Sa wakas ay natagpuan ni Gabriel ang hinahanap. Oo, hinanap niya ng matagal ang babaeng ito na ngayon ay kusa na namang bumagsak sa kaniyang mga bisig.
Natitigilang nakatingin siya sa napakagandang mukha ng dalaga. Tulad noong una ay hindi pa rin nagbabago ang karisma nito. Tlagang naaakit pa rin siya sa berde nitong mga mata. Sa Pilipinas ay bihira ang berdeng mga mata, depende na lamang kung may lahi kang foreigner. Siya kasi ay nagiging mapula lamang ang kaniyang mga mata sa tuwing tinutubuan siya ng pangil.
"H-hi!" naiilang na sabi nito dahil nakalimutan na yata niyang ilapag ito. Nakalimutan din niyang maraming tao na rin ang nakatingin sa kanila.
"Oh, hi!" aniyang tila natauhan sa pagkaka hipnotismo sa maganda nitong mukha. Naninibago siya sa inaasal sa harap ng babaeng ito, tila nawawala ang confident niya sa sarili. Marahan niya itong ibinaba at tinulungang makatayo ng maayos. Inayos nito ang nagusot at bahagyang bumukas na bitones ng blusa nito.
"I'm Gabriel,"aniyang inilahad ang kanang kamay, wala na kasi siyang maisip na sabihin. Hindi naman siya ganito sa ibang babae, siya pa nga ang hinahabol ng mga bababe sa Pilipinas. Siya lamang ang umaayaw dahil mahal niya si Beatrice. Si Bea na ilang linggo pa lamang siyang nawawala ayn nag announce na ng engagement sa isang Marcus Alvarez na kabababta raw nito.
Napapitlag si Gabriel nang dumaop ang mainit na palad ng dalaga sa kaniyang mga palad.
"Ava," pakilala nito sa sarili. Matamis pa sa asukal sa kaniyang pandinig ang mahinhing tinig nga dalaga.
"Sweet name, it's nice to meet you Ava," sabi niyang hindi mapigilan ang sariling lintalan ng marahang halik ang malambot nitong kamay.
"M-me too,"nag-aalangan naman nitong tugon. At marahang binawi ang kamay. Tila napapahiyang ngumiti naman siya rito.
"B-bye, see you around," sabi pa nito bago tuluyang lumisan. Naiwan naman siyang natitigilan. Ang matagal na niyang hinahanap ay kusa na lamang bumagsak sa kaniyang mga bisig. Napangiti na lamang siya sa magandang pangitain na kaniyang nakikita sa hinaharap.
Palihim niyang sinundan si Ava, kahit hanggang sa bahay nito. Napakalaki ng mansiyon ng mga ito, tila napaka yaman at maimpluwensiya ang kanilang pamilya.
"Ava Yeou," malakas niyang sambit nang sa wakas ay tumugma ang larawan ni Ava sa pangalang ibinigay niya. Kanina pa siya sa kaniyang computer naghahanap ng pangalang Ava at sa wakas ay nakita niya ang partikular na mukha ng babaeng tila uubos na sa kaniyang katinuan.
Hindi niya mawaglit sa isip ang maganda at maamong mukha nito.
Ava Yeou, ang pang-siyam na anak ng ma-impluwensya at mayamang si Mr. Yeou. Ayon sa mga maliliit na article na nabasa ni Gabriel ay may itinatagong lihim ang angkan ng mga Yeou, pero isinawalang bahala na lamang niya iyon. Marahil ay gawa gawa lamang iyon ng mga kalaban sa negosyo ng mga ito. Basta't naka focus siya ngayon kung paano makukuha ang atensyon ng isang Ava Yeou.
Mayaman naman si Gabriel pero hindi kasing yaman ng mga Yeou.
Gusto niyang mapalapit kay Ava sa natural na paraan kaya iniisip niya ngayon kung paano makikipamuhay ang isang kayulad niya sa mga normal na tao sa bansang ito.
Siguro ay babalutin na lamng niya ang buong katawan sa maghapon, mabuti na lamang at malamig ang klima sa bansang ito. Bumili rin siya ng maraming gloves para itago rin ang kaniyang mga kamay.
Lingid sa kaalaman nito ay lagi niyang sinusundan ang dalaga. Kahit pa ilang oras rin ang kaniyang biyahe mula sa villa hanggang sa syudad kung nasaan si Ava.
Nagsimulang gumawa ng pangalan si Gabriel sa mundo ng mga negosyante, tulad sa Pilipinas ay naghing investor siya ng malalaking kumpanya sa bansang ito. Bilang Gabriel Montemayor ay kumpiyansa siyang hindi na siya masusundan ng Project X sa malayong bansang ito.
"Ava! we're gonna be late!" bulyaw ni Aeden sa kapatid na hindi na yata matapos tapos sa pag-aayos. Ngayon ang araw na pormal siyang idedeklara bilang tagapagmana at mamahala sa kumpanya at kanilang lahi, bilang alinsunod sa kanilang propesiya.
Si Ava, ang ika-siyam na anak ng ika-siyam na henerasyon ang magtataglay ng pambihirang kapangyarihan para pamunuan ang kaiyang lahi at maging mga kumpanyang pag-aari nila. Ayon sa matatanda sa kanilang lahi, their ancestor is a powerful nine tailed fox na umibig sa isang mortal. At dahil doon, isinumpa ito ng mga gumiho. Bilang kabayaran sa pagtalikod nito sa kanilang lahi ay tanging ang ika-siyam na anak lamang ng ika-siyam na henerasyon ang magtataglay ng buong kapangyarihan ng pagiging isang gumiho sa kaniyang magiging lahi.
Hindi rin nila alam kung totoo nga dahil siya pa lamang ang unang ika-siyam na henerasyon mula nang maglago ang mga gumiho sa mundong ito.
"Oo, andiyan na!" nagmamadaling humakbang patungo sa labas kung saan naghihintay ang mga bodyguards at ang kaniyang ate Aeden.
"You can't be like that all the time Ava! Alalahanin mong responsibilidad mo ang buong angkan at kabuhayan ng buong pamilya," paalala naman ni Aeden sa kapatid.
"Yes maám!" sabi na lamang niya saka nagmadaling sumakay ng kotse na maghahatid sa kanila sa hotel kung saan gaganapin ang pagtitipon.
Nag-aagahan naman si Gabriel nang mapanood sa national news ang tungkol sa pagtitipon ng pamilya Yeou. Hindi man sigurado kung pupunta roon ang kaniyang si Ava ay nagmamadali at kulang na lamang paliparin ang kaniyang kotse makarating lamang ng mabilis. Hindi naman niya puwedeng gamitin ang kaniyang abilidad bilang bampira dahil umaga noon at siguradong letchong bampira ang aabutin niya.
Naka-sun glasses ng kulay itim, coat at guwantes siya kahit na summer. Pinagtitinginan siya ng mga tao pero wala siyang paki-alam. Sa wakas ay narating din niya ang venue. Isang five star hotel. Wala siyang paki-alam sa kung ano man ang sinasabi ng nagsasalita dahil abala siya sa paghahanap kay Ava, alam niyan nasa malapit lamang ito dahil memoryado niya ang amoy ng dalaga. Ito ang gustong gusto niyang advantage ng pagiging bampira, ang kakayahang kumilala, imemorya at hanapin ang isang tao sa pamamagitan lamang ng amoy nito.
Sa wakas ay nakita rin niya ang dalaga na naka kubli lamang sa pinto ng back stage at tila naghihintay lamang na tawagain para humarap sa entablado.
"Our future CEO, Ava Yeou!" malakas na anunsyo ng kung sino man ang nagsasalita.
Matalas ang pakiramdam ni Gabriel, nararamdaman niya ang masamang pangitain, mabilis na inilibot ang paningin sa malaki at maluwang na loob ng hotel na iyon. Kitang kita niya ang isang dulo ng baril na natatakpan ng kurtina sa mataas na bahaging iyon ng gusali. Tumingin siya kay Ava na noon aya palabas pa lamang mula sa backstage, mabilis itong naglakad patungo sa gitna ng pinaka entablado para magbigay ng pahayag. Ngunit bago pa man makarating doon ay tila isang kidlat na tinakbo at niyakap ni Gabriel pabagsak sa sahig si Ava kasabay ang ilang putok ng baril. Tinamaan ang lalaking nasa likuran at nagsimulang magkagulo ang mga tao.
"Gabriel," anas ni Ava nang maka bawi sa pagkakabigla. naka yakap pa rin kasi ang binata rito.
"Sorry," sabi naman ni Gabriel nang mapansing nakapatong ang isa niyang kamay sa dibdib ng dalaga.
Matapos pagkumpulan ng mga bodyguards at masigurong ligtas si Ava ay mabilis at palihim na sinundan ni Gabriel ang lalaking nagtangka sa buhay ng dalaga. Pasimpleng nagtungo ito sa parking lot sa basement ng gusali habang nagkakagulo ang mga pulis sa paligid ng building. Walang sino man ang sumunod dito kaya kampanteng naglalakad patungo sa direksyon ng isang sasakyan, naka bukas na ang pintuan nito at umaandar na rin, tila sadiyang naghihintay na ito roon para sa kaniya.
Ngunit isang iglap ay bilang hinila at tinakpan ni Gabriel ang bibig ng gunman. Hindi ito naka palag dahil sa bilis at lakas ni Gabriel. Kinaladkad niya ito hanggang marating ang kaniyang sasakyan. Bitbit rin niya ang baril nito na kanina pa nito nabitiwan.
Sinuntok lamang niya ito upang hindi maging sagabal sa kaniyang pagmamaneho.
Lulan ang walang malay at hindi nakikilalang gunman ay mabilis na nagmaneho si Gabriel palayo.