Kinabukasan ay maaga kaming pumunta sa bahay nila Prince para planuhin ang birthday ng anak niya ngayong araw. Kasama ko din pala si Abby at Dana para may katulong din naman ako sa pagdedesign. Lalo na at sila lang dalawa ang alam kung magaling magdesign. Sa bahay lang din naman gaganapin ang party ng anak niya to make na sure na talagang ligtas ang lahat. Gusto sana namin sa beach para mas maenjoy ng anak niya. Kaya lang open crowded na at malaking tyansa na may mangyayaring masama. " Ang laki naman mg bahay ng asawa mo, Reign. " tiningnan ko ng masama si Abby ng sabihin niya yun. " Hindi ko siya asawa, okay? " kung makapagsabi kasing asawa akala mo naman totoo yung sinabi ni Sir. " Pero gusto mo siya. " nakangiting asar na sabi ni Dana. Ang sarap iuntog ng ulo nilang dalawa. Napakam

