Chapter VII – A Small Favor

796 Words
[TPP] October 17, 2021 9:20 pm "Hi, Mr. Pessimist!" Kahit na ang mensahe ay walang pagpapakilalang nilalaman, si Seb ay agad na napangiti. Ang panghihinayang ngang nararamdaman niya kanina ay napalitan ng kilig. Di na rin kasi niya inakalang magkakausap pa silang dalawa. "Sino 'to?" Patay malisya niyang sagot. "May iba pang tumatawag sayo ng Mr. Pessimist? Seee tama ako no. Pessimist ka talaga." "Actually isang babae lang naman ang nagbansag sakin 'non. Kaso hindi niya binigay number niya, 'di ko rin naman ibinigay number ko. Kaya walang chance na magkausap kaming dalawa. Kaya sino ka? : )" "Hindi binigay? Ang lungkot naman non. Bakit mo ba kasi hiningi, crush mo? :))" "Crush? Di ko pa siguro masasabi sa ngayon, basta ang alam ko, ang ganda ng boses nya. Nakita ko kasi 'yon kumanta isang beses. Talagang damang-dama yung lyrics, medyo napapa-headbang pa nga eh. Walang pakealam sa nasa paligid, may sariling mundo : ))) " "Shet! Hoy, kainis ka!! Nadala lang ako ng feelings ko! Favorite song ko kasi talaga 'yon! -_-" "Compliment naman 'yon ah. Haha" "K. Btw, kumusta kanina?" "Okay lang. Don't worry wala naman akong ibang nakilala kanina." "Wait, who’s asking?" "Feeling ko ‘yan talaga ang gusto mong itanong kaya ayan na ang sagot." "Binabawi ko na, 'di ka pessimist. Kasi sobrang kapal ng mukha mo." "Sabi sayo. Nga pala, kanino mo nakuha phone number ko, kay Kamilla ba?" "Why? Do you know who is this na ba?” "Binigay mo naman na ang sarili mo kanina, 'di ba ikaw iyong naghe-headbang kapag naririnig ang paborito niyang kanta." "Ohhh, may talent ka rin sa pang-aasar, eh no?" "Parang ikaw naman ay wala? So kanino nga, kay Kamilla no?" "Important pa ba malaman ang detail na ‘yon?" "Oo naman, kasi 'I have paninindigan!'" "Zzzzz. Oo na, kay Kamilla nga po." "Anong nangyare sa 'Paninindigan mo' akala ko ba..." "Oh ano? Di naman labag sa paninindigan taking your number from her ah. Kunyare ka pa, kinilig ka naman. : ))" "Nakaka-kilig naman talaga kapag may babaeng hiningi pa ang number mo sa kaibigan mo para lang makausap ka. 'She likes to talk to me again that much.' : )))" "ADSDKSDJDAKLD!!! K. Bye." " HAHAHAHA okay lang yan. Aaminin ko naman na masaya rin akong nakausap ulit kita." "Bakit ka masaya? : ))" "Eh ikaw, ba't mo muna kinuha number ko?" "Bakit nga ba.. I'm doing you a favor." "Favor?" "Yup.. I felt na you really want to talk to me again kaya here we are. You are so lucky na nasa mood ako kaya pagbibigyan ko ang wish mo. : )))” "Hahahaha. Ako ba talaga o ikaw?" "Itatanggi mo?" "Secret." "Ohh Please. Halata naman." "Hahahahaha okay? Sige na, bukas na ulit tayo mag-usap, Ms. Paninindigan. Inaantok na ako." "K. Go." "hahahahaha, jk. Go sleep ka na, may pasok din ako bukas. Good night!!" "Goodnight din sayo, Asha." Si Asha na halatang nabitin sa kanilang pag-uusap ay tinext naman ang kaibigan niyang si Iya. "Iyaaaa" "Ashaaaa. Ano meron hahaha" "Not bad. : )))" "Huh, what??" "Si Sebastian, I think he has a chance. Hihi. He got my curiosity..." "Ohhhhhhhh. Sabi na, may something. Halata sa pagkukwentuhan niyo kagabi. Di ka na nga namin tinawag eh. Hahahaha!" "Let’s see kung malalagpasan niya mga test ko. Bwahaha." "Inaya ka na ba mag date?" "Di pa naman. Kaka-text lang namin ngayon. Let’s see next week kung mag-aaya siya. Tingnan natin kung may ibubuga siya sa personal. : )))" "Yan ka na naman sa mga test mo! Tatanda ka na lang na dalaga niyan kung sa bawat manliligaw o nagkakagusto sayo eh halos padaanin mo sa butas ng krayom! Hahaha" "Edi they're not worth it. Kita mo naman gaano ka cool si Dad, dapat ka-level niya or better than him. Never i-lower ang standards, okay? Girl power! I miss you, babe!" "Sabagay pabor din naman samin yon, para may mayamang tita ang magiging anak namin, priority mo magiging anak ko ah!" "Hahaha, syempre naman ikaw pa ba? Pero ipriority mo muna paghahanap ng matinong guy ah, okay? Huwag mo nang balikan yung s**t mong ex.” "Hahahaha. Huhuhuh Okay po!" "Okay, Labyu. Sige na, I’ll sleep na at may work pa tom. Goodnight, babe!" "Thanks babe, Good night din!" Pagkatapos niya makipagtext sa kaibigan ay itinabi niya na ang kanyang telepono. Ang kanyang paghiga ay may kakambal na pagtitig sa mga umiilaw na laruan sa kisame. Naglalaro sa kanyang isipan ang ilang mga katanungan. Will it be him? Let’s see. Marahan niyang tinanong ang sarili habang ang unan ay niyayakap nang mahigpit. Kasabay naman ng kanyang pagpikit ay ang pagngiti ng mga labi. At sa bawat pagkumpas ng kamay ng orasan ay ang pagtibok ng kanyang dibdib. We can’t really understand the timing of love, no?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD