[Third Person Perspective]
October 17, 2021
Kakatapos lang ng paglalaro ng baraha, at mukhang si Erol ang may pinakamalaking panalo sa kanila. Sila Erol at James ay nagpatuloy lang sa pag-inom habang sila Kamilla, Mika, at Iya naman ay nagpaalam nang umakyat upang makapagpahinga para sa mahabang araw mamaya.
Mamaya na rin kasi ang libing ni Lawrence.
Sila Sebastian at Asha naman ay nagpapatuloy lang sa pagkukwentuhan.
"Anong trabaho mo ba?" Tanong ni Sebastian
"Nagwowork ako sa isang construction company, I'm an office engineer. Ikaw?"
"Sarap pakinggan ng Engineer, no?"
Nakangiti 'yon na itinanong ni Seb. Ngunit kung tititigan siyang maigi ay pansin ang lungkot sa kanyang mga mata. Siya ay bahagyang napayuko bago ibinalik ang tingin sa kausap.
Hindi naman ito napansin ni Asha dahil agad na sumagot ang dalaga, bahagyang napatingala at nakangiting napatingin sa mga ilaw. "Actually, masarap lang siya pakinggan pero nakakaiyak ang sahod! But still, proud pa rin kami dahil we worked hard for this."
"Yan ba talaga first choice mo o dahil 'yan lang ang gusto ng mga magulang mo?"
"No, it was my decision to pursue this career. Hmm.. kailan.. nga.. ba yon.. basta bata pa ako no'n, I saw some old photos of my Mom and Dad, actually most are from my Mom.
They worked on the same project, Architect si Mom while my Dad is a Civil Engineer. My Mom loves to take photos so much, as in so much!" Saglit siyang huminto habang nakangiti "My favorite is when they're on the top ng ginagawa nilang building. Nando'n sila sa likod ng cabin ng tower crane! They look so happy together."
Nanlaki ang mata ni Seb. "Oh? Pwede pala umakyat don. Ikaw, nakaakyat ka na?"
"No! Bawal 'yon! Pero actually gustong-gusto ko umakyat don! Tinanong ko nga si Dad kung paano sila umakyat, pero tumawa lang siya and said, it was the best night of his life."
"Ang romantic naman ng mga parents mo." Komento ni Seb bago tuluyang inumin ang natitirang beer na kanyang hawak.
"Tapos 'di ba, hinahalungkat ko mga pictures nila. Sa isang photo album may naka-ipit na drawing ng bahay. At first di ko na-recognize, pero I realized na bahay pala namin 'yon. Pinagtulungan pala nila ni Dad itayo ang bahay namin.
So 'yun.. since then, minahal ko na ang idea that you will be involved sa pagbuo ng mga bahay and buildings. Sobrang fulfulling siguro makatapos ng isang project. Sobrang sarap nilang balikan pagdating ng panahon.
How about you? Ano ang career path na tinatahak mo ngayon?"
"Ako? I'm a freelance musician." Nakangiting sagot ni Seb.
Nagliwanag ang mga mata ni Asha. "Aw, ang nice. Do you write songs din ba? If you have, parinig!"
"Meron, pero inaayos ko pa. Kaya 'di ko pa maipaparinig sa'yo."
Kagat-labing titig ng dalaga. "Eh? Wala bang sample or teaser man lang?"
"Wala.. pero promise share ko sa'yo kapag recorded na."
"Sayang.. What is it about na lang?"
"Buhay," nakangiting sagot ni Seb habang ang mga mata niya ay naglalayag sa madilim na langit. Napalingon nga siya sa fountain, hindi kalayuan sa mga tent, kanya 'tong itinuro. "Tara, lipat tayo do'n."
Bahagyang sinilip naman ni Asha ang itinuturo ni Seb, at dahil komportable ang pakiramdam niya sa binata ay sumunod naman siya.
Pagtayo ni Seb ay kumuha muna siya ng beer sa ice box sa bandang kanan niya. Naunang umupo si Asha sa may fountain.
Paglapit ni Seb kay Asha ay biglang nagtanong ang dalaga.
"Ang sarap siguro sa feeling no?"
Bago umupo, inalok ni Seb si Asha ng beer ngunit tinanggihan naman nito. Nagtataka siyang napatitig saglit bago umupo. "Alin?"
"Makabuo ng isang song na maka-karelate ang maraming tao. Song na magiging on repeat ng mga tao everyday. I dreamt of being a singer-songwriter din once kasi I really love music. Kaso ayon, I chose to be an engineer so nevermind."
Lubos na napangiti ang mga mata ni Seb sa narinig. "Tipong magko-comment pa ang mga fans mo ng experiences nila sa buhay, malungkot man o pinakamasayang araw sa buhay nila. Napaka.. napakasarap sa pakiramdam kapag ikaw na ang artist."
Sandaling ibinaling ni Sebastian ang tingin sa mga ulap, at buwan bago tumitig kay Asha. "At sabi mo nga kanina, sobrang sarap sa pakiramdam na may babalikan ka. Ang sarap isipin na nakabuo ka ng isang bagay na matatawag mong sa'yo.. bagay na magpapaalala sa ibang tao kapag wala ka na sa mundong 'to."
Kumunot ang noo ni Asha. "At bakit ka naman napunta sa pagkawala natin sa mundong 'to, you're scaring me."
"Sorry." Pagtawa ni Sebastian. "Di ko naman intensyon na takutin ka. Nagpapahayag lang ako ng nararamdaman ko tungkol sa buhay, kung gaano 'to ka-fragile."
"Sobrang close mo siguro kay Lawrence. Feeling ko sobrang broken ka ngayong wala na siya para mag-isip ka ng ganyan."
Nakulayan ng lungkot ang mga mata ni Seb. "Siguro? Sa totoo lang, hindi ko alam talaga kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Pero 'di ba, totoo naman, isang bagay na kailangan natin i-consider, paano kapag bigla tayong mawala.
Paano ang mga taong importante sa buhay natin, paano ang mga taong hindi pa handa na mawala tayo sa piling nila.
Ikaw ba, nawalan ka na ng taong sobrang importante sa'yo?"
Saglit na napatigil si Asha, bahagya niya ngang nilaro ang tubig sa fountain bago nagsalita,
"My Mom.. Pero I never met her. She passed away giving birth to me kasi."
Sasagot nga sana si Seb ngunit naunahan siya ni Asha
"Alam mo.. something is bothering me kanina, kanina ko lang din sya na-realize.
Sobrang important ng Mom ko sa'kin, pero 'di ko kasi sya nakasama talaga so sa tingin ko iba pa rin if you lost someone na part ng everyday life mo. Someone na lagi mong kausap at kasama. Kaya kanina, I got scared. Naisip ko kasi Dad at Lola ko."
"Sorry, wala na pala ang Mama mo. Kamusta naman ang Papa mo?"
"Si Dad nasa ibang bansa.. Sa totoo lang ayoko sabihing wala na si Mom, kasi I always feel her here." Sabay lapat ng kanyang palad sa kanyang dibdib.
Napangiti at napainom ng beer si Seb.
Ipinagpatuloy naman ni Asha ang pagsasalita, "Tapos yun, I have these thoughts earlier. Part na talaga siya ng life no? Kanina ko nga lang din na-realize ang meaning ng let's just live our life to the fullest. So what if we will be gone someday, at least we lived. Mag-iwan na lang tayo ng best memories para sa mga taong maiiwan natin," nakangiting dagdag niya.
"Mag-iiwan ako ng mga kanta, ikaw mag-iiwan naman ng mga bahay at buildings."
"And—d magagandang gardens!" Halos mapatalon sa pagkakaupo na dugtong ni Asha.
Ngumiti sila sa isa't isa.
Dugtong pa ng dalaga, "—After I gained enough experiences and contacts, I will try designing houses na rin. Contact me someday ha, and make sure na may budget ka!"
"Nakaka-excite naman yan, Engr. Asha."
"Mas na-e-excite akong marinig mga songs mo, Mr. Singer-Songwriter.. By the way, mukhang bagsak na sila lahat, ikaw, 'di ka pa ba magpapahinga?"
"Ubusin ko lang 'tong beer at mamaya pu-pwesto na rin ako do'n para maka-idlip."
"I think I'll go first. Iidlip lang kasi at uuwi na rin maya-maya kapag lumiwanag na konti. Sige! Nice talking with you ha. Good night!"
Nang marinig ito ni Seb ay nakaramdam siya ng pagkataranta. Pagkataranta dahil naisip niya na hindi pala sasama si Asha sa libing mamaya. Isang bagay lang ang pumasok sa isip niya, baka hindi niya na ulit makausap ang dalaga. Kahit nga hindi niya pa alam kung ano ang intensyon niya sa dalaga ay hindi na niya ito pinansin. Basta ang tanging nasa isip niya ay gusto niya lang makausap ulit si Asha. At dahil malabo namang magkita ulit sila sa ibang pagkakataon, ang sitwasyon ngayon ay tila do or die para sa kanya.
Sanay naman siyang kumuha ng mga numero ng mga babae ngunit sa pagkakataong ito ay kakaiba, grabe kasi ang kaba niyang nadarama. Pero wala naman siyang ibang magagawa kasi siguradong 'di na sila ulit magkikita.
Akmang tatayo na sana si Asha ngunit biglang nagtanong si Seb. "Uuwi ka na? Hindi ka ba sasama mamaya?"
"Hindi na, Sunday is our family day kasi and gusto ko matulog whole day." Buntong-hininga ng dalaga.
Saglit na napatigil si Sebastian, kinakabahan sa kanyang gustong sabihin. Sandali siyang huminto at dahan-dahan na huminga nang malalim, "eto na wala namang mawawala," bulong niya sa isip.
Ngunit naunahan siya ni Asha magsalita. "Sige na, aakyat na 'ko. Nice meeting you ulit, Sebastian."
Hindi pa man nakakabwelo nang maayos ay agad namang sinabi ni Seb ang nasa isip. "Seb na lang, at wait..." Ngumiti siya. "Usap ulit tayo next time."
"Sure!" Nakangiti ding pag sang-ayon ni Asha.
"Anong.. phone number mo?" Nahihiya at tila nag-aalangang tanong ng binata.
"Number ko? Tanong mo na lang kay Kamilla."
"Sa'yo ko na nga mismo tinanong, bakit ko pa itatanong sa kanya?"
"You have a point, pero sorry, 'di ako nagbibigay ng number basta-basta lalo na pag sa guys."
"Nakakatampo ka naman, nilabel-an mo ako as one of those guys."
"No, I don't mean anything sa sinabi kong 'guys'. I mean basta lalake lang, I don't give my number pwera nalang if it is about acads or work. I have this paninindigan since high school."
"Oh? Cool ng paninindigan mo. Pero alam mo, kailangan mo munang i-break 'yan ngayon."
"And why would I do that?" Nakangiting tanong ni Asha
"tiktok... tiktok... tiktok...."
Nagtaka ang dalaga, bahagya kasing iwinawagayway ni Sebastian ang kanyang telepono habang paulit-ulit na ginagaya ang tunog ng orasan. "Lasing ka na ba?"
At mapaglarong nagsalita si Sebastian sa isang boses na tila robot, "if.. you.. don't.. give.. your.. number.. in the next 3 mins.. my phone.. will explode.. tiktok.. tiktok.."
Si Asha ay napa-facepalm bago tumawa at nagsalita. "Lasing ka na nga yata."
"Tiktok.. tiktok.." pinagpatuloy lang ni Sebastian.
Nakangiting tinitigan lang naman siya ni Asha.
At wala pang isang minuto ay itinigil rin ito ng binata. "Nakakapagod pala."
Natawa na lang si Asha sa kanya.
Muling nagtanong si Seb, "hindi mo ba ibibigay o ibibigay mo?"
"Ganito na lang, give me your number, I'll text you."
"Okay, ibibigay ko pagkatapos mong ibigay ang sa'yo."
"Di nga, I will text you."
"Hindi ba't ako unang nagtanong? So ako muna ang sagutin mo." Nakangiting sabi ni Sebastian.
Mapang-akit na titig ni Asha. "Gusto mo bang makuha ang number ko o hindi?"
"Kung hindi ko gusto, ba't ko pa itatanong?"
"Think of it, if you give me your number, I can text you and you can save my number naman agad."
"Alam ko, pero iniisip ko rin na there will be a possiblity na hindi mo ako ma-text, kaya para safe, mas mabuti na ibigay mo muna ang number mo."
"Oh..." Pang-aasar ni Asha. "You really want to talk to me again that much?"
"Ba't ikaw ba, ayaw mong makausap ako ulit?" At ibinalik lang din ni Sebastian ang pang-aasar sa dalaga.
"Sabi ko nga, I have my paninindigan, and I don't wanna break it. So para makapagusap tayo ulit, just give me your number para ma-text kita so you can save mine."
"Gusto mo ba akong makausap ulit o hindi?"
"Hmm, it was fun talking to you pero I have my paninindigan nga!"
"Paninindigan mo o ang makausap ako?"
"Eh. Bahala ka. My paninindigan."
"Okay. Nice meeting you again, Asha."
"Okay, I'll go upstairs na, ah."
"Sige, good night."
"Good night din."