Chapter 13

1064 Words
Palibhasa ay walang pasok kinabukasan, ginawa niyang busy ang sarili sa pag-aayos ng mga papel sa lumang opisina ng lalaki. Iniutos kasi iyon ng mayordoma dahil matagal na daw hindi nalilinisan ang lumang library. Pagkatapos maligo ay agad na siyang dumiretso sa tinutukoy ng matanda. Nasa dulong pasilyo ito ng second floor kaya medyo malayo din ang nilakad niya para makarating doon. She busied herself with arranging and cleaning every book on the bookshelves.. Iyong iba ay binabasa pa niya dahil naa-attract siya sa title.Some are magazines, but more are business books. Malamang ay sa binata iyon. Nalibang siya sa pagbabasa kaya ng ipagpatuloy niya ang paglilinis ay nakuha ang atensyon niya ng isang maliit na notebook na nasa gitna ng makakapal na libro. Na-curios siya sa kung anong laman niyon kaya nagsimula siyang buklatin. As she went through the pages, she realized that the notebook had only one purpose. To confess to someone who has an initial with A. The notebook was composed of love notes. Nang tingnan niya ang mga dates niyon ay halos araw-araw. It goes on for almost 8 years, then stops 3 years ago, based on the dates written. A, You always make me smile every time we are together. I can't imagine myself living in the future without you by my side. Love, Handsome Suitor It was the very first note. The following notes were all about his feelings when they are together, his plans for their future, and how many kids he wants with her.. Hindi niya alam ngunit bahagya siyang nasaktan sa nabasa. Sigurado siyang sa lalaki ang notebook at ang isipin na may babae itong minahal or siguro ay minamahal pa din hanggang ngayon ang nagpapasikdo sa kanyag puso at hindi siya natutuwa sa panibughong unti-unting kumakawala sa kanya. A. Is it that doctor? Ito lamang ang alam niyang A nagsisimula ang pangalan. Siguro nga ay ito. Sobrang maalaga ang lalaki dito ng pumunta ng mansyon at hinatid din pabalik. Are they lovers? Imposible naman na ex nito ang babae dahil wala pa siyang na-encounter na mag-ex na ganoon kung magtitigan. The man looked at her with love, unlike when he looks at her, where sometimes she can see the disgust he has for her. Sa isipin ay bahagya siyang bumagal sa ginagawa. Ibinalik din niya ang notebook sa dati nitong lagayan. Ipinagpatuloy niya ang paglilinis ngunit may kasama ng bigat sa kanyang dibdib hindi katulad kanina. "What are you doing here?" Nagulat siya sa biglang nagsalita kaya bigla siyang lumingon. Nililigpit na lang niya ang mga ginamit na panglinis pagkatapos ay lalabas na sana siya. It was Tristan, leaning handsomely on the door. Umiwas siya ng tingin sa halip na salubungin ang titig nito. Naalala niya ang bawat confession na nabasa niya kanina. Dali-dali niyang kinuha ang mga gamit pagkuwa'y mabilis na naglakad papunta sa daan patungong pinto kung saan nakaharang na ang binata ngayon. "Why?" Hinawakan nito ang braso niya para pigilan siyang lumabas. "Magluluto pa po ako ng tanghalian,sir." Hindi makatinging sagot niya dito. Hinawakan ng lalaki ang baba niya at pinilit siyang tingnan ito. "Tell me. What's wrong?" Malambing na tanong nito sa kanya. Sa sobrang rahan ay pakiramdam niya'y bibigay na siya at iko-confess ang nararamdaman sa dahil sa nabasa. "Wala po sir." Mailap ang tingin na sinabi niya dito. "Then why are you crying?" Hindi niya namalayan na nagtutubig na pala ang mga mata. She was so confused about what she felt. Hindi pa umaabot ng isang buwan ang kanilang pinagsamahan ngunit kung umakto siya ay tila asawang pinagtaksilan dahil lang sa nabasa. "N-Napuwing lang po." Dahilan niya dito. Ngunit hindi iyon tinanggap ng lalaki. Kinuha nito ang dala niya at basta nalang sinipa papasok ng kwarto pagkuwa'y sinarhan nito ang pinto. Ang hindi niya inaasahan ay ang ginawa nitong pagbuhat sa kanya papunta sa malapit na sofa na kanina ay pinalitan din niya ng cover. Umupo ang lalaki doon ng hindi siya pinapakawalan sa bisig nito. Nang akmang aalis ay hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanya. Nanatili sila doon ng halos dalawang minuto na walang nagsasalita. Tila nagpapakiramdaman. "What's bothering you?" Hindi nakatiis na tanong nito. Hindi siya nakaimik. Nahihiya siyang aminin na gusto niyang patigilin ang oras at hayaan silang nasa ganoong posisyon. It calmed her. Being in his arms brought her chaotic heart into peace that no one had ever done before. "Tell me, sweetheart. Hmm..." He started breathing towards her neck. The sensation was arousing her. Pero dahil alam niyang pawisan siya ay iniiwas niya ng kaunti ang katawan dito. Hindi naman siya makakalayo dahil karga pa din siya ng lalaki habang nakaupo siya sa hita nito. "M-May n-naaalala lang ako." Palusot niya ngunit ramdam niya ang biglang pagrahas ng paghinga ng lalaki. Mabilis siya nitong binitiwan kaya muntikan na siyang mahulog, mabuti na lang at nakatayo siya agad. "What did you remember?" Malamig na ngayong tanong ng lalaki na nagtatagis ang bagang.Lumayo pa ito ng dalawang hakbang mula sa kanya na tila biglang nandiri sa kanilang distansya. Gayon na lang ang pagtataka niya sa reaksyon nito. "N-naaalala ko lang po si Mamang Sasha kung kumusta na siya. H-Hindi po kasi maayos ang pag-alis ko ng bar." Partly, it was true. Nitong mga huling araw ay naiisip niya ang kalagayan ng babae. Kahit naman pinagtabuyan siya nito sa bar ay naging mabait pa rin ito sa kanya.She was the one who gave her food, clothes, and shelter, and she won't forget it. Siguro ay nasawa lang ito na tulungan siya kaya nito nagawa iyon. But the man looked like he wasn't buying any of her excuses. Mabilis siya nitong tinalikuran at agad na binuksan ang pinto at lumabas doon. Naiwan siyang nakatulala sa kwarto. Nang mahimasmasan ay lumabas na din siya ng kwarto,bitbit ang mga panlinis sa isang kamay. Binaybay niya ang pasilyo hanggang makarating siya sa tapat ng kwarto ng lalaki. Akmang kakatok siya doon ng biglang bumukas ang pinto at ang madilim na mukha ng binata ang bumungad sa kanya. Nakakunot ang noo nito na tila inaantay siyang magsalita. Hindi niya makapa ang sasabihin. Maging siya ay nagulat sa kanyang gagawin. "Sorry, sir." Iyon na lang ang nasabi niya bago tumalikod at hiyang-hiya na maglalakad na sana pababa ng hagdan ng muling magsalita ang lalaki na ikinatigil niya. "Don't force yourself to remember your past. Perhaps there was a reason it was forgotten."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD