INSIDE THAT HEART OF JACK MONTEVERDE (BOOK 1)
by: TheBlackCat047
CHAPTER 5?
"Mag-aral ka, kung gusto kang maging proud sa'yo ang nanay mo,pwede ba mag-aral ka? Kahit na ayaw mo, o allergic ka sa libro, pwede ba pilitin mo namang magkalaman kahit kaunting kapaki-pakinabang na bagay 'yang utak mo? " sabay lapag ni Maureen ng mga libro sa harapan ni Jack na kaagad namang kumunot ang noo at bakas ang inis sa mukha dahil sa mga sinabi niya.
Nasa study area sila ngayun, sa bahay nila Jack kaya kahit magsigawan pa silang dalawa sa loob, walang makakarinig.
Nagpunta kasi si Jack doon para kumuha ng mga bagay at pera na din, na magagamit niya habang hindi pa nila alam kung ano ang dahilan at solusyon ng pagkakapalit-palit ng mga katawan nila.
Ay wala din siyang balak na ituloy ang pagtatrabaho sa mga part-time jobs na pinasukan ni Maureen.
Ngunit eto siya ngayun, pilit na sinesermunan at pinag-aaral ni Muareen na naglagay ng sandamakmak na aklat sa harapan niya.
"Tsss, bakit ko naman gugustuhing maging proud sa akin 'yung babeng 'yun na sa simpleng bagay hindi man lang ako mapagbigyan" pagpoprotesta naman ni Jack na nagtatampo pa din sa ina.
"Tsss, ano ka bata? Ayus-ayusin mo nga 'yang pananaw mo, anong napakasimpleng bagay ba 'yang hinihingi mo na hindi ka mapagbigyan ha?
Ano ba ang mga 'yan at tila napaka-importante naman ng mga yan, AT HINDI KA MABUBUHAY KAPAG HINDI 'YAN NAPAPASA'YO? Bahay? Lote? Resort? Kotse? Pera? Luho? Mga walang kwentang bagay?
Tsssss. Kung may matinong pag-iisip ka lang sana, marerealize mo na napakaswerte mo, sobrang swerte mo. Ang daming mga bagay na pinapangarap lang ng ibang tao pero lahat ng iyon nasa sa'yo na.
Ni hindi mo na kailangan pagtrabahuan o pagpawisan, o pag-iponan, pero tingnan mo sarili mo,sa halip na magpasalamat o makuntento, tssss, such an ungrately-stupid-BRAT!" mahabang litanya ni Maureen na hindi man lang pinansin ni Jack na kaagad na nagsuot ng headphone.
Nilapitan eto ni Maureen at tinanggal ang headphone na suot.
"Pwede ba, magseryoso ka naman minsan? Kahit minsa lang at kahit sa isang bagay lang, kahit sa pag-aaral lang!" inis na bulyaw niya kay Jack.
Animo'y walang kagana-gana namang sinulyapan siya ni Jack at akmang tatayo at aalis na, pero kaagad siyang napigilan ni Maureen kaya kaagad din naman siyang nabalik sa pagkakaupo.
"Hindi ko na kailangan mag-aral no, kasali na nga ako sa top students eh, ba't ko pa kailangan mag-aral?" nakangiting sagot naman neto.
Napapabuntong-hininga at napapailing na lang si Maureen at hindi makapaniwala sa kawalang-pake netong kausap niya na tila wala na atang pag-asang titino pa.
"Hoy, excuse me, for your information Mr. Monteverde, ako Po yun,baka nakakalimutan nyo Po na nasa loob Po ako ng katawan mo Po, kaya ka Po nasali sa top" pagmamalaking sambit ni Maureen na diniin pa ang pagkunwaring pagalang kay Jack.
"At isa pa, may atraso ka pa Po sa'kin, kaya Po kung gusto mo Po na makabawi, umayos ka Po, panatilihin mo Po sana yung top student status ko Po, kaya mag-aral ka Po, pwede ba? Po?" dagdag niya at kaagad na inaayus ang mga librong nasa mesa.
Napailing-iling nalang si Jack na tila walang ni katiting na interes sa mga pinagsasabi niya, ni hindi man lang nag-abalang hawakan ni isa sa mga librong nasa harapan.
Tinaasan niya na lang eto ng kilay ay sinenyasan na mag-umpisa na sa pag-buklat sa mga aklat.
Napabuntong-hininga naman si Jack na walang kagana-ganang dumampot ng libro.
"Sus, napakademanding, kala mo naman big deal yung pagiging top student niya" palag ni Jack habang pabaliktad pang binuklat ang libro.
Napailing-iling na lang si Maureen. Kahit kailan talaga ay wala ng pag-asang may magandang ideya pa na sasagi o kahit maligaw man lang sa utak ng taong kaharap niya.
"Of course, big deal yun Mr. Ungrateful Brat! Lalung-lalo na sa aming mahihirap, of course hindi ka makakarelate, pero yun lang ang ticket namin para makapasok sa magandang university na walang babayaran" seryosong sagot niya na napabuntong hininga na lang, unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa.
Paano na lang ang pangarap niyang makapasok sa isang magandang Unibersidad? Paano na lang lahat ng hirap na pinagdaanan niya? Paano na lang lahat ng gabing halos wala na siyang pahinga, na ginugol niya sa pag-aaral, na pagkatapos ng klase ay pumapasok pa siya sa sangkaterbang part-time raket niya.
Paano na ang magiging buhay nila ng anak niya at ng lola niya, ngayung hindi niya hawak ang sarili niyang katawan na sa kasamaang palad ay napunta pa sa isang taong walang pake sa magiging kinabukasan niya?
Napabuntong-hininga na lang si Maureen. Kahit na tila malabo at walang pag-asa ay kailangan niya pa ding subukan, at kailangang mas tatagan pa niya ang loob niya at huwag sumuko, gayong siya lang ang bukod tanging inaasahan ng lola at ng anak niya.
Pinahiran niya ang mga luhang dumadaloy sa pisngi niya, umalis muna siya para uminom ng tubig bago harapin at kumbinsihin ulit si Jack.
Natahimik naman si Jack at tahimik na pinagmasdan si Maureen na malalim ang iniisip, pansin din niya ang pagpahid neto sa mga luhang dumadaloy sa mga pisngi neto.
Napapaisip siya. Tama si Maureen, kung wala siyang balak na maging matino, hindi na siya dapat mandamay pa. Lalo na ngayung wala siya sa katawan niya at ang kinabukasan ng katawang hawak niya ay nasa kanya.
Alam niya ang hirap ng halos apat na part-time job na pinasukan ni Maureen, at ang halos walang tulog at pahingang mga gabi na ginugol neto sa pag-aaral. Minsan na kasi siyang pumasok sa mga part-time neto na pagkatapos ng isang araw ay huminto din siya. Hindi niya kaya ang pagod at ang hirap, papaano pa kaya si Maureen na mag-isang tinataguyod ang pag-aaral at ang pag-aalalaga sa lola at sa anak niya.
Siguro ay minsan na ding naisip ni Maureen na magpahinga, o huminto ngunit hindi neto magawa dahil wala namang ibang gagawa nun para sa kanila. Samantalang ang sarap at ginhawa naman ng buhay na kinagisnan niya.
(Ang buhay na pinapangarap at pinagdadasal ng ibang tao), sumagi sa utak niya ang mga sinabi ni Maureen at maya-maya ay inumpisahan na niyang buklatin ang librong nasa harapan niya.
-------------------
"Uy ang pogi talaga ni Jack bess no" saad ni Stacey na kulang na lang maghugis puso ang mga mata, eto 'yung babaeng unang nakita niya pagkamulat niya sa hospital na napag-alaman niyang matalik na kaibigan pala ni Maureen.
Tiningnan niya ang direksyong tinitignan ni Stacey at nakita niya si Maureen kasama ng mga barkada niyang si Jake at si Patrik.
(Hindi siya dapat nakikisama sa mga mokong na 'yan) sa isip niya ng bigla siyang kalabiting ni Stacey.
"Tskk, syempre nasa dugo na nila yan" pasimpleng sagot ni Jack na kaagad namang napalingon si Stacey at kunot-noong tinitignan siya.
"Ay, iba din, kala ko ba dati hindi ka napopogian sa Jack na yan? Na wala kang pake sa itsura niyan? Anyare ha? nagbago na ba taste mo?" pang-aasar ni Stacey.
Kumunot naman ang noo ni Jack at naintriga sa sinabi ni Stacey.
"Talaga?, hindi ako napopogian sa kanya?" nakangiting sambit ni Jack na kunwari inaasar ang kaibigan.
"Pero naging kami din ng mga ilang buwan no, malabo namang hindi ako napopogian dyan" dagdag niya.
"Hoy, babae!" nakapamewang na saad ni Stacey na humarang sa harap niya.
"Akala ko ba ang sabi mo, minahal mo yang Jack Monteverde na yan dahil ano nga yun? Mabait siya? Maalalahanin? At ano pa nga yun? Palaging nandyan kapag may problema ka, at may masusumbungan ka? At hindi dahil sa itsura o sa yaman niya? Tsss para kang tanga, naamnesia ka ba girl?" pang-aasar ni Stacey sa kanya.
Bahagyang natulala naman si Jack sa natuklasan niya.
(So totoo pala lahat ng 'yun? Totoong minahal niya ako? At nagmalasakit siya sa 'kin? Hindi dahil dinadalhan ko siya ng mga masasarap na pagkain at binibilhan ng kung anu-ano? Ang gago ko! Napakagago para maniwala sa mga kalokohan ng mga kaibigan ko, at pinaglaruan ko lang yung nararamdaman niya)
"Hoy joke lang! Kung makatulala ka naman dyan, kala mo naman may napakalaki kang kasalanan" pang-aasar ni Stacey ng makitang parang napako sa kinatatayuan si Jack (na nasa katawan ni Maureen).
(Meron nga, sobrang laki, at hindi ko na alam paano makakabamawi,o kung makakabawi pa ba ako) sa isip niya at nauna na kay Stacey.
"Ano kayang nakain nun?" napakamot nalang ng ulo si Stacey ng lagpasan siya ni Jack na hindi man lang nagsalita.
"Hoy! Antayin mo ko!"
-------------------
"Uy pre si Maureen oh hahaha, ang ganda pa rin talaga kahit nanay na" nakangising wika ni Jake na sinundan pa eto ng tingin.
(Tsss, ang manyak talaga netong mukhang palaka na 'to)
"Jake, 'wag kang ano, tapos na si Jack dyan eh, hanap ka naman ng ibang marereto" nakangiting suhestyon naman ni Patrik na akala niya ay medyo matino, pare-pareho lang pala sila.
Hindi na pinansin ni Maureen ang dalawa at nilapitan nito si Jack at kaagad na kinuha ang bag at mga libro na bitbit neto.
"Akin na bag mo at mga libro mo ako na magdadala" wika niya at kinuha ang bag at mga libro na dala ni Jack na labis na kinabigla naman ni Stacey.
"Uy, besssss, comeback is real ba?" kilig na saad ni Stacey na kinurot pa sa tagiliran si Jack.
Napangiti naman si Maureen sa pagkunot ng noo ni Jack sa ginawa ni Stacey.
"Hi Stacey, ang ganda mo ngayun ah" ngiting saad ni Maureen sabay kindat kay Stacey na noo'y nakahawak pa sa dibdib neto.
"Ohhhh myyy hearttttt" kinikilig na tugon ni Stacey na kunwari hihimatayin.
Naiinis naman si Jack ng makitang nagbubulungan ang mga kabarkada niya.
"Tsss, pasok na nga tayo" inis na saad ni Jack na nauna na sa paglalakad.
---------
"Anong pinaggagawa mo? Pinagmukha mo kong tanga na Jack na kunwari kinuha yung gamit ni Maureen, tsss, ano mala-gentleman lang? Balak mo ba akong ipahiya sa barkada ko?" inis na saad ni Jack.
"Wow ha, at ikaw pa talaga tong may ganang mainis,samantalang buong araw ko kasama yung mga barkada mo na walang ibang bukang bibig kundi yung pustuhan nyo sa 'kin" galit na sagot ni Maureen.
Natigilan naman si Jack sa sinabi niya. Alam na ni Maureen na pustuhan lang lahat ng iyon? Ayaw niyang makikipaglapit si Maureen sa mga mokong na 'yun dahil ayaw niya na malaman netong pustahan lang lahat ng iyon.
At baka lalo lang masaktan si Maureen. Sa kabilang banda, ayaw din niyang magmukhang asong-ulol sa mga barkada niya na pagkatapos ng pustahan ay siya na naman 'tong magmukhang habol ng habol at nagpapapansin kay Maureen. Kahit na ang totoo'y si naman Maureen ang nasa katauhan niya.
"Hindi mo ko naiintindihan eh" bulyaw ni Jack.
Napangiti na lang si Maureen.
"Bakit, ako ba, naiiintindihan mo ba ako? Naiiintindihan mo ba yung sakit na nararamdaman ko?" mahinahon ngunit puno ng galit na tanung niya kay Jack.
"Fine, oo na, ako na ang may napakalaking kasalanan, so anong gusto mong gawin ko? Alipinin ko ang sarili ko? Utus-utosan kita na sa mata ng mga tao,sa mata ng mga barkada ko, si Maureen, inutus-utusan si Jack, ganun ba gusto mong mangyari?" sagot ni Jack.
Hindi naman makapaniwala si Maureen sa sinabi neto, kahit kailan talaga ay hindi eto tinatablan ng konsensya, pati pag-iisip neto ay mukhang malabo ng maisalba.
"Mr. Monteverde, oh eto 5k" saad ni Maureen sabay abot ng pera kay Jack.
"O, para saan naman 'to? Gusto mo ba may makakita sa atin at isipan nila na , ay si Jack binigyan ng pera si Maureen, ganun?" nagtatakang tanong ni Jack na mas lalong nakadismaya kay Maureen.
Napabuntong-hininga na lang si Maureen at napailing-iling.
"Bumili ka ng utak"