Chapter 24

1394 Words
She woke up in her bed unscathed. Hindi na niya inusisa kung paano siya napunta doon, hindi na din siya interesado. Inabala nalang niya ang sarili sa pagpunta ng school dahil may practice sila para sa pageant ng araw na iyon. Ang mayordoma naman ay walang imik sa nangyari, hindi niya alam kung narinig nito ang pagtatalo nila ng nagdaang gabi ngunit wala na siyang pakialam pa doon. Nawalan siya ng interes patungkol sa binata. Ang gusto na lang niya ay mabayaran ang utang dito ng makaalis na siya ng tuluyan sa mansyon. "Your voice is so good. Siguradong mananalo tayo!" Masayang sinabi ni Noah matapos nitong ibaba ang gitara. Ang napag-usapan nila ay siya ang kakanta habang ito ang maggigitara. May tiwala naman siya sa boses dahil hindi lang siya isang beses pinakanta ng dating amo sa bar para mag-entertain ng costumer sa tuwing wala ang banda ng tutugtog doon. "Thanks. Magaling ka din maggitara." Balik niya dito. "Common na ang gitara pero yung boses mo hindi yan kung saan-saan makikita. Nag-try ka na bang mag-gig? I'm telling you na may potential ka!" "I've tried before." Sagot niya dito, tinutukoy ang pagkanta dati sa bar. "Gusto mo ipasok kita sa restaurant ng kaibigan ko sa bayan? Tuwing linggo ng gabi ay pwede kang mag part-time." Alok nito sa kanya. "Talaga? Gagawin mo yun?" Nabubuhayan na tanong niya dito. She needs money, tutal ay tuwing gabi lang naman ng linggo kakanta kung sakali. Tatapusin nalang niya agad ang trabaho sa mansyon bago pumasok doon. "Oo naman! Ikaw pa?! Malakas ka kaya sakin!" Ginulo pa nito ang buhok niya kaya nagtawanan silang dalawa. Iyon ang tagpong naabutan ng tatlo niyang kaibigang babae. Sa music room kasi sila nagpractice ni Noah samantalang ang tatlo ay inaayos ang listahan ng mga participants na isasali sa mga laro sa intrams. "Uy! Uy! Ano yan ha?" Si Stacey na nakangisi na agad pagpasok palang sa room. Sinundan ito ni Chloe na ganoon din ang reaksyon at si Anya na tila hindi naiintindihan ang nangyayari. "Nagkakadevelopan na ba kayo?!" Malakas na kantiyaw ni Chloe kaya inirapan nalang niya ito ng pabiro. Hilaw naman itong ngumisi ngunit bakas pa din sa mukha ang panunukso. "Hindi ah! Ano ba naman kayong dalawa, baka magkailangan pa kami ni Jess nyan!" Kumindat pa si Noah sa kanya bago sabihin iyon kaya lalo silang kinantyaw ng dalawa. "Hindi yan.Atsaka wala namang boyfriend itong bff namin eh! Diba Jess?" Si Stacey na halos ipagkanulo na siya sa lalaki. Makukurot niya talaga ang mga ito pag sila-sila nalang. "Talaga?" Masayang tanong ni Noah na tila nakikisakay pa sa mga ito. "Oo nga, Noah! Kaya ligawan mo na! Boto naman kami sayo." Si Stacey na nakangisi pa sa kanya. Hinanap ng mata niya si Anya ngunit wala itong imik. Nakaheadset lang ito sa isa sa mga bangko doon at bahagyang nakapikit. "Pupunta muna ako ng canteen, ginugutom na kasi ako. After lunch nalang ulit tayo mag practice." Baling niya kay Noah. Medyo nahihiya na kasi siya sa panunukso ng dalawa at ayaw naman niya na isipin ng lalaki na tinotolerate niya ang mga ito.Mamaya ay may girlfriend pala ito at bigla nalang siyang sabunutan sa daan. "Sabay na tayo. Then, balik nalang tayo dito after." Mabilis na sagot ng lalaki kaya wala na siyang nagawa kundi tumango. Hindi na sumama ang tatlo dahil busog pa daw ang mga ito. Pero palagay niya ay sinadya para mapagsolo sila ng lalaki. Tingin palang ay planado na ang lahat kaya natatawa nalang siya.Kaibigan lang ang turing niya kay Noah kaya sigurado siyang hindi na lalagpas iyon doon.Wala siyang panahon sa lovelife, mas gusto niyang unahin na makaipon para makalayas na sa poder ng demonyitong amo. Nang makauwi siya ng mansyon ay inasikaso niya agad ang paghahanda ng meryenda.Sinabi ng mayordoma na nandoon ang girlfriend ng kanyang amo kaya kailangan niyang pagsilbihan ang mga ito. Hindi na siya nagulat ng makitang nakasandal sa balikat ng lalaki ang doktora habang nanunuod ang mga ito sa tv sa kwarto ng amo. Maingat niyang ibinaba ang dalang juice at sandwich na ginawa niya para sa dalawa. Inilagay din niya sa table ang fries na nirequest ng babae. "You're Jesusa right?" Nakangiting tanong ng babae kaya mas nakonsensya siya sa pagpayag na lokohin nila ito ni Tristan. "O-Opo." Nauutal niyang sagot. Kinakain siya ng guilt dahil sa kabaitan na ipinapakita nito. Ang lalaki naman ay tila walang naririnig sa kanilang usapan dahil nakatutok lang ito sa tv na akala mo ay napakaganda ng pinapanood doon. "I heard nag-aaral ka malapit sa bayan." Kahit bahagyang nagtaka kung paano nito nalaman ay tumango nalang siya. "You're so pretty, siguradong madaming lalaki ang manliligaw sayo doon!" Tukso nito na ikinapula niya. Paano siya pumayag na lokohin ang babaeng ito, bukod sa napakaganda ay sobrang bait din. Ang gaan din ng aura nito kumpara sa babaeng nambuhos ng tubig sa kanya. "Don't be shy.Sigurado naman na marami ng nagsabi sayo nun diba?" Muli nitong tanong kaya tumango nalang siya dahil akala niya ay titigil na ito. "Mostly man?" Kumpirma nito na mas lalo niyang ikinapula. Hindi siya mapakali na nasa paligid lang si Tristan habang pinag-uusapan nila iyon. "H'wag ka ng mahiya, ganyan talaga. Basta, kung sakaling madami ang manliligaw, piliin mo yung sigurado kang ipaglalaban ka." Payo pa nito na tila matagal na silang magkakilala. "Right, Tristan?" Paghingi pa nito ng pagsang-ayon sa lalaki. Lumingon naman ang lalaki sa kanya. Matiim lang siya nitong tiningnan na tila may ginawa siyang malaking kasalanan dito. Siguradong dahil iyon sa usapan nila ng nagdaang gabi. "Aalis na po ako." Pagkatapos ay mabilis siyang lumabas ng pintuan. Hindi na niya kinaya ang ginawang pagtitig ng lalaki sa kanya. Tila nais nitong malaman maging ang laman ng isip niya. "They're plenty huh?!" Napapitlag siya ng biglang may magsalita sa likuran niya. Alas-diyes na ng gabi, kanina ay hindi na siya lumabas habang kumakain ang mga ito. Nagkulong lang siya sa kwarto at pinalipas ang oras bago siya magdecide na magpahangin kaya ganoon na lang ang gulat niya ng magsalita ang lalaki mula sa dilim. Nakita niya ang bulto ni Tristan na may hawak pang sigarilyo. It was the first time she had seen him smoking a cigarette; he was hot, and it was not questionable. Akala niya ay walang bisyo ito pero hindi naman niya ito kilala ng lubusan.Sigurado siyang mas marami pa itong masamang katangian na taliwas sa gwapo nitong mukha. Umurong siya ng lumapit ito sa kanya. Naalala niya ang sinabi nito ng nagdaang gabi kaya muling nag-init ang kanyang ulo. "What do you need?!" Asik niya dito ng patuloy itong lumapit sa kanya. Wala na siyang uurungan dahil pader na ang kanyang sinasandalan. Nasa madilim na parte pa sila ng garden. Kung bakit ba naman naisipan pa niyang pumunta doon. "You're really testing my patience, woman!" Umiiling pa itong tila dismayado sa kanyang pasya. "I don't care!" "Sino?" Nagulat siya sa tanong nito. "Answer me! Sino sa mga lalaki mo ang uunahin ko?!" Galit nitong sinabi. Inilagay pa ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya para hindi siya makatakas doon. "Fvck you!" Asik niya pabalik dito. "Wala kang karapatang panghimasukan ang gusto ko! Ano pa bang kailangan mo ha?! Libog ba? Bakit hindi mo ibuhos sa girlfriend mo ng hindi ako ang kinukulit mo!" "You're as jealous as I am." Tila natutuwa pa nitong sinabi. "H'wag ka ng magmatigas, alam kong hindi mo kayang tikisin ang init sa tuwing malapit ako!" "H-How could you?!" Hindi makapaniwalang tanong niya dito. Talaga bang wala na itong pakialam sa mararamdaman ng girlfriend nito. Kasama lang nito kanina ang babae pero ganito ito umasta ngayon. "You did this. You're the one who's tempting me!" "I'm not doing anything..." tanggi niya dito. "Exactly, sweetheart! You're making me crave more without doing anything." Tila tupang sinabi nito habang nakatitig sa kanyang labi. "I am so frustrated right now! I can't stop thinking about punishing you since you're a bad girl." "Really?" Kunwaring malambing na sinabi niya. "Hmm..." "Then keep on craving! Kung gusto mong lokohin ang girlfriend mo ay h'wag mo na akong idamay! Punish mo mukha mo!" Pagkatapos ay malakas niya itong itinulak at tumakbo papunta sa loob ng bahay kahit naririnig niya ang sunod-sunod na pagmumura nito habang tinatawag ang pangalan niya. Dream on, Monteguado! Hindi ako tanga na papayag sa lahat ng gusto mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD