabaho!" Masungit na naman na sinabi nito na ikinailing na lang niya. "Okay." Balewalang sinabi niya dito pagkuwa'y umakmang lalagpasan ang lalaki ng bigla siyang hilahin nito pabalik sa kanyang kwarto. Mabilis ang t***k ng puso niya ng isandal siya nito sa kasasarado lang na pintuan ng kanyang kwarto. "Undress..." Utos nito habang nakatitig sa kanya. Bahagya nitong pinakawalan ang kamay niya na tila sinasabing gawin niya ang inuutos nito. "N-Ngayon?" Naniniguradong tanong niya dito. Muli ba nitong gagawin ang bagay na iyon? Pero masakit pa ang katawan niya. "Yeah..." Mahinang sinabi nito bago hulihin ang labi niya. Nalasahan niya ang alak sa bibig nito. Hindi pa gumagabi pero uminom na ito agad. Kaya ba ganito ito kaagresibo ngayon? "P-Pero...bawal pa sabi ng doktor." Nakakagat-labing sinabi niya dito. Ipinikit pa niya ang mga mata dahil baka bigla siyang sapukin ng lalaki sa pagtanggi niya. Inaantay niya ang maanghang na salita mula dito o kahit anong reaksyon ngunit ilang sandali ang lumipas ay wala siyang nakuha. Doon siya dumilat para lamang makita ang pinipigilang ngisi ng lalaki sa kanya. Nang marahil ay hindi na nito mapigilan ay humalakhak ito ng malakas. "Fvck! Hahaha...do...you really think that I'm that cruel?" Hindi na halos maintindihan ang sinasabi nito dahil sa kakatawa. Sa inis ay binatukan niya ito ng malakas. Saka lang niya napagtanto ang nagawa ng masamang tumingin ang lalaki sa kanya. "s**t! I'm sorry, Tristan. I mean, Senyorito." Sunod-sunod na sinabi niya dito. Kinakabahan siya dahil baka dahil sa ginawa niya ay matuluyan nga siyang saktan nito. "Napakabigat ng kamay mo, babae! Dati ka bang maton ha?" Tila naiinis na sinabi nito. "Tss..di bali na nga. Palitan mo yang suot mo. Nagkaroon ka." Namumulang sinabi nito bago siya tinalikuran. Agad siyang tumalikod sa salamin sa harap niya oara tingnan kung totoo ang sinasabi ng lalaki. Nagkaroon nga siya. Tangina! Puti pa naman ang suot niyang cotton short. Kaya pala mas sumama ang pakiramdam niya. Nakakahiya! Nag-assume pa siyang may gagawin ito sa kanya pero dahil pala sa tagos kaya siya pinaghuhubad nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD