* Prince POV * Napaupos ako sa isang tabi at malalim.ang iniisip dahil sa punagsasabi ng babaeng yun. Habang ang mga kasama ko ay busy sa kakahanap ng mga ireregalo sa anak ko. ' Nagkamali ba ako ng desisyon Hon? Nagkamali ba akong protektahan ang anak natin? Gusto ko lang naman siyang ilayo sa panganib, sa mga kalaban ko. Gusto ko lang naman siyang protektahan katulad ng hindi ko pagprotekta sayo. Dahil ayaw kung may mawala pang isang mahalagang tao sa akin, ayaw kung mawala ang anak natin. Hindi ko na kakayanin kapag nangyari yun. ' Napahilamos ako sa mukha gamit ang dalawang palad ko dahil gulong-gulo na ang isip ko. Napatingin naman ako side ko ng may tumapik sa balikat ko. " Kung ako sayo, magpakaama ka muna sa anak mo. Hayaan mo muna yung problema sa organization. Isipin mo muna

