Dahil nga matigas daw ang ulo ko, nakalabas ako ng hospital na nakangiti. Pwede naring umuwi sina Abby at Jick dahil okay naman ang pakiramdam nila. Kaya sabay-sabay kaming umuwi lahat, kami yung una nilang hinatid dahil nga wala kaming sasakya. Sa kanto narin kami nagpababa ni Abby at hindi na sa mismong bahay namin kami nagpahatid. Nagpumilit pang si Prince na ihatid kami sa bahay kaya lang hindi na ako pumayag dahil masyado na namin silang inaabala alo na at alam kung meron pa silang mga kailangang gawin. " Kamusta ang likod mo, talaga bang okay ka lang? " tanong sa akin ni Abby habang naglalakad papunta sa bahay namin. " Nakita ko kung paano ka itinapon ni Jiminez at tumama yang likod mo sa poste kaya sigurado akong masakit yan. " dagdag pa nito. " Okay lang ako, parang hindi kana n

