Simula
Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are neither the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance of actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
--
If you're a fan of Reverse-Harem, Cross-Dressing and School Romance troupe. This novel is suited for you!
Let's bring back the nostalgic era of Kdrama vibes!
---
Pinagmamasdan ko ang mahinahong pagpatak ng bawat butil ng ulan. Enjoying coffee while watching the beauty of nature outside of our house. Nagtatampisaw ang mga bata sa ulan habang naglalaro ang grupo ng kalalakihan ng basketball.
Ang mga kababaihan naman ay naglalaro ng mataya-taya. Masarap bumalik sa pagkabata ‘yung tipong walang problema at madali lang lesson sa school. Unlike ngayong Highschool it’s draining my whole existence.
Sinawsaw ko ang pandesal sa mainit na kape. Nakahalumbaba ako habang pinagmamasdan sila. Enjoy-in niyo ‘yan dahil pagdating ng araw sigurado akong ma-mimiss niyo ‘yan.
Nabaling ng aking atensyon sa cellphone na nag-beep sa tabi ko. Ilang unread messages at missed calls ang bumungad sa screen. Iba’t-ibang mensahe galing sa former classmates ko.
Ilalapag ko na sanang patalikod ang phone ko nang mag-play ang ringing tone nito.
“Hmm?” Sagot ko habang sumisimsim ng mainit na kape na talaga namang hinagod ang lalamunan ko.
“Iiwan mo na kami? Akala ko ba okay ka na?” Si Tanny ang bestfriend ko. Simula ng elementary kami sanggag-dikit ko na siya. Isa sa mga taong tinuturing kong totoo sa akin.
“Hindi sa gano’n. Gusto ko lang magpahinga saka nakakatamad mag-aral. Kaya ko naman habulin ‘yan. You know me.”
Bukod sa tinatamad akong mag-aral ngayong school year. Ayoko rin magpakita sa mga taong nakakakilala sa akin. I ruined something na importante.
Nakakahiya. Wala akong maipakita na mukha. Napatunayan na si Sab na siya ang magaling at walang makakatalo sa kanya. Alam ko kung hanggang saan lang ako.
Hindi ako duwag. Inagaw ko ang lead para sa karakter na sa kanya. Saka ayoko na nang away. I just need to take a chill pill.
Pumalakpak ako sa batang naka-shoot ng three points matapos i-fast break ng kakampi niyang naka-shirt ang bola sa kanya. He reminds my Kuya noong bata pa siya. Saka nu’ng batang babaeng nakabestida na nagbigay sa kanya ng ice-tubig.
Nagpalakpakan ang ilan sa mga nanonood. Tinesting rin ng batang babae ang mag-shoot at nagawa niya ito. I bet maalam din siyang lumaro.
Katulad noon, tinuruan din ako ni Kuya maglaro. Sanggang-dikit kami sa mga bagay. Bukod sa kambal kami ay marami kaming similarities sa maraming bagay. Ang kaso lang mas matured siya sa akin in terms sa maraming bagay.
“Pabida talaga ‘yang Sabrina na ‘yan! Nakakainis!” Singhal ni Tanny sa kabilang linya.
“When I get back to my shape, I’ll make sure na babalik ako. Saka madali lang maghabol.”
“I’ll make time for you, okay? Bye!” Pinatay ni Tanny ang tawag.
Grade Twelve na sana ako this coming school year pero dahil titigil ako panandalian magiging iregular student ako. Siguro naman three months is enough for me para makahabol. Hindi ako nag-asikaso ng kahit ano for this coming school year.
Manonood na lang ako sa game ni Kuya. Ang alam ko nakapasa ang kakambal ko sa prestihiyosong university—Dale Valley High. Tanyag ang school na iyon bilang isa sa mga Exclusive School for Boys. Madalas silang top sa Sports at Academics.
Nabalitaan ko nga, soon ay magla-launch sila ng school for girls dahil maraming parents ang nagpetisyon na sana ay may school rin para sa anak nilang mga babae.
Nalaman ko mula sa aking kakambal na may binili ng lote malapit doon ang may-ari ng school. Tuwang-tuwa si Kuya dahil gusto niyang pumasok din ako roon at soon ay mag-o-offer raw ng college courses ang eskwelahan para sa mga babae.
Pero buo ang desisyon ko, hindi ako sasama sa kanya. Mas nauna sa akin mag-aral ang kakambal ko dahil noong bata kami ay sakitin ako. Natigil ako sa pag-aaral bago kami tumuntong ng grade two. Pero all in all ay goods kami pareho when it comes sa Acads.
Kailan lang ay plano ni Kuya na sana ay magkasama na kami ng eskwelahan. Pero may ibang nasa isip ko.
May eskwelahan na kong papasukan pagdating ng college. Saka nando’n ang crush ko!
Si Levine Amadeo, famous basketball player at kilalang tourism student na mukhang fresh na fresh. Kilala ko siya ever since nu’ng third year highschool. Siya ang Senior ni Kuya sa basketball.
Sikat siya balang all-around player ng basketball. Matalinong bata na may mapungay na mga mata, matangos ang ilong at porselanang balat. Sariwa pa sa alaala ko ng inabot niya ang school ID ko na naglalag malapit sa bench na inuupuan niya.
Intramurals noon sa school noon nina Kuya. I was there to cheer my twin pero hindi ko akalain na may binatang makakabihag sa puso ko. Kapag iniisip ko siya ay bumabalik ang mga paru-paro sa tiyan ko.
Sayang nga lang at hindi siya nakanood noong Ballet Competition namin na ginanap sa school nila. Abala raw siya noon sa finals at naghahabol ng grades kaya hindi siya nakanood. I’m still thankful because he informed me and said sorry after that.
Binigyan niya kong chocolates that makes me shiver. Sa totoo lang, nasa closet ko pa ang lalagyan ng mga iyon.
Kinuha ko ang unan sa aking higaan at impit na sumigaw. Kumusta na kaya siya? Naalala niya pa kaya ako?
Nagpalit na kasi akong phone number kaya hindi na ko in-touch sa kanya. Dahil sa engot ako nalimutan kong i-save ang number niya sa mismo kong phone. Tapos ‘yung dati kong SIM tinapon ng kapatid ko sa basurahan.
Natigil ang imahinasyon ko ng may kumatok at mabilis na binato sa akin ang mga librong nasa mini bookshelf ko.
“Yara! Anong kalokohan ang pumasok sa utak mo ha!” Dinampot ni Mama ang unan at hinampas ako ng sunod-sunod.
“Anong hindi ka na papasok! Anong titigil ka muna! Akala mo ba we can afford to lose your scholarships ha!” Ginamit kong pagsangga sa bawat paghampas niya ang aking mga kamay.
“Teka! Pakinggan mo muna ako, Ma. Maaga kang tatanda niyan. Sige ka.” Ngumiti ako ng pilit.
“Oo. Maaga akong tatanda sa inyo! Pati si Yohan, isa pang sakit sa ulo!” Halos sabunutan ni Mama ang sarili niya.
“Anong nangyari kay Kuya?” Mabuti naman at tumigil siya sa ginagawa niya. Minsan talagang mahirap pigilan ang pag-evolve ni Mama bilang armalite. Saka daing pa niya si Eminem mag-rap.
“Injured ang Kuya mo at kailangan niyang mamahinga! Hindi ko na alam ang gagawin sa inyo. Matapos mangyari ang sayo ay sa kanya naman.” Sinapo ni Mama ang noo niya.
Kumuha ako ng tubig at pinaupo si Mama sa upuan ko. Hinagod ko ang likod niya.
Paano na ang pangarap ni Kuya? Kung kailan nakapasa na siya sa dream school niya saka naman may nangyari sa kanya. Ang tagal niyang iniintay ang pagkakataon na iyon. Simula first year ay nag-aral siyang mabuti para makapasok sa top school na gusto niya.
Kaya pala walang paramdam si Kuya mula ng nagbakasyon siya kila Lolo ay dahil may nangyari sa kanya. Puro kasi siya kalokohan! Kung nag-iingat sana siya. Hindi sana nagkaganito.
#ThreeShotsofLoveSimula