Wala siyang choice kundi ang sundin ang gusto ng lalaki. Ayaw naman niyang ang kasunod na mangyari sa kanya ay makulong. Di bale, pagtyatyagaan na lang niya ang demonyong ugali nito. Ang mahalaga ay may matutuluyan na siya ngayon.
"Mag-intay ka, demonyito." Sigaw niya dito pabalik ngunit hininaan ang huling sinabi. Mahirap na baka mamaya ay pasabayin nalang siya nito sa kotse sa halip na pasakayin.
"What did you say?" Salubong ang kilay na sinabi nito.
"Ang sabi ko po, saglit lang senyorito." Maamong sinabi niya dito pagkatapos ay nginitian niya ng matamis ang lalaki.Masakit pa din ang balakang niya kaya paika-ika siyang naglakakad palapit dito.
Tila nagulat ito sa inasta niya ngunit ng makabawi ay maanghang siyang sinigawan nito. "w***e!" Dinig din niya ang malakas na pagsarado nito ng pinto ng kotse.
Bahala siya sa buhay niya. Hindi naman niya kotse ang masisira!
Malaki ang bahay ng lalaki. Pakiramdam niya'y maliligaw siya kung sakaling libutin niya iyon. Napakalawak ng sala na halos ilang beses ang laki sa mga kwarto ng bar. Sigurado siyang mahal din ang presyo noon. Kunsabagay kinaya nga nitong bumayad ng 20 million para lang sa babae. Ano pa kaya ang gastusan nito ang bahay na tinitirhan nito.
"Your duty was to clean the whole house except my room. H'wag na hwag kang pupunta sa kwarto ko dahil ang mayordoma lang ang pinapayagan kong pumunta doon." Mahigpit nitong utos sa kanya na tinanguan lang niya. Wala naman siyang balak na pumasok sa kwarto nito, baka mamaya eh makita niya ng tuluyan ang itsura ng impyerno. Syempre demonyito ang may-ari, ano pa bang aasahan niya.
"Anong binubulong-bulong mo diyan ha?" Usisa nito sa kanya kaya agad siyang napatigil sa ginagawang pagmumura sa isip sa lalaki. Hindi niya namalayang isinasatinig na niya iyon.
"Wala po senyorito. Sino po pala iyong mayordoma na tinutukoy mo?" Magalang na ngayong tanong niya dito.
"Manang Letty!" Sigaw nito sa loob.
"Sandali lang Hijo...pupunta na." Dinig niya balik na sigaw mula sa isang pinto na hindi niya alam kung kwarto o kusina.
Lumabas mula doon ang isang may katandaang ginang na nakangiti pa ngunit ng makalapit sa kanya ay biglang napalitan ng galit ang mukha nito.
"Anong ginagawa ng babaeng yan dito Tristan? Alam ba ito ng Mommy mo?"
"Huh?!" Naguguluhang tanong niya.
Binulungan ito ni Tristan kaya bahagya itong kumalma pero nanatili ang talim ng tingin ng ginang sa kanya na tila nakagawa siya dito ng malaking kasalanan.
"Ikaw na ang bahala sa kanya Manang. Ituro mo sa kanya ang lahat ng gawain niya dito." Utos ni Tristan sa ginang na hindi na muling humarap pa sa kanya.
Nanunuri siyang tiningnan ng ginang mula ulo hanggang paa kaya naiilang siya ng sobra dito.
"Anong pangalan mo?" Nakataas ang kilay na tanong nito.
"Ah-eh... Jesusa Encarnacion po ma'am."
"Jesusa?" Tila hindi naniniwalang sinabi nito. "Paano ka nakita ni Señorito Tristan?"
Hindi siya agad nakasagot dahil nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya ditong nabili siya ng lalaki sa auction.
"Sabihin mo ang totoo. H'wag kang magsisinungaling." Galit na sinabi na nito.
"S-sa bar po." Nahihiyang pag-amin niya.
"Bar?! Sinasabi ko na nga ba! Kunsabagay ang mga babaeng katulad mo ay sa bar lang talaga makikita. Mabababang uri!" Insulto nito sa kanya kaya bahagyang napakuyom ang kamao niya. Sanay na naman siyang naririnig iyon tuwing malalaman ng iba na sa bar siya nagtatrabaho kahit bilang waitress lang pero masakit pala na husgahan ka ng harap-harapan.
"H-hindi naman po Manang.."
"H'wag ka ng magpaliwanag. Bitbitin mo na yang gamit mo at sasamahan kita sa magiging kwarto mo."
Pilit na pilit niyang itinutuwid ang lakad kahit pakiramdam niya'y matutumba na siya dahil sa sakit na dulot ng ginawa ni Tristan kanina ngunit napansin pa din iyon ng mayordoma?
"May sugat ka ba? Bakit nahihirapan kang maglakad?"
"Ha? Ah eh wala po. May pigsa lang..." Palusot niya.
"Baka mamaya may kung anong sakit ka na. Makahawa ka pa dito."
"Don't worry po. Hindi naman po ako umabot sa ganoon." Siguro ay akala nito'y nakikipag s*x siya kung kani-kanino porke nasa bar.
"Siguraduhin mo lang." Sagot nito pagkatapos ay nauna ng maglakad. Siya naman ay sumunod dito.
"Dito ang kwarto mo." Isang single bed ang tumambad sa kanya pagbukas nito ng silid. May isang maliit na bintana at cabinet na nakalagay doon. Ayos na din naman sa kanya ang kwarto at least ay may electric fan naman na nakalagay doon kaya hindi na siya umangal.
Agad siyang iniwanan ng mayordoma pagkatapos siyang pagbilinan nitong matulog na dahil maaga pa siyang maglilinis bukas. Pagkatapos maglinis ng katawan ay agad na siyang humiga.
Hindi pa ganoon kalalim ang kanyang tulog ng maramdaman niyang may dumagan sa kanya. Sisigaw sana siya ngunit tinakpan ng kung sino ang bibig niya. Madilim pa naman sa kanyang kwarto dahil pinatay niya ang ilaw.
"H'wag kang sumigaw. Magigising si Manang Letty." Narinig niyang galit na bulong ni Tristan sa kanya habang nakatakip pa rin ang kamay nito sa bibig niya.
Inis na kinapa niya ang braso nito pagkatapos ay kinurot. Akala niya'y kung sino na. Ang demonyitong amo lang pala niya.
"Aray!" Mariing angil nito dahil napalakas yata ang kurot niya.
This time, siya na ang nagtakip ng bibig nito bilang pambawi sa ginawa sa kanya.
"Shh.. h'wag kang maingay. Baka magising ang mayordoma." Nang-aasar na sinabi niya dito.
Ramdam niya ang inis ng lalaki bago ito umalis sa ibabaw niya pagkuwa'y biglang bumukas ang ilaw sa kwarto. Napatakip pa siya ng mata ng makitang naka boxer at sando lang ang lalaki.
Matalim itong tumingin sa kanya. "You're so annoying, don't you know that?"
"Ows? Parang hindi naman." Pabalang din niyang sagot dito. "Atsaka ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ko? Kita mong natutulog yung tao.Manggugulat ka!"
"This is my house. So technically akin ang kwartong ito kasama na ang lahat ng nakatira dito."
"Ows? Pati si Manang?" Nang-aasar niyang sinabi.
"Except her." Namumulang sinabi nito, maging ang tenga ay pulang-pula din na tila nahihiya sa pasimpleng banat niya.
"O-kay." Kunwaring pag sang-ayon niya. "Ano nga palang ginagawa mo dito?"
"Wala ka ng pakialam doon." Inis na sinabi nito pagkatapos ay tinalikuran siya ngunit agad ding lumingon at may ibinato sa kanya na tumama pa sa kanyang mukha.
"Inumin mo yan." Umiwas ito ng tingin matapos niyang makita na gamota ng laman ng ibinato nito sa kanya.
"Para saan?" Naguguluhang tanong niya.
"To ease your soreness...tss" Tila naiinis na ngayong sinabi nito pagkuwa'y tuluyang tumalikod at lumabas. Binagsak pa nito ng malaks ang pinto.
Sinunod na lang niya ang gusto ng lalaki dahil pakiramdam niya'y lalagnatin talaga siya sa sakit ng parteng iyon ng katawan.
Morning came. Alas-kwatro pa lang ay kinakatok na siya ng mayordoma para bumangon. Antok na antok pa siya dahil medyo namahay siya sa tulugan. Alas-2 na siya halos nakatulog. Bukod pa doon ay sobrang sakit ng katawan niya. Mainit din ang buong katawan niya, at masakit ang ulo.
"Bakit po Manang?" Pumupungas-pungas pang tanong niya pagkabukas ng pinto.
"Anong bakit? Maaga na. Aba'y hindi ka Señorita dito. Kumilos ka na at maagang aalis ang Señorito.Kailangan na bago mag alas-sais ay nadala mo na ang pagkain niya sa kanyang kwarto."
Pagkatapos tumango ay iniwanan na siya ng mayordoma na panay pasaring pa ng tungkol sa katamaran. Nahihilo siyang nagpalit ng damit. Ayaw niyang maligo dahil pakiramdam niya'y mapapaso ang katawan niya kapag nadantayan ng malamig na tubig.
Pinagwalis siya ng mayordoma sa buong salas habang nag-aasikaso ito ng pagluluto. Maya't-maya ang daing niya dahil kumikirot ng sobra ang ulo niya. Napakabagal pa niyang kumilos dahil tama ang hinala niya kahapon na magdudulot ng sobrang sakit ang ginawa ni Tristan sa kanya.
"Bilis-bilisan mong kumilos babae.Pagkatapos mo diyan, diligan mo ang mga halaman sa bakuran." Narinig niyang sinabi ng mayordoma pagkababa pa lang niya ng walis tambo na hawak.
"Opo Manang." Magalang niyang sinabi dito kahit nahihilo na siya ng sobra.
Mabagal siyang lumabas ng bahay para hanapin ang pandilig. Ang sabi ng mayordoma ay mayroon daw na hose na ginagamit doon. Mabuti na lang at nakita niya kaagad.
Sa kamalasan niya, pagbukas niya ng hose ay sa kanya lahat dumiretso ang tubig noon. Hindi niya alam na hindi niya natanggal ang pagkatutok sa kanya sanhi para mabasa siya.
Lintik Jesusa! Napakamalas mo!
Agad siyang pumasok sa loob. Nakasalubong pa niya ang mayordoma na tila naiinis sa itsura niya.
"Anong nangyari sayo? Bakit basang-basa ka?"
"Ah-eh nabasa lang po ng hose Manang."
"Natapos mo ba ang pagdilig?"
"Hindi pa po."
"Bilis-bilisan mo naman babae. Mag-aalas sais na. Kundangan ba naman at ikaw pa ang kinuha ng Señorito. Wala ng maayos na nagawa." Bubulong-bulong na sinabi nito bago muling bumalik sa kusina.
Binilisan lang niya ang pagbihis kahit nahihirapan siya. Umuubo-ubo na din siya, siguro ay dahil sa pagkabasa. Kapag hindi siya makainom ng gamit ay baka trangkasuhin pa siya.
"Bumaba ka kaagad pagkadala mo nito sa kwarto niya. Ganitong oras ay bukas na ang kwarto nito. H'wag ka ng magtitingin ng kung ano sa kwarto. Naliligo ang Señorito ng ganitong oras." Mahigpit na bilin ng matanda na tinanguan lang niya. As if naman ay interesado siyang magtagal sa kwarto nito.
"Señorito, nandito na po ang umagahan ninyo." Sigaw niya mula sa labas pagkatapos kumatok sa pintuan. Walang sumasagot doon kaya pinihit niya ang doorknob. Tama nga ang mayordoma, bukas na iyon kaya dumiretso na siya sa loob.
Agad niyang ibinaba ang maliit na mesa kung saan nakalagay ang pagkain na dala niya sa kama ng lalaki. Napakalaki ng kwarto nito taliwas sa kwarto niya sa ibaba. Kunsabagay muchacha lang siya ng lalaki kaya ano pa bang aasahan niya. Gray ang halos kulay ng nasa loob ng kwarto nito na hinaluan ng puting pintura. Ang isa pang napansin niya ay ang malinis na pagkakalagay ng bawat gamit sa loob. Maging ang hinigaan ng lalaki ay maayos ang pagkakahipid.
"You're done right? Ano pang ginagawa mo dito?" Napaigtad siya sa boses mula sa kanyang likuran. Gulat na gulat siya ng makita paglingon ang binatang tanging puting tuwalya lang ang nakabalot sa parteng ibaba nito. Ang tubig mula sa buhok ay bahagya pang tumutulo.
Shocks! Walang sinabi ang katawan ng mga modelong nakikita niya sa magazine sa katawan ng kaharap. Mula sa malapad nitong dibdib pababa sa 6 pack-abs nito. Bahagya pa siya g napalunok ng mapasadahan niya ang nakabukol kahit may nakabalot doong tuwalya.
"Punasan mo yang laway mo. Tumutulo. Pagkatapos ay lumabas ka na at magbibihis ako." Biglang natigil ang iniisip niya ng marinig ang sinabi nito.
"O-opo."Sagit niya dito pagkatapos ay akmang lalabas na ng maramdaman niya ang muling pag-atake ng sakit ng ulo niya.
Ang kasunod niyang naramdaman ay ang pagdilim ng lahat sa kanya.