Chapter 25

1596 Words
Monday. Maaga siyang naggayak para makapunta ng school. After her encounter with Tristan, iniwasan niya ito ng todo. Lumalabas lang siya ay sa tuwing wala ito maliban na lang kung may inuutos ang mayordoma. Naging textmate pa niya si Joseph para lang maiwasan ang lalaki, ito kasi ang driver ng binata papunta sa office nito noong mga huling araw kaya nakikibalita siya. "Nagsimula na yung parada kanina pa Jess. H'wag na tayong sumama!" Si Stacey na busy sa paglalagay ng make-up sa mukha. Nasa classroom silang tatlo dahil katatapos lang niyang sukatin ang gown na gagamitin niya sa pageant. Perfect fit iyon sa kanya kaya wala ng problema sa pagpapa-adjust. "Sa tingin ninyo dapat ko bang samahan si Jeremy mamaya?" Nagulat siya ng biglang magsalita ang tahimik na si Anya. Akala niya ay wala itong naririnig sa usapan nila dahil may nakalagay na namang headset sa tenga nito. "Oo naman!" Magkapanabay pang sinabi ni Chloe at Stacey sa kaibigan. Siya naman ay clueless sa tinutukoy ng mga itong Jeremy. "Who's Jeremy?" Hindi nakatiis na tanong niya. "Y-Yung engineering..." Namumulang sinabi ni Anya kaya kinantyawan ng dalawa. "Sus! Yung crush mo kamo mula elementary!" Madaldal na sinabi ni Stacey. "H-Hindi kaya..." Si Anya na parang kamatis na sa pamumula. "Deny ka pa girl. Remember, magkakasama na tayo mula noon. Alam na namin ang lahat sayo!" Ang nakangising si Chloe naman ang nagsalita kaya natawa nalang siya. "Saan daw ba kayo pupunta?' Tanong naman niya dahil mukhang mapipikon na si Anya sa pang-aasar ng dalawa. "Ewan.Kakain daw eh." "Baka naman iba na yan Anya ha? Mamaya ibang kain ang gawin sayo nun!" Pilyang sinabi ni Stacey na pagkalaki-laki ng ngisi. Binato tuloy ito ni Anya ng neck pillow nito. "Sige lang, asarin mo lang ako!" Si Anya naman ang ngumisi ng malaki sa babae kaya nakita niyang natigilan ito."Parang masarap magdala ng spaghetti mamaya kila Tita, diba Chloe? Tapos malay mo habang kumakain kami madulas ako tungkol sa inyo ni Caleb!" Palatak pa nito, si Stacey naman ang namula dahil sa sinabi ng babae. Napapailing nalang siya sa tatlo, grabi din kung mag-asaran ang mga ito. "Tatahimik na nga eh." Pagsuko ni Stacey na tinawanan lang nila ng malakas. "Jess, oo nga pala. Hinihingi ni Noah yung account mo sa f*******: sa akin kagabi. "Ikaw ha?" It's Chloe's turn to tease her. "Bakit daw?" Hindi interesadong tanong niya dito. Wala naman silang dapat na pag-usapan ng lalaki bukod sa practice. "Eh syempre type ka!" Ngayon ay siguradong siya naman ang pagtutulungan ng tatlo kaya inirapan niya ng pabiro ang mga ito. Humalukipkip pa siya sa kanyang kinauupuan. "Girls! Tigilan ninyo nga ako. Friends lang kami ni Noah." Awat niya sa mga ito. "Kahit ligawan ka?" Tukso pa ni Stacey. "Paano kung more than friends ang gusto sayo?" Si Anya naman na tila curious din. "Wala nga girls." Natatawa na siya sa tatlo. "Bakit?" Susog pa ni Stacey. "Gwapo naman si Noah atsaka matalino yun Jess." Kumbinsi pa nito na tila makapagpapabago ng isip niya. "Oo nga Jess. Gentleman din yun. Kilala na namin mula higschool." Si Chloe naman. Naiiling na lang siya sa tatlo. "Hindi ko kasi talaga priority ang lovelife.Marami pa akong dapat unahin and ayoko naman na maging unfair sa ibang tao." "Siguro may iba kang type ano?" Kunwaring detective pa si Anya na inikot-ikutan siya kaya natawa nalang siya dito. "Wala nga." "Talaga? Mamatay man?" Si Chloe na tila may gustong patunayan. "Ano bang type mo? Yung mala fifty shades ba na bida?" Pilyang tanong ni Stacey. "Bahala nga kayo." Kunwari ng naiinis na sinabi niya. Akmang magsasalita pa ang mga ito ng dumating na ang mga kaklase nila. Tapos na siguro ang parada kaya magsisimula na ang mga games. Nakahinga siya ng maluwag dahil doon. Sa wakas ay tumigil na ang tatlo, takot din na may makarinig sa kanila. "Si Angela ang mahigpit mong kalaban." Ang tinutukoy nitong Angela ay mula sa tourism department. Nakita na niya ang babae, maganda nga ito at mukha namang mabait, kumpara sa kanya ay pino ito kung gumalaw. "H'wag kang kakabahan. Mas maganda ka dun atsaka may usap-usapan naman kahit noong higschool na kaya daw nananalo yun sa mga pageant eh hinohocus-pocus ang judge." Bulong naman ni Anya na ikinasamid niya.Umiinom kasi siya ng palamig dahil katatapos lang nilang kumain ng fishball na nasa loob din ng campus. Allowed ang mga ito dahil open pala ang school nila tuwing intrams.Wala nga siyang laban kung may ibang tactics ang babae pero di bale na, ang mahalaga naman sa kanya ay mag participate para sa grades. "Speaking of the devil..." Si Chloe ng mamataan ang grupo ni Angela na palapit sa kanila.Nakaangkla ang braso nito sa boyfriend nito na team captain ng basketball sa kanilang school. Bahagya siyang umalis sa pwesto para bigyang daan ang mga bagong dating kahit naririnig niya ang pag-angal ni Stacey sa gilid niya. Hinatak pa niya ito ng bahagya dahil pakiramdam niya ay may personal itong galit kay Angela. "Ganyan ang tama! Magbigay-daan sa reyna!" Mayabang pa na sinabi ng kaibigan ng babae kaya nagtawanan ang mga kasama nito. "Aba't!" Naiinis ng wika ni Stacey. "b***h!" Si Chloe naman na umirap pa. Si Anya ay tila interesado pa sa mangyayari kaya hindi nito pinipigilan ang dalawa. Siya lang tuloy ang naiistress. Kung pwede lang na bitbitin ang mga ito paalis doon ay ginawa na niya. Wala siya sa mood para makipag-away. Isa pa ay baka ma-guidance pa sila. "Alis na tayo!" Mahina ngunit madiin niya bulong sa dalawa. "You're Jess right?" Malambing na tanong ni Angela na lumingon sa pwesto nila. "Don't sugarcoat her name Angel. She's Jesusa!" Ang babaeng kaibigan nito na kanina pa nagsasalita. "Oh my bad, Jesusa?" Her voice was laced with mockery. "Yes. I'm Jesusa." Sagot na lang niya. Wala namang problema sa pangalan niya. Hindi naman kahiya-hiya yun. "I heard ikaw yung makakalaban ko.Students, we're betting on us. Pero alam ko naman na katulad ng usual na nangyayari ay ako pa din ang mag-uuwi ng korona." Mahinhin na sinabi nito bago mas lumingkis sa boyfriend na kung makatingin sa kanya ay tila hinuhubaran na siya. Inirapan niya ang lalaki at plastic na ngumiti sa babaeng kadikit nito. Wala siyang panahon sa pagiging hambog nito, binabawi na niya ang sinabi niyang mukha itong mabait dahil siguradong mas maldita ito sa kaibigan nitong matabil ang dila. Hindi naman ito magiging leader ng mga kaibigan kung hindi nito kaugali. "Goodluck." Malamig na sinabi niya bago tinalikuran ang mga ito. Sila Stacey ay tila naramdaman na nawala siya sa mood kaya ngayon ay agad din itong sumunod sa ginawa niya. "Ambantot ng pangalan mo, girl. H'wag kang feeling na maganda ka para talikuran si Angel!" Sigaw na naman ng kaibigan nito kaya nagtawanan ang mga nakarinig. Nasa gitna sila ng field dahil nandoon ang mga street vendors kaya madami din ang estudyante doon. Hindi na sana niya papatulan ang babae ngunit matinis na naman itong nagsalita. "Siguro hindi ka mahal ng nanay mo kaya hindi manlang pinag-isipan ang pangalan mo!" Agad na nag-init ang ulo niya sa sinabi nito. Agad siyang humarap at naglakad pabalik sa mga ito. Hindi naman niya sasabunutan ang babae. Balak lang niyang patahimikin ang katabilan nito. Nakita niya na tumakas ang dugo sa mukha ng babae ng makitang palapit na siya. "W-What?!" Kunwaring matapang na tanong nito pero ramdam niya ang takot ng babae. Kaya niyang mang-intimidate ng tao, bagay na ayaw na ugali ng Mamang Sasha niya sa kanya noon dahil ginagamit niya upang itaboy ang mga lalaki sa bar na lumalapit sa kanya. "What's your name, sweetheart?' Malambing niyang tanong dito. Nakita pa niya ang pagkurot ni Angela sa katabi nito dahil umungol ito ng mahina. "Nanahimik ka Maica!" Sigaw ng isa sa mga estudyante na nakikinig. Pinapalibutan na sila ng mga ito, marahil ay curious sa gagawin niya. Mabuti at ang iba ay nanonood pa din sa mga laro, ayaw niyang umagaw ng sobrang atensyon. "Nice name!" Komento niya kaya ngumisi ang babae. Nagbalik ang buhay sa mga mata nito. "Exactly! Mahal kasi ako ng parents--" "Shh!" Pagpuputol niya sa sinasabi nito. Kunwari pang tinakpan ang tenga dahil naririndi siya sa boses ng babae. "How dare you shut me up? I can say whatever I want!" "Of course, sweetheart..." Nakangisi niyang sinabi dito. "Pero sana naman maganda yung boses mo...nakakarindi eh!" Naiiling na sinabi niya kaya umani ng tawanan sa mga estudyante sa paligid. "Fvck--" "No bad words, sweetheart! Umaamoy eh..." Ngayon naman ay tinabunan naman niya ang ilong niya. "Oh, sorry, maybe I'm just confused! Enlighten me, was it really your mouth reeking or your attitude?" "Bang!" Nagkunwari pa ang isang estudyante na binaril si Maica. Kitang-kita niya ang pagkapahiya ng babae sa sinabi niya kaya tumaas ang sulok ng kanyang labi. "That's enough Maica!" Saway na ni Angela sa babae na sasagot pa sana kaya muli siyang napangisi. Tinalikuran na niya ang mga ito ngunit muli siyang lumingon. Hindi pa siya tapos sa babae! "By the way honey, I forgot to tell you na walang kaso sa akin kung pangit ang pangalan ko...atleast bawing-bawi sa mukha. How about you? Do you think your parents even think the appropriate position while making you, or is it a genetic trait? That face, you know?" Then, she grinned once more. Hindi siya mayabang pero kung ganitong tao ang makakasalamuha niya wala na siyang pakialam sa word na yun. Narinig niya ang muling tawanan ng mga nakarinig at ang pagmamaktol ni Maica ngunit wala siyang pakialam No one messed with her! Hindi siya papayag na hindi siya makakalamang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD