Chapter 5

1199 Words
Nagdalawang isip siya kung iiwan na lamang ba ito o dadalhin sa kanyang bahay para tulungan itong gamutin ang mga sugat. Nagpasya siyang i-uwi na lamang ito, kargo de konsensya pa niya kung mamatay ito doon. Karga ang walang saplot na babae ay inilang talon lamang niya pataas ang matutulis na batong naka usli sa bangin at naabot na niya ang kanyang veranda. Maingat na inihiga niya ang walang malay na babae sa kanyang kama. Tila ito isang Diyosa na bumaba sa lupa. Ipinilig niya ang kanyang ulo, iba na naman ang pumapasok sa kanyang isip. Mabilis niyang hinanap ang first aid kit. Kahit hindi naman niya ito kailangan ay meron siya nito. Tinakpan lamang niya ng kumot ang katawan nito saka nagsimulang linisin ang mga sugat nito. Nang malinis ay saka niya ito sinuotan ng pajama. Marami naman siyang binili noong maka lipat siya dito. Mabuti na lamang at may naligaw na maliit na size, ngunit nagmukha pa rin itong malaki sa kanya dahil sa napaka lift nitong beywang Hinayaan niyang magpahinga ito sa kanayang kama at natulog na lamang siya sa upuang nasa mini bar ng kuwarto. Kinabukasan nagisng siya sa kaluskos ng babae sa kama. Nakita niyang bumangon ito at nag-iinat habang kinukuskos ng isang kamay ang mga mata. Naaliw siyang pagmasdan ito kaya't hindi muna siya nagpakita. Nagtataka ang babae habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng silid. Maya-maya ay tumikhim siya at sa isang iglap ay hindi nito namalayan na nasa likuran na ang binata. "Magandang umaga," aniyang ginandahan pa niya ang pag ngiti alam niyan guwapo siya ngunit gusto niyang manigurado. Muntik na itong mapalundag nang magsalita siya. Mabuti na lamang at nasalo niya ito, hawak niya ang maliit na beywang nito. Unti-unting nagtaas ng mukha ang dalaga. Nagtama ang kanilang mga mata. Noon lamang niya nakita ang mga matang iyon, kulay berde ang mga ito, bagay na bagay sa maliit nitong mukha, idagdag pa mapupula nitong mga labi na tila kay sarap halikan. Katamtamang tangos ng ilong at ang pulang buhok na lalong nagpatingkad sa kagandahan nito. Matagal na naghinang ang kanilang mga mata, nang bilang nag-iba ang reaksyon ng dalaga, bigla niyang itinulak si Gabriel at nagtatakbo palabas ng silid. Mabilis itong nakababa sa unang palapag ng bahay at maliksing lumabas at tila isang ligaw na hayop ay mabilis pa sa alas kuwatrong naglaho sa likod ng mayayabong na mga puno sa kanyang bakuran. Nais niyang sundan ito ngunit sa pinto pa lamang ay nasilaw na siya sa sikat ng araw. "Hah!" hingal na hingal si Ava nang maka layo sa bahay na iyon. Hindi niya matandaan kung paano siya napunta roon. Mabilis na bumalik sa kanilang villa ilang kilometro lamang ang layo mula dito. "Ava!" humahangos na tawag ng kanyang ate Aeden. "Oh my God! where have you been?" nag-aalalang patuloy nito. "What happen to you woman?" sunod-sunod na tanong nito. "Ate, relax!" sabi niyang itinaas ang dalawang kamay na tila sumusuko. "Relax mo 'yang mukha mo! muntik ko nang itawag sa Daddy na hindi ka umuwi kagabi!" bulyaw nito. "Hindi mo alam kung gaano kalaking gulo ang posibleng mangyari," sermon nito. "Hmp! sungit," aniyang tinalikuran ito at diretsong umakyat sa kanyang silid. "Ava, get ready we're leaving today," habol nito sa kanya. Nagbabakasyon lamang sila noon sa isa kanilang mga villa na nasa Transylvania. Ang kanilang mansion ay nasa Bucharest talaga. Doon nakatira ang buong pamilya. Sampu silang magkakapatid at siya ang pang-siyam. Pang-walo naman ang kanyang ate Aeden, at ang bunso, si Abby. Tatlo lamang silang babae, ang apat sa mga kuya nila ay may kanya-kanya nang pamilya at naninirahan sa Amerika. Ang tatlo namang wala pang asawa ay nakatira na rin sa kaniya-kaniya nitong mga bahay. Silang tatlong babae na lamang ang kasama ng mga magulang sa kanilang mansion. Actually, pag-aari ng kumpaya nila ang mga villa, lately ay nabenta ang isa sa mga ito. Wala naman siyang pakialam sa mga ito, nalaman lamang niya dahil pilit silang pina sama sa kanyang ate Aeden para isara ang deal sa buyer. Ayaw na ayaw nilang magkapatid ang nagpupunta dito. Ayun nga at nagkukulong din sa silid ang kapatid. "Abby, get ready! we're going home baby," malakas niyang kinalabog ang nadaanang pinto saka dumiretso sa kanyang kuwarto. "Really?" dumungaw ang mukha ni Abby sa kanyang naka bukas na pinto. "Yes, at last," aniyang tinirk ang mga mata. Namilog ang mga mata nito at mabilis na nawala sa kanyang paningin. Sa edad na 26 ay napaka responsable ng kanyang ate Aeden. She takes care of them like a real mom, dahil siguro ito na ang naging gabay nila mula pagkabata. 4 years lamang ang age gap nila pero daig pa nito ang panganay kung umasta. Hawak nito ang real state business ng pamilya. Nagkaroon ng kumplikasyon ang kanilang ina nang ipanganak nito ang bunso nila at hindi pinalad na makaligtas. Mula noon ay inabala na ng kanilang Daddy ang sarili nito sa kanilang mga negosyo. Naging pasaway sila ng kanyang bunsong kapatid, graduating na siya sa kursong business management ay tila isang bata pa rin siya kung umasta. Nasa ikalawang taon naman ang kapatid na si Abby sa kolehiyo sa parehong kurso. Ilang araw mula nang maka balik sila mula sa kanilang boring na bakasyon ay inaya ni Ava ang kapatid na lumabas, idinahilang may biblhin lamang siyang libro. Pumayag naman ang kanilang ate Aiden ngunit makakalabas lamang sila kapag kasama ang mga bodyguards. "Mag-iingat kayo, umuwi ng maaga," pahabol pa nito nang paalis na sila. "Opo!" sabay nilang sagot saka nagkatawanan. Nasa business trip noon ang kanilang ama at tanging ang tatlong kuya at ate Aeden lamang ang kasama nila sa bahay at ilang taga-silbi. Ang kanilang mga bodyguard ay may sariling tirahan malapit lamang sa kanilang mansiyon. Ang tototo n'yan bantay sarado ang kanilang mataas na gate. Nagtinginan ng makahulugan ang magkapatid habang nasa loob ng sasakyan. Alam na ng isa't isa kung ano ang ibig sabihin niyon. "run upon steps into the ground," Nagagawa lamang nila ito kapag out of the country ang ama. Hindi magkanda ugaga ang dalawang bodyguard nang bigla silang tumakbo pagbukas na pagbukas pa lamang ng pintuan ng sasakyan. Para silang mga batang nangarera papasok ng mega mall. Alas-otso na noon ng gabi nang dumaan si Gabriel sa isang mall. Bibili sana siya ng ilang babasahin dahil naiinip siya sa maghapong pagkukulong sa villa. Naka check-in siya sa isang hotel malapit dito kaya tuwing sasapit ang dilim ay malaya siyang umiikot sa mga lugar sa siyudad, nagbabakasakali kahit imposible na makita ang babaeng hulog ng langit. Papasok na siya nang namataan ang isang itim at mahabang sasakyan sa harap mismo ng entrance ng mall. Pagbukas ng pintuan ng sasakyan ay lumabas ang dalawang tila batang nag-unahan sa pagtakbo papasok sa mall. Mabilis naman itong hinabol ng lalaking nagbukas ng pintuan para sa mga ito. "Tsk, tsk,t sk," napapailing na lamang sa nakita, "makukulit talaga ang mga ba-" hindi na niya natapos ang binubulong sa sarili nang isang babae ang nawalan ng balanse sa bandang itaas ng hagdan at mahuhulog ito sa kanya! Mabilis siyang kumilos para saluhin ito. Bumagsak sa kanyang bisig si Ava, ang babaeng lagi na 'lang yatang hinuhulog ng langit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD