Tiningnan niya ang mukha ng lalaki, umaasang nagbibiro lamang ito ngunit walang emosyon na mababasa dito ngayon. Ni hindi niya makita ang soft side nito na nakita niya noong magkasama sila sa kubo.
Pinipigilan niya ang luha habang unti-unting hinuhubad ang t-shirt na suot. Tila dinudurog ang puso niya sa sobrang baba ng tingin niya sa sarili.Nagre-replay sa utak niya ang bawat panggagamit ng lalaki sa katawan niya. Kung paano siya nakokontrol nito dahil lang sa pagkakabili sa kanya at kung gaano kalaki ang agwat ng estado ng kanilang pamumuhay. Kung nanaisin ng lalaki ay magagawa siya nitong pahalikin sa lupa na dinadaanan nito dahil siya'y alipin. Isang bayaran dahil wala siyang ibang pagpipilian. Wala siyang ala-ala, ni hindi niya alam kung may naghahanap manlang ba sa kanya.
Unti-unti ng pumatak ang luhang kanyang pinipigilan habang tinatanggal niya ang suot na short. Pinahiran niya iyon gamit ang likod ng palad ngunit ayaw nitong huminto. Tila bukal na sunod-sunod na pumatak.
"Damn! I never told you to cry!" Narinig niyang matigas na mura ng lalaki kaya mas lalo siyang napaiyak.
"S-Sorry.."
The man heavily sighed, then cursed multiple times.
"Get out!" Sigaw nito, bakas ang galit. Muli itong nagmura ngunit tila napako ang mga paa niya sa kinatatayuan. Hindi niya magawang sundin ito.
"What are you waiting for, huh?! I said, get out! Fvck!" Mas malakas nitong sigaw kaya nanginginig niyang kinuha ang damit sa sahig at umiiyak na tumakbo palabas ng kwarto. Agad niyang sinuot ang t-shirt habang patuloy ang kanyang pag-iyak pababa ng hagdanan. Nakasalubong pa niya ang mayordoma na siguradong narinig ang ginawang pagsigaw ng lalaki. Nilampasan niya ito at agad na tinungo ang sariling kwarto.
Umiyak siya ng umiyak pagkarating sa sariling silid.Naninikip ang dibdib niya dahil sa nangyari. Hindi niya maisip kung bakit kailangang gawin iyon ng lalaki. Alam niyang binili siya nito, pero ang paluhurin sa harap nito para sa kapatawaran ay sobra na.Daig pa niya ang gumawa ng napakalaking kasalanan sa paraan ng pagtrato nito.
Mugto ang kanyang mga mata ng magising kinabukasan. Madaling-araw na siyang natulog ng kumalma na siya. Iniiyak niya ang sama ng loob sa lahat ng bagay. Sa kanyang pamilya kung meron man siya dahil hindi manlang siya hinanap ng mga ito, sa manager sa bar na nagbenta sa kanya, at higit sa lahat ay sa kanyang sarili dahil sa pagpayag na i-auction ng gabing iyon. Sana pala ay pumayag na lang siyang magpa-table sa ibang lalaki sa bar para nakabayad na siya agad sa manager noon, wala sana siya ngayon sa poder ng lalaki kung hindi niya inuna ang prinsipyo.
Hindi naman nagtanong ang mayordoma sa nangyari ng nakaraang gabi. Umakto lang itong normal kaya hindi na lang siya kumibo. Tuloy lang ang pagsunod niya sa mga inuutos nito. Hindi pa niya muling nakikita ang amo, bagay na ipinagpasalamat niya. Ayaw na niya itong makita pa, pero alam niyang imposible iyon. But she decided to avoid him as much as she could. Mali ang akala niya na may kabaitan ang lalaki, ngayon niya napagtanto na ang leon kailanman ay hindi magbabago. Hahanap lang ito ng pagkakataon kung kailan ka sasakmalin para matauhan ka na hindi sila kailanman magiging kaibigan.
Nang dumating ang alas-kwatro ng hapon ay nagpaalam siya sa mayordoma.Pupunta siya ng school dahil alas-singko ang kanilang practice para sa pageant. Ipapakita na din sa kanya ang kanyang susuotin sa kompetisyon. Bukas kasi ay gugugulin nila ng partner ang oras para sa pagpa-practice sa talent portion segment.
"Jess!" Kaway ng tatlo na ikinagulat niyang nakasakay pa sa isang pulang tricycle. Mabuti at nakalabas na siya ng daan galing sa mansyon. Balak lang kasi sana niyang maglakad dahil maaga pa naman para na din makapag-isip siya.
"Sinundo ninyo pa ako!" Natatawang sinabi niya sa mga ito.
"Syempre, bestfriend tayo eh!" Si Chloe na niyakap pa siya.
Agad na din naman silang sumakay sa tricycle para makaalis. Mabuti at hindi siya inusisa ng mga ito. Hindi pa kasi niya nasasabi sa tatlo na sa pamilya Monteguado siya naninilbihan. Ang alam ng mga ito ay tumatanggap lang siya ng mga labahin at naglilinis ng bahay sa isang pamilya sa bayan.
"Eto! Sukatin mo na!" Excited na sinabi ni Stacey habang ibinibigay sa kanya ang sportswear.It is a white two-piece tennis outfit that contains a wide waistband pleated sports skort and a zipper front stand collar vest. May kasama pa iyong puting sumbrero, white and black tennis racket, and of course her white rubber shoes.Nang sukatin niya iyon ay nagtilian ang tatlo at tila kinikilig. Pinupuri ng mga ito ang hita niya kesyo sobrang kinis daw at tila walang kapeklat-peklat. Ang mga pulang marka naman niya ay hindi na niya problema dahi tinabunan niya iyon ng concealer bago umalis at ang isa pa ay isinarado niya ang zipper ng kanyang top kaya hindi siya nag-aalalang makikita ang dibdib niya.
"Damn those sexy legs!" Sumipol pa si Stacey na akala mo ay tambay sa kanto na ikinatawa nilang apat.
"Wish I have those..." Si Chloe na pinagdidiskitahan ang kanyang mahabang hita. Six feet siya at hindi sa pagmamayabang ay talagang masasabi na pwede siyang mag modelo na madalas sabihin ng kanyang manager noon. Starting with her almond-shaped eyes, which she considered her main asset. Her perfectly arched brows accentuate a narrow, pointed nose, contributing to a face of refined elegance. Her thin, naturally pink lips can form a soft, inviting smile. Her statuesque figure commands attention and grace, embodying the essence of a model's poise and allure. Iyon ang rason kung bakit madalas din siyang gustong i-table noon, kaya niyang kunin ang atensyon ng mga lalaki kahit wala siyang ginagawa.
Ang kasunod niyang isinukat ay ang kanyang casual attire.She will wear a pair of high-waist skinny jeans that sculpt her figure flawlessly, paired with a crisp red crop top. The high-waisted cut accentuates her long, elegant silhouette, while the sleek fit of the jeans highlights her statuesque grace. The red crop top, with its pristine hue, contrasts beautifully with her skin tone, creating a luminous glow that enhances her natural radiance. Kahit siya ay hindi makapaniwalang kaya niyang maging ganoon kaganda. Si Stacey din kasi ang nag-apply ng light make-up sa kanya. Mas pabor siya doon dahil ayaw niya na magpalagay ng kung ano-ano sa mukha. Kung pwede nga lang na lip balm na lang sa mismong pageant pero ayon sa tatlo ay baka magmukha siyang maputla kaya pumayag na din siya basta light make-up lamang.
Ang long gown naman niya ay sa lunes pa niya masusukat ganoon din ang kanyang swimsuit attire. Doon siya mas kinakabahan dahil kumpara sa ibang susuotin ay mas maglalabas siya ng balat doon. Of course, may tiwala siya sa kanyang katawan pero nahihiya siya na lalabas na nakasuot ng ganoon lalo pa at rarampa.
Pagdating sa paglalakad na nakasuot ng heels siya nahirapan. Hindi kasi siya sanay na nakasuot ng ganoon, kahit sa bar dati ay mas pinipili niya ang magsuot ng pantalon at rubber shoes sa tuwing magse-serve sa mga costumers.
"Maintain a straight posture with your shoulders back and chin up, and take measured, confident strides. Keep your eyes forward, and swing your arms naturally to complement the smooth rhythm of your walk." Turo ng bading na nagtuturo sa kanya. Mabait naman ito pero dahil paulit-ulit siyang nagkakamali ay nakakunot na ang noo ng instructor. Iilan lang sa kanyang mga kaklase ang nandoon, ang mga officers lang kasama si Noah na siyang kapartner niya. Nakangiti ito sa kanya habang nagchi-cheer na kaya niya iyon ganoon din ang iba na nanonood.
After another 30 minutes ay nagawa na niya ang nais ng instructor kaya nakapag-break na siya. Pagod na pagod siyang umupo sa isa sa mga bangko doon at agad na tinanggal ang kanyang heels na suot. Minasahe niya ng bahagya ang kanyang paa. Namumula na iyon dahil sa paulit-ulit na paglalakad kanina.
Pasado alas-sais na ng tingnan niya ang orasan pero hindi siya nag-aalala dahil balak naman niyang mag-tricycle pauwi. Hindi na niya kayang maglakad kaya magsasakay nalang siya.
"You're doing good!" Narinig niyang sinabi ni Noah na umupo pa sa tabi niya. Inabutan siya nito ng mineral water na hindi pa bukas kaya mabilis niyang tinanggap iyon at ininom.
"Thanks." Sagot niya dito pagkatapos ng ginawang pag-inom sa bote.
"Mabuti at nakumbinsi ka nila na sumali?" Natatawang sinabi nito.
"Exemption sa midterms." Naiiling na sinabi niya. Sayang din iyon kung sakali lalo pa at baka biglang topakin ang amo niya at paabsentin siya madalas. Mabuti na iyong may back-up siya para makapasa pa din.
"Same." Umapir pa ang lalaki sa kanya na ikinatawa nila pareho.
"Guys! Bukas naman ang practice. Baka kasi masyadong mapagod itong dalawa.Mas mahalaga yung practice para bukas." Announced ni Drake na kapapasok lang ng room. Galing ito sa meeting sa faculty para sa preparations ng kanilang intrams.
Iniligpit na din niya agad ang kanyang mga gamit at isinilid sa kanyang tote bag na dala. Binili niya iyon sa halagang dalawang daan h'wag lang niyang gamitin ang ibinigay na bag ng lalaki sa kanya. Mahirap na at baka maidagdag pa iyon sa kanyang utang.
"Jess... paano, mauuna na kami.Ayaw mo naman na ihatid ka namin sa inyo." Si Stacey iyon. Nakasakay na ang tatlo sa tricycle pauwi sa mga bahay nito. Tinanguan lang niya ang mga ito. Kasama pa din niya si Noah na sasamahan daw siya hanggang sa makasakay ng tricycle na hinayaan na lang niya. Nagbabatuhan din kasi sila nito ng mga questions na maaring maitanong sa kanila. Sineseryoso niya ang pageant dahil ayon kay Drake ay magkakaroon din ng premyo na fifty-thousand pesos ang mananalong pares, may nag sponsor daw na magbigay ng premyo kaya mas namotivate siya. Sayang din ang kalahati niyon, maidadagdag niya sa kanyang ipon na balak niyang ibayad sa lalaki.
"Manong, naghahatid po ba kayo kahit mag-isa lang?" Tanong niya sa ikatlong tricycle driver na dumaan. Tinanggihan kasi siya ng dalawang nauna dahil lugi daw sa gasolina.
"Kayong dalawa, neng. Lugi kasi kapag iisa ka lang."
Napabuntong-hininga siya sa narinig. Kulang pa naman ang dala niyang pera dahil hindi niya nadala ang wallet niya, siguro ay hindi niya ito naisilid sa bag kanina.
"Sige po, Manong. Sasama nalang ako sa paghatid sa kanya." Si Noah na agad niyang tinanggihan.
"Hindi na . Hindi na." Paulit-ulit niyang tanggi dito.
"C'mon Jess. Para makauwi ka na." Pagkumbinsi nito.
"Paano yung motor mo?" Nakamotor kasi ang lalaki at inalok siya nitong ihatid ngunit tinanggihan niya.
"Babalikan ko nalang. Maaga pa naman." Nakangiting sinabi nito. Kahit nahihiya ay tumango na lang din siya sa lalaki. Ililibre na lang niya ito bukas bilang pambawi.
Sa may daan kung saan siya sinundo ng tatlo kanina siya nagpababa.
"Dito ka lang ba?" Tanong nito na tila nagulat.
"Huh? O-Oo." Mabilis niyang sagot. "Salamat po." Akmang iaabot niya ang bayad sa driver ngunit hindi nito tinanggap dahil nabayaran na daw ni Noah. Nahihiya siyang nagpasalamat dito.
"It's fine. Malayo pa ba ang bahay mo dito?" Curious na tanong nito.
"Hindi naman masyado." Tukoy niya sa mansyon.
"Pero ang akala ko ay pag-aari ng mga Monteguado ang lahat ng lupain dito." Nagtatakang sinabi nito pero ipinagsawalang-bahala na lang iyon na tila naisip nitong imposible na magkaroon siya ng ugnayan sa lalaki.
"Sige. Paano bukas na lang?" Nakangiting tanong nito na ginulo pa ang buhok niya. Mas matangkad ng kaunti sa kanya ang lalaki. Gwapo ito kaya siyang napiling ipares sa kanya. Power couple daw kasi sila ayon sa mga kaklase.
Natatawang tinapik niya ito. "Sige. Ing-"
Hindi niya natapos ang sasabihin ng matanaw niya ang isang mabilis na sasakyan na mukhang gusto silang sagasaan sa sobrang bilis. Napansin din iyon ni Noah kaya mabilis siya nitong kinabig.
Biglang uminit ang ulo niya dahil sigurado siyang ang demonyitong amo iyon. Gamit nito ang sasakyan na minsan ng ginamit para ihatid siya sa school.Ni hindi ito bumaba para mag-sorry, mas pinabilis lang nito ang sasakyan at nag-iwan ng napakaraming alikabok sa kanilang dalawa.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Noah, nag-aalala. Peke siyang ngumiti dito, sa loob ay nagngingitngit siya sa ginawa ng amo. Napakasama talaga ng ugali nito. Akala mo naman ay pag-aari niya maging ang daan. Well, technically ay kanya nga ang tinatapakan nila pero hindi dapat na ganoon ang ginawa nito.
Nang masiguradong ayos na siya ay napilitan na din na umalis ang lalaki sakay ng tricycle na naghihintay dito. Siya naman ay tinahak ang daan patungo sa mansyon. H'wag lang magpapakita ang amo sa kanya dahil baka makalimutan niyang katulong lang siya nito.