"I'll call you later. Alas-4 ang labas mo mamaya diba?" Tanong ni Tristan ng akmang bababa na siya ng sasakyan. Nagpresinta itong ihatid siya sa first day ng klase. Ayaw niyang pumayag noong una pero dahil magagalit na naman ito ay wala na siyang nagawa
"Oo.Pero baka maabala ka. Hindi ba at pupunta ka ng opisina?" Nasabi kasi ng matanda na tuwing lunes ay nasa opisina nito ang amo kaya madalas ay busy ito ng ganoong araw.
"Ako ng bahala doon." Nagsusungit na namang sinabi nito. "Maaga sa alas-kwatro ako pupunta kaya tawagan mo ako. Dito na lang din ako maghihintay."
"S-Sige." Napipilitang sinabi niya.Kung siya lamang ay wala iyong problema ngunit ang pasaring ng mayordoma kahapon ang bumabagabag sa kanya. Nakita nito ang pulang marka na inilagay ng lalaki sa kanyang leeg ng nagdaang gabi kaya panay ang pagpaparinig nito na katulong ang role niya doon at hindi ipokpok ang sarili. Nasaktan siya pero hindi naman niya magawang idefend ang sarili. Bumigay siya sa lalaki. Nakalimutan niya ang estado nila. Kahit sabihin na inakit siya nito ay hindi dapat niya hinayaan pero paano din niya sasabihin sa matanda na binili siya ng lalaki kaya hindi niya ito magawang hindian.
"Anong iniisip mo?" Tanong nito ng marinig ang pagbuntong-hininga niya. "May kausap ka na ba na maghahatid sayo kaya ayaw mo na sunduin kita?" Malamig na ngayong sinabi nito.
"H-Hindi naman sa ganoon. Ang sa akin lang ay baka mahirapan ka sa pagbyahe kung susunduin mo pa ako."
"I said, I can manage. Now, go to your class before I change my mind." Masungit na sinabi nito.
"Okay."
Hindi niya mabuksan ang pintuan kaya napatingin siya dito.
"H-Hindi ko mabuksan."
"It's because you forgot something."
Napatingin siya sa gamit niya. Hawak niya ang backpack na galing din sa lalaki. It was a mini duma backpack from chanel. Nang tingnan niya ang presyo noon sa internet ay halos lagnatin siya. Tinanggihan din niya ngunit tinakot siya ng lalaki na hindi na papayagang mag-aral oras na ibalik niya iyon kaya napilitan siyang gamitin. Ngayon tuloy ay ingat na ingat siya at baka magasgasan. Ang isa pa niyang inaalala ay scholar siya ng school pagkatapos ay may bag siyang milyon ang halaga.
"Kiss. Tss..." Tila batang ngumoso pa ang lalaki. Siya naman ay hiyang-hiya na lumapit dito. Simula ng may mangyari sa kanila noong isang araw ay mas naging clingy ito sa kanya. Kagabi nga ay sa kwarto na naman niya ito natulog at may nangyari na naman sa kanila.
Sa pisngi lang ang balak niya ngunit hinagilap ng lalaki ang labi niya at maalab siyang hinalikan. Tila gigil pa ito dahil bahagya pang kinagat ang pang-ibaba niyang labi. Tumagal iyon ng halos isang minuto bago siya nito pakawalan.
"Go. Now..." Tila hirap na hirap nitong sinabi bago diinan ang hawak sa manibela. Siya naman ay mabilis na bumaba ng sasakyan at baka kung ano pa ang hilingin nito sa kanya.
Sa klase ay katulad lang ng usual. Introduce yourself and election of officers. Mababait ang kanyang mga kaklase. Katulad niya ay pangarap ng mga itong mangibang-bansa kaya kinuha ang ganoong kurso. Iyon nga lang, kahit anong tago niya sa bag ay napansin pa din iyon kaya sinabi nalang niyang galing lang sa ukay at natyempuhan lang niyang mabili sa murang halaga. Nakumbinsi naman yata niya ang mga ito kaya hindi na inusig pa.
"Hi! Pwede ba kaming umupo dito?" Nakangiting tanong ng tatlong kaklase niya. Nasa canteen sila ng paaralan dahil lunch. May baon siyang pagkain dahil sa halip na kumain kaninang umaga ay iginayak na lang niya iyon. Paano ba naman, alas-siyete na siya nagising kanina at ang mas nakakahiya doon ay ang lalaki pa ang gumising sa kanya. Ang klase niya ay magsisimula ng 7:45 kaya nagmadali na talaga siya.
"Wala namang nakaupo diyan." Nakangiting balik din niya sa mga ito.
"Ang pormal naman natin." Natatawang sinabi ni Stacey. Naalala niya ito dahil isa ito sa mga kwela ng klase nila kanina.
"Jesusa, right?" Tanong pa nito.
Tumango naman siya.
"Can I call you Jess nalang? Masyado kasing mahaba ang pangalan mo and err...sorry for the term pero makaluma."
Natawa na din siya sa sinabi nito ngunit tumango nalang din. Wala namang problema sa kanya ang pangalan na ibinigay ng dating amo. Hindi naman kasi iyon ang magsusukat ng kabutihan ng isang tao.
"I'm Stacey. This is Anya and Chloe." Pakilala nito maging sa mga kasama.
Ngumiti lang sa kanya ang dalawa bago ang mga ito umupo. Mababait ang mga ito. Hindi miminsang napatawa siya habang kumakain sila ng tanghalian. Hiningi din ng mga ito ang number niya at gumawa ng gc nilang apat sa f*******: para daw kapag may mga activities ay ma-inform nila ang isa't-isa. She was grateful because of it. Nagkaroon siya ng bagong kaibigan sa katauhan ng mga ito. Sa bar kasi dati ay wala siyang kinakausap na iba lalo na ang mga dancers. Galit ang mga ito or mas tamang sabihin na inggit dahil kapag nakikita siya ng mga nagte-table dito ay pinipilit na siya nalang daw ang kukunin, na syempre ay agad niyang tinatanggihan.
Eksaktong alas-kwatro natapos ang huling klase niya. Pero dahil na-elect siyang isa sa mga officers ng klase ay kailangan niyang umattend ng meeting. Kasama din doon sina Stacey, Anya, at Chloe. Ang problema lang ay lobat ang kanyang cellphone, hindi niya maiitext ang lalaki na matatagalan siya bago lumabas. Wala siyang dalang charger at kahit gustuhin na makitext ay hindi niya saulado ang numero ng lalaki. Hindi na din sila pinayagan na lumabas dahil mabilis lang naman daw ang meeting kaya bago mag alas-singko ay tiyak na makakauwi na sila. Ang pinapanalangin na lang niya ay na-traffic ang lalaki or nakalimutan nito na susunduin siya kasi kung hindi ay siguradong mag-iinit ang ulo nito sa pag-iintay sa kanya.
Pagkatapos ng halos isang oras na meeting ay lakad-takbo ang ginawa niya palabas ng school. Hindi na pinansin ang pagtawag ng tatlo sa kanya.
Nakasandal si Tristan sa mustang nito ng maabutan niya sa labas. Tila inip na inip dahil panay ang pagtingin sa relo. Mabilis siyang lumapit dito.
"I'm sorry. Nagkaroon pa kasi ng meeting after ng klase. H-Hindi-"
"Get in!" Hindi na nito pinatapos ang sinasabi niya dahil mabilis na itong naglakad at pumasok sa driver's seat.
Tahimik silang dalawa sa loob ng sasakyan. Nang tingnan niya ang lalaki ay nakakunot-noo ito habang nakatingin lang sa daan.
"I'm sorry..." Nahihiyang sinabi niya dito. Nakakagat-labi siya dahil nagi-guilty siya. Hindi kasi niya alam na hindi niya dala ang charger ng cellphone kaya hinayaan niya ang cellphone na malobat. Wala naman siyang mahiraman dahil hindi niya kaparehas ng charger ang tatlo.
"Tss..."
"H-Hindi ko kasi alam na wala sa bag ko yung charger t-tapos nalibang kami kanina mag-groupie sa cellphone ko." Nahihiya niyang pag-amin. Pagkatapos kasi ng lunch ay vacant nila kaya naisipan nilang apat na mag-groupie nalang bilang remembrance. Dahil nakacharge ang cellphone ng tatlo ay sa kanya ang ginamit nila.
"You could've texted me. But never mind... there's no point in it now. Just don't do it next time."
Hindi na ito nagsalita hanggang sa makarating sila ng bahay. Dire-diretso lang itong tumuloy sa ikalawang palapag ng hindi manlang pinansin ang mayordoma na nakataas na naman ang kilay sa kanya.
Akmang babatiin niya ito ng ingusan lang siya ng matanda pagkatapos ay bumalik ito sa kusina.