Chapter VIII - Fireflower

1064 Words
[Asha's] October 18, 2021 5:05am (Playing: Sweet to Me by Summer Salt) My heart smiles as my mind sings to the sound of my alarm. Yep, that slow and super duper sweet song is my alarm. Ang weird ko nga raw sabi ng friends ko, kasi alarms are meant to wake us up daw pero ‘yong sa’kin, lalo daw nakakaantok. Well, yeah, may point naman sila. Pero, may alarm is not meant to wake me up naman because I naturally wake up early everyday. The real purpose of my alarm is, it serves as a good morning greeting to my day. Ang ganda lagi ng salubong sa’kin ng umaga whenever I hear my favorite songs. Mapapangiti, mapapakanta, may times pa na I’ll dance nang slight while listening to them. Kapag stressed, mapapamuni-muni naman habang watching the ceiling or looking at my window, thinking about my goals and things that I should do for the day. Mula pagkabata, bilin na sa’kin ni Dad na lagi ko raw tutulungan si Mami sa household chores. Isa sa mga favorite kong gawin: magdilig at alagaan ang mga plants sa garden. Every Sunday nga or kapag walang pasok, nagpapatugtog pa’ko ng music while talking to them.. No wonder kung bakit magandang ang pagtubo nila, they are so happy with my company. Pero ang pinaka-maipagmamalaki ko is my cooking skills. Kaya gustong-gusto lagi ng mga friends ko na dito mag-overnight, kasi matitikman na naman nila ang luto ko. Simula noong highschool at syempre hanggang ngayong may work na’ko. Pagkatapos ko magmuni-muni, didiretso na agad ako sa kitchen to cook our breakfast, minsan kapag may time pa, luluto na rin ako ng lunch para sa baon ko. Bukod sa makatitipid, I enjoy my food more if I cooked it myself. Nilalagyan ko pa kasi ng decorations! Gano’n ang typical morning ko, except this time, my smile is happier. Kinikilig! Napa-backread kasi ako sa unang usapan namin ni Seb. I sang whole morning, while cooking, habang naghahain, hanggang sa pagligo at pagbibihis. It really is a good morning. Actually first time ko kasing kiligin nang ganito. Bukod sa mga crush kong artists na impossible ko namang makilala ng personal, sa movies lang ako nakararamdam talaga ng ganitong kilig. Naka-ilang tingin na nga ako sa phone ko, inaabangan kung nag gu-good morning text si Seb, o baka kamustahin man lang tulog ko. Sanay kasi ako makatanggap ng ganoong mga messages. Mga 'good morning, kain na', kapag tanghali or gabi naman ay 'kumusta? huwag papalipas ng gutom'. Honestly, sa paglipas ng panahon, nakakainis na para sa’kin ang ganoong mga messages lalo na't hindi naman ako pala-text. At syempre, annoying din kasi kapag hindi mo naman type ang taong nagpapadala ng mga messages na ‘yon. Kaya nga na-forge ang paninindigan ko pagdating sa pagbibigay ng number when I was in highschool. Kasi I don’t want my inbox to be flooded ng mga messages na gano’n. Pinaka-ayaw ko sa lalake ‘yong sobra mangulit, like every hour, nangangamusta or nanghihingi ng update. Nanliligaw pa nga lang gano’n na, what if kung maging kami pa. Instant turn off! For me kasi, mas okay ring 'di palatext ang isang guy. Nakakapagod kaya sa daliri magtype sa phone! Tsaka kapag sa text ang corny ng mga banat, ang iba nga may kodigo pa. Ew. Pero syempre, deeper reason is, mas meaningful ang pag-uusap in-person, mas ramdam kasi ang sincerity, tapos sobrang turn on din ang confident na guy, someone who is confident to face the woman he likes. Plus, I don’t like guys na walang sariling mundo. Guys that get my curiosity are those who have a dream. Men who have their own world. In simpler words, I don’t like guys who will just disturb my world, ang gusto ko, ako ang manggugulo sa mundo ng very very lucky guy na ‘yon. Bwahaha! Kaya okay for me na laging busy, basta syempre dapat meaningful ang mga pinagka-ka-abalahan. Hindi ‘yong nambababae lang. . . . . Hapon na, wala pa ring text si Seb! First time ko yata mainip nang ganito kakahintay ng text ng isang guy. Ayaw ko kasing mauna magtext ulit, ako kasi ang nag-first text kagabi and hiningi ko pa ang number niya kay Kams, baka isipin non naghahabol ako or needy. So I’ll wait. . . . . Nakauwi na’ko, wala pa rin. Kumain. Nagligpit. Nagpunas. I already finished everything I need to do. Pero wala pa rin! I’ll watch a movie na nga muna, pampaantok while waiting his text. Hindi na nga ako naka-focus sa panonood kakahintay. At natapos lang ang movie at talagang wala pa rin! "Siguro 'di na 'yon magtetext!" I said to myself. Yes, naiinis na’ko. Ba’t wala pa rin siyang paramdam! Ayos ah! Binigay ko na nga number ko, hindi niya pa susulitin? Ang kapal! Naalala ko tuloy mga iniignore kong nagtetext sa’kin. Hirap din pala kapag ikaw ang naghihintay ng text, ito pala ang feeling! Grrr! "I'll sleep na nga!" I took my pillows, and while fixing my bed, my phone vibrated. Sa sobrang excited, dali-dali ko ‘tong kinuha. Kaso I am so disappointed, old classmate lang pala na in-entertain ko for a month. "Ba yan!" I put my phone down, tried to sleep, kaso, biglang nagvibrate ulit ang phone ko. Siguradong si Kevin ulit ‘yan, nag do-double send 'yon ng good night messages. Hindi ko na sinilip, at sinubukan ko nang matulog. Kaso— What if si Seb na ‘yon? Wait, teka, baka siya na ‘yon, siya na ‘yon! Hindi talaga ako mapakali so I checked my phone ulit— "Hi, Asha! Good night and sweet dreams!" Hay, lalo lang akong na disappoint, si Kevin lang talaga ulit. Sakit na siguro nating mga tao 'yon no? Even if we already know the answer to our questions, we will still look, and hope that we’ll find a different answer. "Sarap mong i-block, Kevin!" I am so annoyed. Napabuntong-hininga na nga lang ako as I set my mode to silent. But as I off the screen, bigla ulit siyang nag-on, one message received daw. "Haynako, Kevin. So ngayon triple send na ang good night mo." I whispered as I check the message. But ibang number ‘to, an unknown number. +639XXXXXXXXX Hi, Ms. Paninindigan. Ito na ang bagong number ko, nawala kasi phone ko kanina habang pauwi. Si Seb 'to : )
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD