Chapter 23

1208 Words
"T-Tulungan m-mo ako..." Nanginginig siya habang naririnig ang boses na iyon. Palakas ng palakas ang pagsusumamo nito sa kanya. Hindi niya makita kung sino ang babaeng tumatawag. Pakiramdam niya ay isa siyang bulag dahil purong kadiliman ang kanyang nakikita. Kahit anong pilit niya sa sarili ay hindi niya magawang makita kung sino ang humihingi ng tulong. Tila dinudurog ang kanyang puso habang naririnig niya ang pagdaing nito na tila sinasaktan. Hinihingal siya sa kanyang pagmulat.Muli na naman siyang dinalaw ng kaparehong panaginip. Noong nasa bar pa lamang siya ay madalas na niyang mapanaginipan ang kaparehong scenario. Boses ng babaeng humihingi ng tulong ngunit hindi niya makita ang mukha nito. Noong una ay binabalewala lamang niya ang panaginip dahil akala niya ay bangungot lamang iyon ngunit ng magpaulit-ulit ang nangyayari ay iniisip na niya kung parte ba iyon ng nawawala niyang ala-ala. Alas-dose na ng gabi ngunit bumangon pa rin siya para kumuha ng tubig sa kusina. Sigurado siyang hindi na siya makakatulog muli dahil sa nangyari. Palagi naman na ganoon, pagkatapos ng panaginip ay mauubos ang kanyang oras sa pag-iisip kung kailan nangyari ang panaginip niya hanggang sa tuluyang sumakit ang ulo. Nagulat pa siya at akmang babalik sa kwarto ng makitang mag-isang umiinom si Tristan sa bar counter. Nakaubos na ito ng isang bote ng jack daniel habang hawak nito ang tingin niya ay ikalawang bote nito at doon mismo umiinom. Malamig lang siya nitong tiningnan pagkuwa'y muling tinungga ang bote ng alak na hawak nito. Siya naman ay nagtungo sa ref at kumuha ng pitsel na may lamang tubig. Mabilis niyang inubos ang laman niyon at akmang lalabas na ng kusina ng magsalita ang lalaki habang nakatalikod siya dito. "Is this what you want?!" May lambong ang boses nito na tila nagpipigil ng matinding emosyon. "A-Anong ibig mong s-sabihin?" Tanong niya dito. Hindi niya maisip kung anong ibig sabihin ng lalaki. "Me, staying away from you?!"" Halos ikapitlag niya ang boses nito. Nabato siya sa kanyang pwesto, nakatalikod sa kung nasaan ang lalaki. Hinawakan ng lalaki ang balikat niya at pinaharap siya dito,ni hindi niya namalayan ang ginawa nitong paglapit.Kitang-kita niya ang namumulang mukha nito na marahil ay dahil sa pag-inom. Nanunuot din sa kanyang ilong ang amoy ng alak na ininom nito. "Masaya ka na ba ha?!" Inalog pa nito ng bahagya ang kanyang balikat ngunit bahagya siyang napangiwi dahil sa pagdiin nito sa kanyang balikat. Tila napansin naman iyon ng lalaki dahil bahagya nitong niluwagan ang hawak sa kanya. "Lasing ka na, senyorito. I-Ihahatid ko na po kayo sa kwarto." "Damn!" Gigil nitong sinabi at tuluyan siyang binitawan. Then he mockingly laughed while grabbing his own hair frustratingly. "Pinapalayo mo ako para maging malaya kang makipag-usap kung kanino! You're really a w***e! Fvck! Masarap ba ha?! Sinong mas magaling sa aming tatlo kung ganoon?!" Nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito at malakas itong sinampal.How dare he call her name and accuse her again? Oo, binayaran siya nito pero never niyang ginusto na ibigay ang sarili kahit kanino. Maaring hindi na siya virgin ng makuha nito pero tangina mula ng magising siya sa aksidente ay wala siyang ibang pinagbigyan ng sarili. Siguro kung mayroon man na nawala sa kanyang ala-ala ay maaring nobyo din niya noon. Pero hindi sapat na basehan iyon para pagsalitaan siya nito ng kung ano. Hindi nito naranasan ang pinagdaanan niya sa nakaraang mga taon para lang mabuhay. Hindi nito naranasan ang sikmurain na marinig ang ungol ng kung sino-sino bawat gabi para lang may matulugan. Hindi nito naranasan ang paulit-ulit na takot na nilabanan niya sa tuwing natutulog dahil natatakot siya para sa kaligtasan. "Tangina mo, Tristan!" Galit niyang sinabi dito, basag ang boses. "Oo. Nakuha mo ako ng paulit-ulit pero sino ka para pagsalitaan ako na puta ha?! H-Hindi mo alam kung paano ko nilakasan ang loob ko ng gabing yun para lang pumayag na i-auction. Pasensya na ha?! Mahirap lang ako, h-hindi mo katulad na isang kumpas lang makukuha ang lahat ng gusto." Wala na siyang pakialam kahit sunod-sunod ang pagpatak ng luha niya sa harapan nito. "Y-yung pera na ibinayad mo sa akin? Kahit mangatulong ako habang-buhay h-hindi ko yun kikitain.P-Pumapayag ako na gamitin mo dahil a-akala ko mabait ka,a-akala ko kahit paano ay tama ang naging desisyon ko.P-pero kung alam ko lang na ganito mo ako tatratuhin, sana ay pumayag na lang ako na magpagamit sa ibang lalaki sa b-bar dahil wala naman kayong pinagkaiba, katawan ko lang ang habol ninyo. Sana ay nanatili na lang ako k-kahit ipinagtabuyan na ako ni Mamang, dahil sa inyong dalawa, mas nakita ko ang sincerity ng concern niya sa akin." Nakita niya ang pagtalim ng ekspresyon nito sa sunod-sunod na sinabi niya ngunit wala siyang pakialam. Sasabihin niya ang gusto niyang sabihin dito dahil sumusobra na ito. "G-Ganoon ba ang tingin mo sa akin ha? Ipopokpok ang sarili kahit kanino?!" Punong-puno ng galit na sinabi niya dito. "N-No..." Tila bigla itong nabuhusan ng tubig dahil sa sinabi niya. "I'm so-" "Hindi! H'wag kang mag-sorry dahil ganyan ang tingin mo sa akin." Pagak ang boses na sinabi niya dito. Mukha na siguro siyang baliw dahil sa walang tigil na buhos ng luha niya habang tumatawa. "A-Alam mo ba kung bakit gusto ko na umiwas ka?!" "I-m sorry, please..." Pilit na inaabot siya ni Tristan ngunit iniiwas niya ang kamay niya dito. "D-Dahil putangina! May girlfriend ka Tristan! Mali na nga ang ginagawa natin pero ayaw mo pa din na tumigil! Sa bawat pagsisiping natin, pakiramdam ko'y dinudurog ako dahil may ibang babae akong tinatapakan! Hindi mo ba naiisip ang sasabihin ni Mam Aurora oras na malaman niya na tinitira mo ang katulong niya or perhaps you don't care?! K-Kunsabagay, you don't care about others because you're a self-conceited bastard who only knows how to manipulate other people using your money!" Tumiim-bagang lang ang lalaki sa sinabi niya. Tila wala nga itong pakialam kahit pa malaman ng girlfriend nito ang ginagawa nito. He s really a bastard, hindi siya makapaniwala na naisip niyang may kabaitan ito kahit paano. "You want to know an interesting fact about me?" Malamig na ngayon nitong sinabi at bahagyang lumapit sa kanya ngunit agad niyang inihakbang ang isang paa patalikod para manatili ang kanilang distansya. Nagtataka siya dahil hindi dumadating ang mayordoma gayong kanina pa sila nagsisigawan. "I'm a ruthless man, sweetheart. I worked hard for every single thing that I owned. I pour my blood and sweat into achieving all that I have now. So I treasure every single one of them. I. don't. share." Pagdidiin nito ng bawat salita sa kanya. "Wala akong pakialam sa dahilan mo, akin ka lang! Walang ibang lalaki kung ayaw mong patayin ko siya sa harapan mo mismo!" "Nobody owns me, Monteguado. Maaaring binili mo ako pero katawan ko lang ang makukuha mo!" Malakas ang loob na sinabi niya dito habang sinasalubong ang titig nito. "Watch me then, sa susunod na uungol ka ay sisiguraduhin kong mahal mo na ako!" Huling sinabi nito bago siya lampasan at iwanan sa kusina. Tila nauupos siyang kandila na umupo sa sahig. Hinawakan niya ang sariling tuhod at muling umiyak ng tahimik doon. Kasabay noon ay naramdaman niya ang muling pagkirot ng ulo hanggang sa magdilim na ng tuluyan ang paningin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD